Naimagine mo ba yung panahon ng kabataan mo?
.
.
.
.
.
Yung mga panahon na kahit hindi pa natin alam ang kahulugan ng salitang LOVE e wagas tayo makapagsabi sa taong crush natin?
.
.
.
.
Yung pag tinatanong tayo ng mga nakatatanda kung sino yang batang kasama mo e sasabahin natin na siya ang papakasalan ko?
.
.
.
.
.
Yung gagawa pa kayo ng singsing na yari sa dahon para ipaalam na kayo lang ang para sa isa't-isa?
.
.
.
.
.
Yung maglalaro kayo ng kasal kasalan tsaka bahay bahayan, tapos ikaw yung mommy at siya naman ang daddy?
.
.
.
.
.
Kung napagdaanan niyo yan, well good for you. Kase ako ang istorya ng unang paghanga ko e malayong malayo ni kahit sa panaginip hindi ko inasahan na mangyayari to.....
May isang araw na matindi ang pag-ulan at pagbaha sa lugar namin kaya hindi ako nakapasok sa trabaho pero madami pakong kailangan tapusin dahil may malaking corporate event kami sa susunod na linggo. Good thing hindi naputol ang line namin ng telepono at hindi din nagloko ang internet na napaka unusual mangyari lalo na pag may bagyo.
Inopen ko ang e-mail ko at chat box para sa mga incoming messages na importante related sa trabaho. Hindi ko inaasahan makita ang friend request mula sa isang Daniel Reyes. Iisa lang ang ganitong pangalan kakilala ko kaya naman dali dali ko pinundot ang accept button.
Well siya lang naman ang first crush ko. Naging sariwa tuloy sakin yung mga panahon na nasa elementary pa kami. Nagstart magbloom yung paghanga ko sa kanya nung minsang mapadaan ako sa classroom nila at nagrerecite siya. Napakaconfident niyang tingnan. Well matalino naman talaga siya at hearthrob pa sa school namin.
Dalawang taon ang tanda ng edad niya sakin kaya naman kung asarin niya ko e walang patawad. Magkapitbahay pa kami kaya tuwing dumadaan ako sa harap ng bahay nila e parati niya akong nginingisian. Tapos nagulat na lang ako nung isang beses na tumawag siya sa bahay para lang sabihin na nakita na daw niya akong nakahubad. Paano nung nagfield trip kami sa isang resort e nakita niya akong pinapaliguan ni mama. Napakalakas talaga mang-asar ng damuho. Grade 2 pa lang ako nun at wala pang alam tungkol sa malisya. Simula nun hindi ko na siya pinapansin.
Naramdaman niya siguro ang pagiwas na ginawa ko. Ganyan yung mga napapanood ko sa tv dati. Paggalit yung babae tinataguan niya at iniiwasan yung lalaki. So umabot to hanggang nung grade 4 nako at graduating naman siya. Siya ang nagfirst move nung magkataong nagkasabay kaming bumibili sa canteen. Lakas magpacute nito! Napatulala naman ako nung ngumiti siya at binayaran yung binili ko.
Dun nagstart ang maganda naming friendship. Hanggang sa kailangan niya nang lumipat ng school dahil hindi naman nag-ooffer ng seconday education yung school namin. Nalungkot ako nun dahil mababawasan na ang chances na parati ko siyang makita although lagi naman kaming magkausap sa telepono at madalas din siyang pumunta samin tuwing weekend. Magkaibigan din ang parents namin kaya parati kaming inaasar na ipapakasal daw kami pagkagraduate ko ng college. Alam ko biruan lang nila yun pero deep inside sakin sana nga totoo na lang.
BINABASA MO ANG
WHAT IF (a girl's first crush)
Teen FictionFirst Crush. What adults called puppy love. What we thought was true love.