Matagal ng sumuko sa pangakong "ikaw lang, walang iba",
Matagal ng nagpaagos agos sa alon na di alam san ka ipapadpad,
Mga harang na pinaghirapan buuin,
Wasak na sa pagpasok ng mga kalaban.Puting bandera na matagal ng hawak di alam kailan itataas,
May lakas pa ba o sadyang puso't isip ang naglalaban?
Taong iningatan tila mawawala na lang ng isang iglap,
Tulad ng bulang kay ganda kong minamasdan noon pa man.Pag-ibig na kay ganda na siya ring palang sisira,
Sa mga pantasya mong nabuo ng kabataan,
Akala mo kay dali lang pag nagmahal,
Pero dun pala masusubok hanggang saan ka tatagal.Wala ng lakas at pakiramdam,
Ang taong tong ilang ulit mo ng sinaktan,
Pagmamahal na tinatangi gusto ko na lamang itanggi,
Ng maitakas ang kamay na matagal ng nakagapi.Bat di pa bumitaw kung nahihirapan na?
Bat di pa bitawan ang hawak wala ng hinahawakan?
Bat di pa umalis ang paang matagal ng nakatayo,
Sa labang di mo alam san pa patungo.Samut saring kaisipan ngayong tumatakbo,
Mga mugtong mga mata na pilit pang itinatago,
Ngiting kay tamis iyong ginagawad,
Pero sakit ang tunay na dinadamdam ng iyong puso.May laban pa bang dapat ipagpatuloy?
Sa relasyong matagal ng naghihingalo,
Sundalo ka pa bang maituturing sa ganito?
Kung wala ka ng armas para sila ay matalo.Lahat ng sagot ngayon ay hawak mo na,
Pero bakit mga salitang dapat ng namumutawi bat di pa nilalabas?
Sigaw na gusto mong marinig ng lahat,
Bakit hanggang ngayon nanatili ka pa rin sa katahimikan.Hindi mo alam kung sino pagsasabihan,
Dahil ang mismong taong alam mong makakaintindi sayo ang may kagagawan,
Mga kaibigan mong may alam o wala,
Parehas tikom ang bibig sa tunay na pinagdadaanan.Dapat pa bang dugtungan ang istoryang ito,
Kung di mo na magawang ilipat ang pahinang iyong inakda?
Dapat pa bang maniwala na magiging okay ang lahat,
Kung di mo na alam ano pa bang iyong dahilan?Sa dulo ba ng daan nato may masayang makikita,
O tulad lang rin ng karamihan na bangin ang kinahulugan,
Madilim, nakakatakot, di mo alam asan ka,
At gusto mo na lang magising sa masamang panaginip na to.Kailan ang huling beses na binuksan mo ang ilaw,
Para hanapin ang halagang matagal mo ng hinahanap?
Kailan ang huling beses naramdaman mong ikaw lang,
Ang bida sa istoryang sabay nyo isinulat?Hindi ko alam san patungo,
Nararamdaman rin ay di matanto,
Sakit na para kang pinupunit,
Hanggang saan mo kayang ipilit?May tamang rason pa ba para manatili,
Sa relasyong unti unting kinikitil,
Bat di na lang tapusin ang lahat ng to,
Tulad ng pagtapos mo sa mga pangakong iyong pinako.Ilang taon mula ngayon baka nga ipagpasalamat ko,
Mga pinagdaanan nagturo ng magandang leksyon,
Pero di ba pwedeng dun na tayo agad sa magandang leksyon?
Kasi ayoko ng pagdaanan yung pagsusulit na di ko alam makakapasa pa ba ko.Minahal kita ng buong buo,
Inintindi't inalagaan ng mahabang panahon,
Sinuportahan sa kung anong gusto mo,
Pero ang saktan ako kailanman man di ko gugustuhing ginagawa mo.Ilang beses sa isang taon,
Naramdaman kong ako lang sa lahat ng pagkakataon,
Tiwalang napakahirap kong binubuo,
Bat lagi mo na lang winawasak na parang mundo?Umiyak man ako para wala ka ng nakikita,
Sabihin ko man nararamdaman ko di mo na ata pinapakinggan,
Sasabihin mong mahal mo ko, mahal na mahal,
Pero bakit mo ginagawa ng paulet ulet lang.Hindi ko alam san patungo tong tulang to,
Tulad ng di ko alam san patungo ang daang tinatahak natin,
Pero may isang bagay lang na aking sinisigurado,
Na alam kong nasasaktan ako kahit namamanhid na ang aking puso.-mtrr
12|31|2017