Intro

387 0 0
                                    

pasukan na naman hayss.. eto na naman ang panibagong yugto ng buhay ko... ako nga pala si Jedi Kalaw at ito ang kwento ko... isama nyo na pati tropa ko na sila Joyjoy  ang baliw kong kaibigan, Candy  (the mataray ), Avegel (ang seryoso palagi sa pag-aral), Yhen (the mahinhin ang peg!) at si Ella na walang ginawa kundi ang mag-ilusyon kay "harry potter" basta saka na! pagnalaman ko na ang pangalan ng crush nun.. kaya pansamantalang "harry potter" muna ang itatawag ko sa crush ni Ella dahil kahawig din naman kasi ni "harry potter" yun... at marami pang e-extra dito sa kwentong ito kaya abangan ninyo to'  hahahahah!  kaya eto na! simulan na natin ang eksena!..:D

Jedi's POV

alarm clock strickes. ...

sabado ngayon at as usual maaga dapat akong magising dahill hello?? 8:00 impunto ang aking klase... bumangon na ako sa kama ko at inayos ito .... at lumabas na ako ng kwarto namin ni Mj.. opo magkasama kami ng kapatid kong yun sa kwartong ito dahil ndi naman po kami mayaman na solo-solo ang kwarto.. double deck kasi yung higaan namin ni Mj sya sa ibaba at ako naman sa itaas..

hehehehe!

at habang pababa ako ng hagdan...

Jedi:Ma anong ulam ngayon??

Mama:tuyo muna nak' kasi wala pang sweldo ang papa mo sa kinsenas pa sasahod yun kaya tiis-tiis muna pag may time...

Jedi:(pagmamaktol sa sarili) ano ba yan..?? ginagalis na ako sa tuyo eh.. alam naman ni mama na may allergy ako jan... pinapakain pa din sakin .. ayts! (nagkamot na lang ako ng batok ko habang ang isa kong kamay ay inaalis ang muta ko sa mukha)at nakita ko ang impakta kong kapatid na si Mj na naka-dekwatro pa habang kumakain aba! pilingera talaga tong kapatid kong ito ..at dumaluhog na ako sa hapag-kainan

Mj:ate may id lace na ba kayo??? (sabay subo ng kanin)

Jedi:(naghihimay ng tuyo) wala pa nga eh ... baka kinurakot na yata yung pera na pinambayad namin doon eh.. matatapos na yung sem. wala pa din kaming id lace..

Mj:ang OA mo ate ahh nagsisimula pa lang naman ang klase ehh..  aha! (sabay taas ng tinidor)buti pa samin meron na .. sa inyo wala pa ... kung magreklamo ka na kaya .. (pag sa-suggest ko)

Jedi:di bale pupuntahan ko yung faculty namin at magra-rally ako doon ng bunggang - bungga hahaha! !

Mj:weird mo ate... wag ka ngang ganyan para kang hindi 18 yr. old..

hayss.. ganyan talaga si Mj...actually 16yr. old pa lang yan pero ang utak nyan parang 20 anyos na.. dinaig pa ako... parehas din kaming nag-aaral sa isang unibersidad sa Rizal Technological University. . oh diba?? anlakas maka-plug nung sira-ulong author hahahah! ! anyway back to the story..so ayun nga parehas din kami ng yr. huminto kasi ako ng 2 taon dahil sa sakit ko... ay! tsaka nyo na malalaman yun pag nasa kalagitnaan na tayo ng istoryang ito... pa bebe ako masyado eh hahaha! o gegege!  andami kong dada! . so ayun nga parehas kami ng yr. kaso nga lang magkaiba kami ng course. . siya Operations Management at ako naman Office Management...

at yun tapos na akong kumain.. at eto na!

*ligo*

*bihis*

*suklay*

*pulbos at lipstick*

and jaran!  tapos na handa ng gumora sa eskwelahan..

at pagtingin ko sa wristwatch ko patay! 7:30 na..! ok so dali-dali na akong lumabas ng bahay namin.. at nung nakalabas na ako ng bahay namin at tsaka ko naalala "ang baon ko! makalimutan ko na't lahat wag lang ang aking mahiwagang baon hahhaa! ! ..

