Mag aalas otso na ng gabi at wala pa rin kami masakyan na FX ng kaopisina kong si Jini. Medyo malakas na ang ulan, gustong gusto ko ng umuwi at kumain sobrang gutom na gutom na ako. Nakasimangot na si Jinni at di maipinta ang mukha.
Jini: "Hay girl ang hirap tagala kapag umuulan walang masakyan sakit na ng paa ko kanina pa tyo nakapila dito!"
"Oo nga eh, gutom nako girl.", sagot kong may pagsangayon sa kanya
Lagi kaming magkasabay umuwi ni Jini kasi pareho kaming taga Makati. Ayoko naman kasi umuwi mag isa medyo diko pa kasi kabisado ang Manila. Isa pa malayo ang opisina namin, sa Libis, Quezon City. Tska first time kong mag trabaho dito sa Manila, sa Baguio kasi ako lumaki. 2 Months palang akong nagtratrabaho sa opisina namin. Receptionist ako sa main office ng Ever Beauty. Kilalang beauty store dito sa Manila ang Ever. Ang binebenta nila ay mga organic at natural beauty products and supplements from US, Australia, France, Japan at South Korea. Hit na hit ang stores ng Ever dahil sila lang ang bukod tanging store na nag iimport ng kompletong range ng mga beauty products at organic supplements, from shampoos, conditioners, body wash, facial foams, lotions, sun blocks, make up, vitamins, slimming pills at marami pang iba. Medyo high end ang mga products nila kaya naman karamihan sa mga customers namin eh may mga kaya at sosy.
Parating na ang FX sabi ng kundoktor baka last trip na daw yun kasi baha na daw at ayaw ng magbyahe ng ibang FX baka masiraan lang daw sila sa daan.
Jini: Naku pano yan kung di tayo umabot? Pagaalalang nasambit nya
"Jinni sumakay ka pa rin kahit isa na lang ang pwedeng umupo ha, kalungin mo nlng ako or ako kakalong sayo, basta dapat makasakay tayo.
Jini: Dapat kasi sumabay na lang tayo kila Sir Ben kanina.
Kumunot ng todo ang noo ko at sinagot ko siya ng "Eh di naman sila pupuntang Makati ah?! Eh sa Rizal nakatira yun diba?
Di sumagot si Jini at sinimangutan lang ako.
(Itong si Jini talaga kung minsan may konting kasungitan din sa katawan.)
Ako nga pala si Kristina Jonson (my family name is pronounced as Honson kaya lang dahil ma-feeling kaming pamilya eh Johnson ang pag-pronounce namin hehe), dahil dyan madalas napagkakamalang fil-am ako. Kilala ako bilang Kris, 23 pa lang ako at fresh graduate. HRM natapos ko medyo late nako naka graduate kasi lagi ako nag shishift ng kurso.
Nakasakay din kami sa wakas, bumaba ako sa may tapat ng Glorietta 5. Maglalakad na lang ako pauwi ng San Lorenzo Village. (Oh nagulat kayo ang sosy ko noh?!! Sa San Lo ako nakatira! Haha..) Well, di naman samin ang bahay na yun nag dodorm lang ako dun. P4,500 renta ko buwan buwan bedspace lang apat kami sa kwarto with, aircon and cr na. Medyo malaki ang room namin at sosy mo na ring maituturing. Karamihan ng mga dormmates ko eh mga "konya" at sosy. Ilan sa kanila ay mga models, flight attendants, college students pero karamihan mga professionals .
Halos lahat sila mga inglisera at graduate ng mga kilalang universities dito sa Manila. May tagalinis din kami ng mga rooms at toilets. May tagalaba rin pero separate ang payad kung magpapalaba ka. Syempre ako na lang naglalaba ng sarili kong damit or pinapauwi ko sa Laguna, sa ate ko at dun nya pinapalabhan tapos ihahatid niya lang sakin kapag weekends.
Nasa tapat nako ng Dusit Hotel malapit na ako sa Gate ng San Lo. Hindi na kalakasan ang ulan. Habang naglalakad ako iniisip ko ayoko ng ganitong buhay. Hindi naman sa narereklamo ako pero medyo may pangarap din kasi ako sa buhay. Gusto kong mag abroad at makapagipon. Hindi yung ganito na umaasa pa rin ako sa pamilya ko especially sa ate ko. Halos wala naman kasi natitira sa sweldo ko sa pamasahe at pagkain lang napupunta. Ni hindi na ako makapagshopping man lang. Actually ate ko pa nga nagbabayad ng renta ko sa dorm plus minsan pinag grogrocery niya ako food ko every week (bait nya noh?). Medyo spoiled kasi ako sa family namin eh at masyadong bini-baby palibasa eh bunso ako. Dito nila ako pinatira sa San Lo kasi iniisip nila mas safe dito kesa ibang lugar sa Manila, which is true naman.
BINABASA MO ANG
My Suite Big Boss
ChickLitAko si Kristina Jonson isang OFW, samahan nyo ako sa nakakaloka at nakakakilig kong journey sa Singapore!