PARA SA’YO TATAY
Mula sa kadiliman na aking kinarooronan
Isang tinig ang aking naulinigan
Isang malamyos na haplos ang aking naramdaman
Sa panahong ito ako ay nasa sinapupunan pa lamang
Nang aking inang minamahal.
Aking napagtanto, sa aking pag-gulang
Na ang aking ama pala naman
Ay tunay na nagmamahal
Sa aming mga bunga ng kanyang pagmamahal
Sa aming inang ganun din kung magmahal.
Aking nasilayan ang liwanag ng buhay
Kaantabay ang kamay ng tatay
Sa bawat katuwaan at tagumpay
Siya ang tunay na umaagapay.
Sa panahon naman ng kabiguan at pasakit
Siya ang unang taong sa aki’y dumidikit
Upang ipadama ang suportang tunay na marikit
At muling nagpapanumbalik ng aking tapang at lakas.
Tahimik kang nagmamasid sa aming bawat gawain
Lagi kang nakaalalay sa aming mga hangarin
Nariyan lagi ang presensiya mong angkin
“Kaya mo ‘yan anak” ang lagi mong sasambitin.
Mula sa iyo, Itay, tunay kong naramdaman
Ang pagmamahal ng Diyos na walang kaparam
Sapagka’t pantay-pantay ang iyong pagmamahal
Sa kabila ng aming mga pagkukulang.
Walang hanggang pasasalamat ang aking sasambitin
Sa Panginoong Diyos na Lumikha sa atin
Sapagka’t ikaw ang Amang kanyang kaloob sa akin
Walang katulad, walang kahambing.
BINABASA MO ANG
Para Kay Itay
Poetry` Tula aking iaalay para sa aking itay .. di ko man masabing mahal kita sa personal .. dinaan ko na lamang sa tula