Closer You and I

27 1 0
                                    

Prologue:

            It was a boring day in a boring park inThailand for Blaize—isang professional photographer sa isang women’s magazine.

            Biglang nagliwanag ang kanyang mukha nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang guwapong lalaking nakaupo sa bench at nakatanaw sa malayo.

            She approached him and asked him to be her model.

            Sa pag-iwas nito sa kanya ay nahulog ito sa lawa. At habang nagsu-swimming ito kasama ng mga isda, mga suso, at mga water lilies ay kinuhanan niya ito. Hindi pa siya nasiyahan, ipina-publish pa niya ang mga larawan.

            Subalit hindi niya sukat-akalain na magtatagpong muli ang mga landas nila ng guwapong modelo niya. Ngunit sa halip na supladuhan ay kinaibigan siya nito. Nagdududa man siya sa hangarin nito ay hindi niya napigil ang sariling mahulog ang loob dito.

            Hanngang isang araw ay may nabalitaan siya na halos ikadurog ng kanyang puso: may nagmamay-ari nap ala sa puso nito.

Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakawala sa pader na pinagkulungan ko sa sarili ko. Binago mo ang mali kong pananaw sa buhay. Dahil tinanggap mo ang mga kahinaan ko at pinalakas mo ako”—Dwight

Closer You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon