Chapter 3

15 0 1
                                    

            “HEP, HEP, babae saan ka pupunta?”

            Napalingon sa aktong paglabas ng pinto si Blaize. Nasalubong ng kanyang mga mata ang nakataas na kilay ng kaibigan niyang si Ericka. Mukhang inaabangan talaga siya nito.

            “Diyan lang sa internet café. Magtsa-chat.”

            “At iiwan mo ako rito? Hahayaan mo akong sagutin ang lintik mong boyfriend?”

            Napabuntong hininga siya. Isinara niya ang pinto at muling umupo sa sofa. Ilang araw na siyang hina-hunting ng boyfriend niya siJericho. Nag-away sila dahil hindi nito napaalam na may photography session siya sa Sagada. Samantalang tinawagan namn niya ito. Kaso ay ito naman ang wala. When she tried to explain, siya pa ang sinisi nito.

            “Ericka, please, para sa akin man lang. Ikaw muna ang kumausap sa kanya,” nakikiusap niyang sabi. Batid niyang magaaway lang sila ng nobyo sa telepono.

            Pinamaywangan siya nito. Bumaba ito ng hagdan na akala mo ay kondesa. Sabay mataray na hinarap siya.

            “Hoy, Miss Blezilda Torres—“

            “Blaize!” inis niya itong itinama. Ang ganda-ganda ng palayaw niya, biglang bubuuing Blezilda.

            “Okay, bruhang Blaize. Kung ayaw mong kausapin ang boyfriend mo at iiyak ka nanaman diyan dahil sa kanya, i-break mo nalang.”

            “No way!” maigting na tutol niya. “You know I can’t do that. I really loveJericho.”

            She metJerichoinCaliforniawhen she attended a conference on digital photography a couple of years ago. Isa itong inhinyero. Pure-blooded Filipino ito pero isa nang American citizen.

            Sa dalawang lingo pananatili nito sa states ay sinuyo siya nito. Nang umuwi na siya sa Pilipinas, halos araw-araw silang nagtatawagan. At pinuno nito ng mga love notes ang E-mail niya. She found it very sweet and romantic. 1 ½  years na niya itong nobyo at dalawang beses na siya nitong dinalaw sa Pilipinas.

            “Puwes, maiwan ka rito at ako ang aalis.” Tinungo ni Ericka ang pinto.

            “Hoy, saan ka pupunta?”

            “Ako ang magtsa-chat.”

            “Eh paano ako? Magtsat-chat din ako.”

            “Sumama ka sa akin.”

            “Eh paano siJericho? Walang sasagot sa tawag niya.”

            “Pwes, manigas daliri niya kapipindot. Are you going with me or not?” Umarko ang isang kilay niya. Nahalata siguro nito na wala siyang balak tumayo sa sofa..

            “Eh paano siJericho? Baka magalit ‘yon”

            “Huwag mong intindihin ang galit ng boyfriend mo total pinaglihi naman sa hinagpis yun. Intindihin mo ang galit ko.” Hinila nito ang kamay niya. “Let’s go papasok pa sa Channel si Dwight.”

            “Si Dwight?” Biglang nagningning ang kanyang mga mata.”Bilis! ang lelong ko papasok nga pala. Ba’t ka ba babagal-bagal?” at nauna pa siyang nagtatakbong lumabas ng apartment,

KAAGAD na naagaw ang pansin ni Ericka nang humagalpak ng tawa ang katabi niyang si Blaize. Napatingin siya sa computer screen nito. At siya man ay disimuladong tumawa ng mabasa ang nakasulat doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Closer You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon