sbd#1; lulu

1.6K 87 33
                                    

Sehun wanted to get out of this hell hole called classroom. Poker-face lang siya the whole time but the truth is, iritable na siya sa nakikita niya. Sino ba namang hindi maiinis kung siya lang ang nag-iisang single sa buong klase nila? Yung mga kabarkada niya, puro taken na. Yung iba niyang classmates, meron na ring karelasyon sa ibang section at higher years. Pati nga yung inaasar nilang nerd na si Hoseok ay may girlfriend na. Siya lang kasi yung straight sa school nila kaya tampulan ng tukso, huehue~

Pero yun nga, naiinis talaga si Sehun dahil matalino naman siya, varsity ng basketball, mayaman, at higit sa lahat, mahaba ang baba. Charot, syempre gwapo raised to the nth power. Pero bakit siya, hindi pa taken? Ah oo nga pala, never pa nga pala siyang nanligaw.

"Hoy Sehun! Para nanamang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo! Uso ngumiti, dude!"

Sinamaan ng tingin ni Sehun ang best friend niyang si Kai na busy sa paghawak ng librong binabasa ng boyfriend niyang si Kyungsoo. Ayie, walang kababalaghang ginagawa ang KaiSoo ngayon. Mehehe~

"Forever alone ka na nga, forever bitter ka pa! Aba sehun, sariling sikap sa pagtupad ng forever? Maawa ka naman sa sarili mo!"

Isa pa 'tong Zitao bataw patani na 'to. Pasalamat siya nasa tabi niya ang boyfriend niyang kakagaling lang ng galaxy kundi kanina pa siya nakatikim ng sapak kay Sehun.

Napabuntong hininga na lamang ang bidang bulol. Hindi niya naman kasalanan diba? Wala lang talagang lalaki o babae na nakapagpatibok ng puso niya. Hindi niya rin naman alam kung anong type niya sa isang tao. Sobrang neutral naman neto, masyadong pabebe.

Palabas na sana siya ng classroom nang may inabot sa kanyang 1/8 sheet of pink paper si Fab Baekhyun. Ngumiti lang ang baekla sa kanya bago ipinagpatuloy ang pakikipag-text sa boyfriend niyang si Chanyeol. Senior kasi ito kaya nasa kabilang building, pero dahil ang upuan ni Baekhyun ay malapit sa bintana at katapat nito ang building ng kanyang Yoda loves, parang buong araw na rin silang magkasama. Ang landi lungs.

Binuksan naman ni Sehun ang fenk paper at binasa ito gamit ang kanyang mata.

'www.diyprettychinadolls.com.'

Napataas ang kilay ni Sehun dahil sa nabasa. Like what the hell, anong gustong ipagawa ni Baekhyun sa kanya? Maglaro ng dress up dolls? Eew, so gaaaaaaay. Pero tinago niya naman ang papel sa kanyang bulsa bago kunin ang bag at umalis ng classroom upang umuwi at mag-jcall. Charot lang! Aabsent muna siya ngayon dahil feel niya lang. Magmomoment na lang siya sa bahay nila kasi nga wala siyang kalandian. Ahe.

Pagdating ni Sehun sa bahay nila, humiga siya na parang starfish sa kama at nagpakawala ng pitong buntong hininga. Hindi niya alam kung maiinis ba siya sa sarili niya dahil wala siyang niligawan noon o maiinis siya sa mga kaklase niya dahil malalandi sila kaya ngayon ay taken na silang lahat. Ginulo-gulo niya ang buhok niya bago pumasok sa isip niya ang papel na binigay ni Baekhyun. Agad niya itong kinuha sa kanyang bulsa at kinuha ang laptop sa bedside table upang itype ang web address.

Limang segundo lang, bumungad kay Sehun ang isang website na may malaking banner.

'Welcome to DIY Pretty China Dolls! We create what you desire and deliver it to you for free! Click here to start.'

Dahil masunuring bata si Sehun, clinick niya ang red button sa gitna at tama nga ang hula niya, isa nga lang itong dress up game ngunit ang nakapagtataka ay bakit ito idedeliver sa kanya? Ah, siguro nga kasi dolls. Para siguro sa mga gustong mangolekta ng dolls ng hindi gumagastos ang website na 'to. Masyadong nag-enjoy si Sehun hanggang sa matapos siya sa pag-pili ng characteristics ng doll na gusto niya. Nireview niyang muli ang lahat ng nilagay niya, making sure na ang doll niya ang pinakamaganda. Perfect kumbaga.

Short honey blonde hair, deer-like eyes, pink lips, cute button nose, human-sized doll, and must be named Lulu.

Clinick niya ang deliver at sinet ang date ng delivery bukas, dahil masyado siyang excited na makita ang doll niyang si Lulu. Hindi na siya makapaghintay na maipakita si Lulu sa kanyang mga kaibigan. Kung sila may syota, siya naman may doll. At mas maganda pa ito sa babae.

Pagkatapos makuntento sa ginawa niya ngayong araw, natulog siya ng may ngiti sa kanyang labi. Ilang oras na lang, magkikita na sila ng kanyang Lulu.

Meanwhile, in China..

"Lu ge, mukhang ito na ang matagal mo ng hinihintay. Ready ka na ba?"

"Oo naman, Taehyungie! Mauna na ako ha? Kailangan bago magising si Sehun my loves, nandun na ako sa doorstep niya. Omg, me is excited. Hihihi~ bye!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sehun's Barbie DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon