Gina's POV
I'm just a simple girl. Who love to dance and I am in a relationship with Alexavier Carl Espato or also known as Ace. Ang strict pero mapagmahal na trainor sa sayaw na binubuo namin para sa special event sa school dahil graduating na kami gusto namin na may maiwan kaming tatatak sa kanila.
Ace is my ideal man. Sweet, caring, lovable, kind basta, siya nga ang ideal man ko I can describe his physical appearance in a humble way. Tall, dark but handsome, always messy look, katamtaman lang ang laki ng katawan, may abs, matangos ang ilong, mapula ang labi, makapal ang kilay at gustong-gusto ko ang itim nitong mata na pagtinignan ka ay parang blanko lang.
"Ok. Guys! From the top" sabi nito kaya kahit pagod na kami dahil kanina pa kami nag pa-practice go parin kami ng go.
"Gina ano ba? Wag ka mauna." Sabi nito kaya nagsorry nalang ako para di na siya magalit. Ibang-iba siya kapag kami lang dalawa. Ang sweet-sweet niya at ginagawa niya akong prinsesa.
"Gina! Focus! Gusto niyo bang maperfect to o hindi?" sigaw niya sa amin. Napayuko nalang ako dahil parang ako ang may kasalanan kung bakit kami pinapagalitan ng trainor namin.
"Gusto" Sagot naming lahat.
"Ok. From the top again" sabay play niya ng music kaya nag-focus na ako dahil ayaw kong pagalitan niya ako ulit. Parang ako lang kasi ang palaging nagkaka-mali ee.
"8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 and 1. And 1, 2, 3, 4, 5--- Gina! Kanina ka pa. may problema ka ba? Kung meron wag mo dalhin dito. Sinisira mo ang practice" sigaw niya kaya pinagtitinginan ako ng mga co-dancer ko at ng mga nanonood sa amin. Napayuko nalang ako dahil sa hiyang bumabalot sa buong katawan ko.
"Sorry. Pagod na ako ee" nakayukong sagot ko dahil parang anytime iiyak na ako.
"Pare-parehas lang tayong pagod dito. Kung kayo pagod kakabalik mula sa simula. Ako, pagod ako sa lahat. Pagod na ako kakasigaw, pagod na ako kakaisip ng babagay sa inyo na step. Ang dadali na nga lang ng steps niyo di mo pa kaya? Magbreak muna kayo at pag balik niyo sana wala ng magkamali. Go" sabi nito at umalis na kaya umupo muna ako sa bench.
"Be. Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Trish ang kaibigan ko simula 1st college at saksi siya sa love story naming ni Ace.
"Oo Trish okay lang ako. Tara sa canteen?" Yaya ko dito at tumango naman siya, kaya dumeretso na kami sa Canteen.
"Anong gusto mong order-in G? ako na mag- oorder hanap ka nalang ng mauupuan natin." Sabi nito kaya sinabi ko na sa kanya ang gusto ko at naghanap nang mauupuan namin.
"Here is your order" sabay lapag ng pinabili ko at sa oras nayun naramdaman ko ang gutom na kanina ko pa iniinda sa practice.
"G, bakit ganun ang trato ni Ace sayo?" takang tanong nito sa akin. Di naman kasi ganun kung magalit sa akin si Ace. Kahit ako ay nagtataka rin.
"Ewan ko" sagot ko sa kanya sabay subo ng pinabili ko.
"Nag-away ba kayo?" tanong nito ulit. Chismosa talaga ang babaeng to kahit kailan.
"Hindi. Last time I check. Wala kaming pinag-awayan ang sweet-sweet nga niya sa akin kahapon sa mall ee" paliwanag ko dito.
"Baka may iba na si Ace? At iiwan ka na niya?" tignan mo'to parang timang, imbes na patatagin ako ang negatives ng naiisip.
"Gaga! Walang babae si Ace. Sa Apat na taong pagsasama namin di pa siya nagloko." Sabi ko dito at kumain na ulit.
"Baka lang naman" sabi nito pero di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko..
"Tapos ka na ba kumain Ish? Balik na tayo sa gym, baka magalit na naman si Ace dahil late tayo" sabay tayo ko na sa upuan ko at tumango naman siya sabay tayo na rin nito.
BINABASA MO ANG
Because Of... (One-shot)
Short StoryLove is always there, you just have to find the real for you.