Jedi:Lyn mauna na ako!. Ma! alis na ko! .. (sigaw ko sa kanila)

Mj : ge! ingat

Mama: ge nak'..

at yun pumara na ako ng tricycle at buti nalang pagsakay ko ng tricycle may bakante na pang-isang tao.. ang tricycle kasi dito samin 6 ang laman..! oh diba matinde!? minsan 7 pa pag sugapa yung driver .! 

at ayun na nga nung pasakay na ako at si manong na tatanga-tanga ... ay pinaharurot na kaagad yung tricycle nya..

Jedi:(iritang-irita) manong! ano ka ba !? sasakay pa ako! ...

Engineering student 1: oh! manong may sasakay pa po ano ba yan?!

Manong driver: tsk.. ambagal-bagal kasi eh...

Jedi:(sa loob - loob kong sabi aba! napakayabang naman 'tong si manong driver.. eh baka wala ka pa ngang pambayad ng insurance ko eh!! panghihimutok ko...

at nung pagsakay ko sa tricycle ay lumingon ako sa aking likod na kung saan narinig ko na may nagsalita kay manong driver at pagkalingon ko ay mga cute papabols na nilalang... (sa loob-loob kong sabi) sinabayan ko na ng pagtingin sa id lace nila...

Jedi: engineering pala sila (wala sa loob kong sabi)

Engineering student 1: ate may sinasabi ka po???

Jedi: ahh. wala wala! heheheh! napatingin lang kasi ako sa id lace nyo..

Engineering student 2:ahh ok.. (sabay ngiti)

Jedi: ( wala sa loob-loob kong sabi) syopaw! kahit pala minalas ako ngayon sa pagsakay eh sinwerte naman ako dahil may mga gwapo sa likod ko hihihi!!!...

at yun na nga nung nasa tapat na kami ng unibersidad ay bumaba na kami.. at this is it ! my 1st saturday class in college... ! rakrakan na ituu!!!!..

at nung naglalakad na ako sa hallway ng campus namin.. nakita ko na sila Candy, Joyjoy at Avegel na nakaupo sa may bench..

Joyjoy's POV

Napalingon ako sa mga papasok pa lang na mga estudyante ng bigla kong nakita na din si Jedi na papasok na din... at may nabuong kalokohan na naman sa isip ko... hihihi!!

at yun dinadaldal ko lang sila Candy at Avegel ng nakalapit na pala samin si Jedi ng hindi nila nalalaman...

Jedi: huy! may assign. ba tayo???

Candy, , Joy2x at Avegel: (nagdadaldalan pa din )

Jedi: ok' (mataray kong sabi)

at nung tumingala na si Candy..

Candy: oh ! Jedi anjan ka na pala!..

Joy2x:hahahaha!

Jedi: baliw ka talaga Joyjoy!

Joy2x: (sabay akbay kay Jedi) musta bui! (nakangisi kong sabi)

Jedi: naku! nakakainis talaga yung boyfriend ko! (pambungad ko )

Candy: ano na naman ang nangyare???

Jedi: eh kasi ayaw nya makipag-meet sakin eh kesyo... nahihiya daw sya... kesyo.. baka matawa daw ako sa itsura nya pag nakita ko daw sya.. andami nyang arte! bwisit! >. <

A/N:

meron kasing bf si Jedi... na nagngangalang Keith Yap Martin... well nakita nya na to sa fb kaso nga lang gusto nya pa 'tong makita sa personal...

Avegel: Edi hiwalayan mo na lang...

Jedi: ayoko..

Joyjoy: ngayong nabwibwisit ka .. tapos sina-suggest namin na makipaghiwalay ka na dun sa tukmol mong nobyo..tapos sasabihin mo naman ..ayoko" hay! arte mo Jedi bwisit ka.! (irita kong sabi)

Candy: oo nga'.. (pagsang-ayon ko)

Joyjoy:eh sino ba yang bf mong yan.. may fb ba yan??

Jedi: oo..

Joyjoy: akin na nga! ng ma-search.. yang nobyo mong yan..!

Jedi:eto oh.. Keithyapmartin@yahoo.com

Joyjoy:bakit ba parang patay na patay ka yata jan? bakit gwapo ba yan? mayaman ba yan? mabait ba yan???..

Jedi: ndi naman sya kagwapuhan.. ayos lang at may kaya sya no! sa Arellano University pa nga siya nag-aaral eh..

Candy: eh anong course??

Jedi:architect..

Joyjoy & avegel: wow! architect! ... big tayms.... hahahaha!!

Joyjoy: malaking butete yan bui yang nabingwit mo! hahhaha! !

Jedi:k.dot

kahit na panget ka! akin ka! (comedy romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon