Halaga

8 0 0
                                    

Naranasan nyo na ba masaktan?
Oo? Edi alam nyo kung gano kasakit.
Naransan nyo na ba lokohin?
Oo? Edi alam nyo yung feeling na apakan pagkatao nyo.
Naranasan nyo na bang magtiis?
Oo? Edi alam nyo yung pakiramdam na nahihirapan.
Naranasan nyo na bang iwan?
Oo? Edi alam nyo yung lungkot ng mag isa.

Eh, naranasan nyo na ba magmahal?
Oo? Edi alam nyo yung pakiramdam na nakita mo na yung taong alam mo sa sarili mo mamahalin mo ng totoo. Yung bang di mo makakaya pag nawala sya. Na di mo kayang makita syang nasasaktan, na sana ikaw na lang masaktan para sa kanya. Yung taong ipagtatanggol mo kahit kanino pa yan. Yung taong alam mo kahit sobrang wala ng magandang nangyayari sa buhay mo mananatili pa rin. Yung taong iintindihin ka kahit ano pa yan at yung taong alam mo kakampi mo sa lahat ng bagay.

Pero pano kung yung taong yun mawala na lang bigla, makakaya mo kaya?

Pano kung dahil sa saya, nakalimutan mo sya?
Pano kung dahil sa marami kang nakilala nakalimutan mo sya,
Pano kung sa tagal nyo nakalimutan mo na sya?

Magiging masaya ka ba talaga?
Matutumbasan ba ng mga nakikilala mo yung taong yan?
Kakayanin mo ba lumipas yung panahon na wala na sya?

Kaya hanggat nasa sayo, pahalagahan mo.
Sa dami ng panandalian sa mundong ito, wag mong hayaan dalhin ka ng panandalian na yun at makalimutan mo yung taong matagal mong iningatan, minahal at inalagaan. Dahil di lahat kaya kang samahan, kasi karamihan hanggang sa saya lang.

-mtrr

01|13|2018

Naranasan mo na ba? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon