Para Kay Itay

1.5K 5 1
                                    

PARA SA’YO TATAY

Mula sa kadiliman na aking kinarooronan

Isang tinig ang aking naulinigan

Isang malamyos na haplos ang aking naramdaman

Sa panahong ito ako ay nasa sinapupunan pa lamang

Nang aking inang minamahal.

Aking napagtanto, sa aking pag-gulang

Na ang aking ama pala naman

Ay tunay na nagmamahal

Sa aming mga bunga ng kanyang pagmamahal

Sa aming inang ganun din kung magmahal.

Aking nasilayan ang liwanag ng buhay

Kaantabay ang kamay ng tatay

Sa bawat katuwaan at tagumpay

Siya ang tunay na umaagapay.

Sa panahon naman ng kabiguan at pasakit

Siya ang unang taong sa aki’y dumidikit

Upang ipadama ang suportang tunay na marikit

At muling nagpapanumbalik ng aking tapang at lakas.

Tahimik kang nagmamasid sa aming bawat  gawain

Lagi kang nakaalalay sa aming mga hangarin

Nariyan lagi ang presensiya mong angkin

 “Kaya mo ‘yan anak” ang lagi mong sasambitin.

Mula sa iyo, Itay, tunay kong naramdaman

Ang pagmamahal ng Diyos na walang kaparam

Sapagka’t pantay-pantay ang iyong pagmamahal

Sa kabila ng aming mga pagkukulang.

Walang hanggang pasasalamat ang aking sasambitin

Sa Panginoong Diyos na Lumikha sa atin

Sapagka’t ikaw ang Amang kanyang kaloob sa akin

Walang katulad, walang kahambing.

Para Kay ItayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon