1

2.9K 7 2
                                    

Corona


Ito na ang araw na pinakahihintay ko, lalaban ako sa harap ng maraming tao. Kasabay ng pagsusuot ko ng takong ang pag hugot ko ng malalim na buntong hininga, kinakabahan ako ngunit hindi ko rin matago ang saya, nag-ayos na ng buhok at magandang saya na magpapanalo sa akin ngayong gabi, sa paglalagay ng kolorete sa muka ko pakiramdam ko isa akong baboy o presong nakawala sa hawla.

Tapos na ang lahat, kasunod ng mapangindig balahibong drumroll ang pagtulo ng luha ko sa saya, saya dahil nasa akin ang korona.

Ngayon tinatahak ko ang daan papunta sa tahanan upang ibalita sa pamilya ang magandang resulta.

Pagbaba ko ng sasakyan kita ko ang halo halong reaksyon ng aking mga kapitbahay, may nakangiti at mahinang pumapalakpak ang iba ay nakanganga at ang iilan ay nagtaas ng kilay. Nasa tapat nako ng pinto huminga ako ng malalim at saka pinihit ang doorknob nito.

Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang munti kong pamilya, nakangiti ang aking nanay pati na ang ate.

"Nasan si tatay?" tanong ko. Tumingin sila sa likuran ko na parang gulat na gulat, lumingon din ako at kasunod non ang solidong suntok na natanggap ng muka kongg puno parin ng kolorete.

"Anong ginagawa mo Arnaldo!" nanggagalaiting sigaw ng aking sundalong ama, sa likod non ang mga mapanghusgang tingin ng kanyang angkan sa akin.

100 DagliWhere stories live. Discover now