#UATWTheReasonOfChange

6 0 0
                                    

bakit nga ba ako biglang nagbago??? - Tian

- - - -

Ako si Tian. Tian Rangasajo. Tingin ng mga kaibigan ko bakla daw ako. Well, hndi ko sila masisisi. Kung kumilos kasi ako parang bakla pero sa totoo lang lalaki ako! Ganito lang talaga ako kumilos.

- - -

Isang babae ang nakita ko na nakatayo sa may hallway ng campus namin, mag-isa lang sya parang may hinihntay. Kilala ko sya, sya ung crush ni Saturnino nung grade 6 kmi.Ndi sya dito sa Liminangcong nakatira, sa kabilang baranggay, sa Tumbod. Nakilala sya ni Saturnino dahil sa pagsali nya sa MTAP. At dun nagsimulang magkagusto si Satur sa kanya. Ang pangalan nya Veanessa Allado. First day of school nun at sigurado akong wala pa sya masyadong friends. Nilapitan ko sya at tinanong

" Hi! ikaw ba si Veanessa Allado?? Ikaw ung crush ni Satur ?? " madaldal na tanong ko sa kanya. Tumingin lang sya sakin na may halong pagtatanong o pagtataka sa mga mata nya at hindi nagsalita.

" Ako nga pala si Tian. " ^_____^

" Ah! ^_^ Hello! "

Sa wakas at nagsalita na rin sya. Ang cute nyang ngumiti! Nakakadala!

" Bakit mo pala ako kilala? " Tanong pa nya.

" Eh lagi ka kasi kinekwento sakin ni Satur tsaka tinuro ka nya sakin nung may session kau sa MTAP. " sagot ko.

"Ah!"

" Nagrecess kana? " tanong ko naman.

" Hindi pa eh, hinihntay ko pa si Pam. "

"Aw! Segi. Dyan ka lang ha! Babalik ako. " paalam ko sa kanya. Pupunta kasi ako sa canteen, at may balak akong ilibre sya.

Hanggang pagbalik ko kasama nya na si Pam. Binigay ko sa knya ung sandwich at juice na binili ko para sa kanya.

" Anu to? " pagtatakang tanong nya.

" Libre ko, ang bait mo kasi. " :) Sabi ko sabay ngiti.

" Ha? Mabait?? eh ngaun nga lang tau nagkausap at nagkakilala eh. Pero thank u ha! ^____^ "

" Sus ! wala un! Malakas ka sakin, ikaw ang crush ng Bf ko eh. "

" BF ??? o.o " Sabay nilang tanong ni Pam.

" BestFriend!!. Si Satur. "

"Ah! Ahaha. " - vea

" Akala ko Buypren mo. " - pam.

"anyway, Si Pam nga pala. (to Pam) Pam si Tian, new friend ko! " :) - Veanessa.

"Hello! Nice to meet u!" :) - Bati sakin ni Pam

ginantihan ko nman sya

"Hello and nice to meet u too!" :)

( Ting - ting - ting )

" Ay ! time na vhey! Tara na! " - pam

" ah ! Segi. Oy! Tian, salamat uli sa libre mo! Nice meeting u ! ^___^ pasok na kmi! Bye! " paalam sakin ni vea.

" Bye Tian " - Pam

" Sige! " :) - ako

Hndi ko na tinanong kung anong section sya, dalawa lang nman ang section ng  1st year eh : OLC at OLL , sa OLL ako napunta at sigurado akong OLC sya. Hndi ko kasi sya nkita sa classroom knina eh.

Simula nun naging magkaibigan kmi. Mabait sya, palangiti, madaling patawanin, matalino, maganda, at may pagka-childish pero mahiyain.

At dahil sa mga katangiang un! Nahulog ako sa kanya at nag umpisang mangatok sa puso nya. Kaso mukhang di ko pa hawak ang susi sa kanyang naka-lock na puso kaya un! Na-FZ ( Friend Zone ) ako. Masakit ang mabasted! Pero hinayaan ko sya sa gsto nya!

May point nman sya. Mga bata pa kmi para dun sa iniisip kong status para saming dalawa. So, hanggang 2nd year, Friends ang relationship namin. Until mag.3rd year kami, muli akong sumubok.

Habang naglalakad kmi pauwi may nkita akong bulaklak ng orchids sa bakod ng isang bahay. At alam na ... pinitas ko un! At binigay ko sa kanya.

Tinanggap nya ang bulaklak.

Simula nun, araw.x ko syang binibgyan ng bulaklak. Alam ko kasing paborito nya ang mga bulaklak! kinakantahan ko sya. At nung kaarawan nya, binigyan ko sya ng letter.

Sa letter na un nakapaloob ang nilalaman ng aking puso, akala ko magiging okay na. Akala ko ito na ung hinihntay kong tamang panahon para samin

Pero sadyang masungit sakin ang tadhana. Sa ikalawang pagkakataon napunit na nman ang papel kong puso.

Ang sakit sakit! Sobrang sakit! Umasa akong magiging kami na pero shooots! Hindi pa pala! Kaibigan lang talaga ang tingin nya sakin! Ang Sakit tlaga bordge! Grabi!

Kaya nung bakasyon nakapagdesisyon na akong iiwasan sya! At ang paraan kong gnamit eh ung pagbabago ng aking pagkatao. Hindi na ako ang dating Tian na bakla kung kumilos, sumasama na ako sa mga classmate naming mga boys at ndi ko na masyadong pinapansin ang mga girl friends namin. Isa na si Tirang, ang maingay pero masarap kasamang bestfriend nya.

Alam ko na nagtatampo sila sakin dahil sa pagbabago ko. 2nd week na ng pasukan ng pumasok sa school si vea.Galing sya sa Manila nun! Aaminin ko mas gumanda sya ngaun! Gsto ko na syang tawagin at lapitan nang makita ko syang pumasok sa gate pero  naisip kong dapat kong panindigan ang desisyon ko. Kaya hindi na ako nag pakita sa kanya. Nakita ko rin na tinawag din sya ni Tirang na nanghihingi ng pasalubong.( si Tirang tlaga, kahit kailan!!? )

Hanggang dumating ang lunch break. Naglalakad ako palabas ng gate ksama ang mga kaibigan kong mga lalaki nang lapitan nya ako at hampasin sa balikat.

" Oy! Tian! " - vea

nilingon ko sya.

" Hello " - ako.

Walang kulay ang pagsasabi ko ng hello sa knya. Ayoko syang kausapin.

" Hoy! kamusta na?? " tanong nya ulet.

" okay lang." tipid kong sagot.

At mukhang napansin nya un.

" Grabi! Ang tipid mo naman sumagot! " pagmamaktol nya.

Hindi ko na kakayanin! Kailangan ko nang lumayo sa kanya.

" Segi. Mauna na ako! " Pagpapaalam ko. Iniwan ko syang nakatayo sa may gate.Derederetso lang ang paglakad ko ayoko ng huminto ! Gxto ko nang makalayo agad sa knya. Alam kong nagtataka sya kung bakit ganun ang approach ko sa kanya. Buti nalang at

naabutan ko pa sila Amielle na naglalakad pauwi kaya nakisabay na ako ! Nakipagburitan na lang ako sa kanila para kalimutan muna ang sakit sa puso ko. Ang sakit na dinulot mo Vea!

Salamat sa kanila. HAYYS!

Mawawala din ang SAKIT na to! Pero ang tanong, kailan pa?? Gaano pa katagal ang paghihirap ko??

- - -

Mensaje:

Hello! ^_^ Sana nagustuhan nyo ung part ni Tian! Medyo BoyBasted ang dating nya noh?!! AHAHA :D

Abangan nyo kung ano ba tlaga ang papel ni Tian sa kwentong ito ! -.^

Lots Of Love! <3

Keep Safe and God Bless!

<3 veatotz <3

Us Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon