Hindi na ba talaga pwede?
ET: 5 minutes.
Setting: Kotse, Either umuulan o gabi. Inernal shot. Front. Uncut.
Breath: Nagpark si Sam ng kotse. Tahimik. Malungkot. Nakatingin naman sa bintana ang babae. Malalim ang iniisip.
Steph:
(Mapapaluha)
"Hindi na ba talaga puwede?"
Sam:
"Alam naman natin ang sagot do'n Steph"
Steph:
"Wala ka na ba talagang pakialam?"
Sam:
"Hindi gano'n 'yon."
Steph:
"Well then! Ipaintindi mo sa'kin Sam. Kaya ba nagbago ang lahat ha? Sa 'ting dalawa?!"
Sam:
(Hindi nakapagsalita.)
Steph:
"I-I'm sorry."
Sam:
"Para saan? Wala ka namang kasalanan. Sa buong relasyon natin noon palaging ikaw yung nagso-sorry. Madalas nga na nagi-guilty ako eh 'di ba? Kasalanan ko naman to lahat Steph."
Steph:
(Hindi umimik.)
Sam:
"Kaya ka nga nawala sa'kin 'di ba? Simpleng sorry hindi ko masabi, hindi ko maiparamdam."
Steph:
(Hindi umiimik, nagpupunas ng luha. Tumitingin sa cellphone dahil may nagtext.)
Sam:
"Hmm...baka hinahanap ka na..."
Steph:
"No...dito muna ako."
Sam:
"Bakit?"
Steph:
(Malumanay)
"Anong ibig mong sabihin na bakit?!"
Sam:
"Tingin mo ba magandang idea 'to? Yung na'ndito tayo. Magkausap. Itatanong mo sa akin kung hindi na ba talaga pwede? Kahit alam naman natin pareho ang sagot?"
Steph:
(Tahimik.)
Sam:
"Hindi na...hindi na Steph. I'm sorry."
Steph:
"Iba yung sinabi mo kanina no'ng nasa resort tayo. Iba ang sinabi mo kila Grem. Sinabi nila sa akin 'yon."
Sam:
"Alam mo! Bad idea talaga eh. Bad idea talaga na sumama pa ko sa get together na 'to. Naiintindihan ko. Nasa iisang circle of friends nga lang naman tayo. Hindi ko naman dapat iniiwasan ang barkada."
Steph:
"Dahil ako lang ang gusto mong iwasan?"
Sam:
(Hindi kumibo.)
Steph:
"Yeah...gano'n nga 'di ba?"
YOU ARE READING
Hindi na ba talaga puwede?
Short StoryA short script I made for a series. Video of the actual episode included. Based on a true story.