@kj_plm
PLAGIARISM IS A CRIME!
LANGUANGE : TAGALOG/ ENGLISH
*****
"BAKLAAAAA!"
Napatingin naman ako sa lalake este binabaeng pinagkaguluhan ng mga kapwa niya. Si Gregorio.
Chen Gregorio. Gregorio sa gabi at Gregoria naman sa umaga. Baliktad ba? Wala eh ganyan talaga . Fourth Year highschool ,valedictorian last year at top student ngayong taon. Maraming nagkakagusto sa kanya kahit bakla siya at isa na ako dun.
Hindi ko ba alam kung bakit naging bakla pa siya. Makapal ang kilay, matangkad , moreno , may pagkasingkit ang mata. Inshort GWAPO. Kaya nga hindi ko alam kung bakit halos ng gwapo ay bakla at ang natitirang straight puro jejemon.
NASAAN ANG HUSTIYA?!
Natigil lang ang pagiisip ko ng may umakbay sakin na kung sino at sumigaw sa maganda kong tenga."Hoy panget! Sinong tinitignan mo hah?!"
"Gago ka talagang babae ka! Kailangan manigaw buti sana kung hindi matining yung boses mo putangina ka!"
"Wag mong ibahin ang usapan Jhane! Sinong tinitignan mo dun sa mga bakla? "
"Pwede ba wag mokong tawaging Jhane! Zhania ang pangalan ko kaya tumahimik ka nalang" inis kong sambit at naglakad palayo dun sa mga bakla
Hutanginames nabibitter na naman ako sa mga bakla!
"Woi hintayin moko! Kaloka kang babae ka" narinig ko pang sigaw niya pero diko siya pinansin. Pake ko ba sa tibo na yun
*********
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah" napaangat naman ako ng tingin sa taong nagsasalita. Ang gwapo talaga niya. Bakit ba naman kasi naging bakla pa siya yan tuloy wala akong malandi
"Oo nga eh. Gusto mo lunurin kita?" pabiro kong sambit saka kunwaring inirapan siya.
" Wag naman mawawalan ng diyosa sa mundo! Kaloka" napangiti naman ako nang mapait sa sinabi niya
" Chen, bakit ganun? Bakit karamihan sa gwapo bakla? Hindi ba pwedeng maging straight nalang sila? Ikaw bakit bakla ka?" natigilan siya nang itanong ko yun. Kahit rin naman ako. Bakit ko ba kasi tinanong pa yun.
"Alam mo naman ang dahilan diba" mahina niyang sambit
" Ano? Nang dahil na naman sa first love mo na hindi ka naman mahal? Chen baka iniisip mo lang yan. Baka hindi ka talaga ganyan" sa pangalawang pagkakataon natahimik siya
.
"Baka nga" nakita ko ang pagguhit ng mapait na ngiti sa labi ni Chen. "Zhania kilala mo ba kung sino ang first love ko?"
Napatawa naman ako ng mahina ." Hindi malamang.Di mo kaya sinasabi sakin bakla na to. Porket takot ka lang asarin kita kasi binasted ka ng first love mo"
Natigil ako sa pagtawa ko nang makita kong nakatitig nalang si Chen sakin.
" Zhania mali ka. Hindi niya ko binasted. Naging kami pa nga" sabi niya habang nakatitig parin sakin.
"H-hoy bakla umayos ka nga" sabi ko kasi naiilang na ako. Ang lapit niya kasi ih lalo na yung mukha niya. Palapit ng palapit sakin.
"Zhania gusto mo ba malaman kung sino siya?"
Gusto ko nga ba? Wala naman sigurong mawawala kung malalaman ko. Mawawasak nga lang yung puso ko.
"Sige" sabi ko sa matapang na boses. Lumayo naman siya ng kaunti sakin.
Matagal bago siya sumagot. Ano backout agad siya? Di niya naitutuloy? Pa--
"Ikaw Zhania. Ikaw ang first love ko"
Whut?!
Nagulat ako sa sinabi niya sakin. Paanong nangyaring ako?
"A-ano?"
"Zhania may amnesia ka" sambit niya pa
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa narinig ko
*****
@kj_plm