Saktong alas dose ng tanghali nang lumapag ang eroplano galing Seattle.
"Miss Yvette!! Miss Yvette!! Here!!! HUUUUUUY!!! MIIIIIIIISS YVEEEEEEEEETTE!!!!!!!" Malakas na sigaw na may kasamang pagkaway ang pinakawala ng sekretaryang si Mina.
Agad namang lumapit si Yvette sa nagwawalang babae.
"Seriously, Mina? Do you really need to shout like that?! You're acting like an asshole! Shame on you." Paglilitanya ni Yvette na may halong inis.
"Sorry po Miss Yvette. Kailangan na po kasi nating magmadali. Baka po ma-late po kayo sa kasal nila Sir YB at Ma'am Jannie Lin." Pagpapaliwanag ng kawawang sekretarya.
Agad na dumiretso sila Yvette sa hotel kung saan siya manunuluyan habang nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas.
Matalik na magkaibigan sila Yvette, Ja, YB at si King.
Si King na una niyang minahal. Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ito sakanya.
May halong lungkot at excitement ang muling pagbabalik ni Yvette sa Pilipinas.
Lungkot dahil sa nalaman niyang balita tungkol kay Sunday. Kahit kasi papaano, nagustuhan niya si Sunday para kay King. Pero siyempre, masakit yon para sakanya.
At kahit naman nalulungkot siya sa pagkawala ni Sunday, hindi pa rin maalis kay Yvette ang excitement na makitang muli si King.
Hindi man magandang pakinggan, pero tinuturing niya yon na advantage. Hanggang ngayon kasi, si King pa rin ang mahal niya.
"Miss Yvette!!! Nandito na po yung mag-aayos sa inyo!!!" Sigaw ni Mina.
"ANO BA MINA! NAKASIGAW KA NANAMAN! TSAKA, CAN YOU PLEASE KNOCK?! NASAAN NA BA YUNG MANNERS MO? SAAN MO BA NAIWAN? BALIKAN MO NGA AT PULUTIN MO! IKABIT MO SA KATAWAN MO! LAGYAN MO NA NG LOCK PARA DI NA MAWALA! You're killing me!!!"
"Sige po Miss Yvette. Aalis lang po ako."
"Saan ka pupunta?!!! Baka ma-late ako sa kasal nila Ja!"
"Hahanapin ko lang po yung pinapahanap niyo. Palagay ko po, naiwanan ko yun nung namalengke ako."
"STUPID! YOU'RE HOPELESS MINA KWON! Maupo ka na nga lang diyan! Wag kang gagalaw!"
Inis na inis na si Yvette sa sekretarya niya. Pero kahit na anong inis niya, hindi niya magawang palayasin ito.
Kamag-anak daw kasi nila yon mula sa probinsya. Pero di siya naniniwala. Napaka-istupido kasi nung babaeng yon para kay Yvette.
Matapos ayusan si Yvette, dumiretso na sila sa simbahan.
"Uy Yvette! Andito ka na pala." Bati ni YB kay Yvette na halata na ang kaba sa mga boses neto.
"HE HE. Where's King?"
"Oh! Shit! He's not yet here! Ano ba yan! Baka ma-late pa yung bestman ko! Paano na yan! Pwede ka bang pumalit kapag di nakarating yung bestman ko?"
"Stupido! Magtigil ka nga YB. Wag kang kabahan. Darating si Ja!"
"Eh. Nakakakaba pala talaga 'to. Kala ko petiks lang."
"Ewan ko sayo. Bahala ka na jan. Papasok na ko sa loob."
Lumakad na si Yvette papasok sa loob ng simbahan.
Hindi pa siya nakakaraming hakbang, may narinig na siyang isang tinig.
Isang tinig na nagbigay buhay sa mga dugo niya sa katawan.