"Get out of my class!" Sigaw ng teacher namin, ngumisi lang naman ako at pa-cool na lumabas ng classroom namin. Mukhang tanga, kailangang sumigaw? Hindi ko nga siya sinisigawan eh. Tsk. Kapag talaga na-upakan ko siya, lagot na lagot ang buhay niya sa'kin. "Okay," Pa-habol kong sagot at napag-desisyunan ko nalang na gumala sa buong school. Wala namang mangingialam sa'kin, why?
Because I'm a gangster.
Kim Angel nga pala, ang kilalang Killer sa gang namin. Hindi ko na binubuhay pa ang mga nakakalaban namin kapag galit na galit talaga ako. Oo nga pala, tita ko ang may-ari ng school na 'to. Kahit sigaw-sigawan ako ng teachers, wala silang magagawa. Ma-swerte talaga sa'kin ang teacher na 'yon at nasa mood ako.
*Toot! Toot!*
Dinukot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at sinagot ang tawag kahit hindi nakatingin sa caller. Nakakatamad. Magkakausap rin naman kayo, bakit pa kailangang tingnan yung caller? Tss. "Be prepared to lose," Kilala ko ang boses na 'to. It's Amber, one of my fucking enemies. Napangisi ako. "I'll be sure to get ready," Sagot ko nalang sa kanya. Wala akong balak makipagtalo sa kanya ngayon, baka mawala lang ang mood ko.
"See you in hell!" Dagdag pa niya at in-end na ang call. Tss. Tumawag pa siya? Sayang naman ang pampaload niya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang naka-lagay ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ko. Noong malapit na ako sa gate, nakarinig ako ng mga bulungan.
"Pre, sino ba 'tong Kim Angel na 'to?"
"Hindi ko alam, pero parang kamukha ni-"
"Hindi. Hindi siya 'yan. Teka, bakit niyo ba pinagkakaabalahan 'yang I.D. na 'yan?"
Futek. I.D? Sumilip ako kung saan sila nag-uusap at...
"Shit!" Ay puta! Hindi ko sinasadyang magmura ng malakas. Napamura ako dahil... sila lang naman ang bullies ko noong elementary and highschool days ko pa. Argh. "Sinong nand'yan?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Nagtago naman ako bigla at mabilis na tumakbo palabas ng gate. Bahala na! Magka-cutting nalang ako!
-
Nanood ako ngayon ng Mickey Mouse, corny ba? Pakyu. Ang boring naman kung wala akong gagawin, 'di ba? Tumingin ako sa wall clock. Five thirty na pala, 'di ko pa natatapos 'tong Mickey Mouse. Pinatay ko na ang TV gamit ang remote control at umakyat papunta sa kwarto ko para makapaghanda na at para maaga akong makapunta sa Gangsters' Quarter. Ito ang tawag sa arena na pinaglalabanan ng iba't-ibang gang.
Nagsuot lang ako ng simpleng black shorts at black sando na pinatungan ko ng black jacket. Tsaka nag-suot rin ako ng black cap. Konting make-up lang at nag-suot na ako ng black mask ko. Isa akong gangster rookie kaya first time kong makapunta sa isang gangster arena. Pero, hindi ko first time na makipaglaban. In fact, isa ako sa mga pinakamagagaling na fighter sa mundo. Gangster rookie lang ang tawag sa'kin dahil bago akong gangster.
Lumabas na ako ng bahay at ni-lock ito, dumiretso ako sa motor ko at ginamit ang personal remote control ko na ginagamit ko sa kahit na anong bagay. Binuksan ko ang gate gamit nito at lumabas na tsaka ko ulit sinarado ang gate namin at mabilis na pinaharurot ang motor ko. Lahat ng taong nadadaanan ko napapalingon sa direksyon ko. Syempre, sino ba naman ang hindi mapapalingon kung may isang motor na sobrang bilis magpatakbo?
Masanay na kayo sa'kin, halimaw ako sa lahat ng bagay, lalong-lalo na sa pagkain at racing. 'Yan ang mga hilig ko, or hobbies in english. Siguro naman, alam niyo na ang description para sa gangsters 'di ba?
*Toot! Toot!*
Pinindot ko ang isang button sa motor ko, ito ang button para sagutin ang mga tawag ko. Amazing, right? Ganyan talaga, hindi naman kasi ako cheap gangster. Sinagot ko na nga ang tawag ng isa sa mga kasama ko sa gang. "Angel, nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay dito sa tambayan natin," Tsk. Boses palang, kilala ko na. Siya lang naman ang nag-iisang si Taeyeon, ang magaling at astig naming leader. "Papunta na ako sa Gangsters' Quarter," Sagot ko naman kay Taeyeon nang walang kagana-gana.
"WHAT?! Bakit? Paano ka naman naka-uwi?" Sunod-sunod na tanong ni Taeyeon, para namang namatay na ako ah. "Got kicked out from the boring class," Sagot ko ulit in a bored tone. "Sige. Kita-kits nalang tayo doon. Bye!" At nag-end na nga ang call namin. Mas binilisan ko pa ang pagpapaharurot nang makita ko na ang isang abandoned warehouse. Sa loob ng warehouse na 'yon, may secret stairs na natatakpan ng mga kahon. Pagkababa mo sa hagdan na 'yon, bubungad sa'yo ang malaking arena ng gangsters.
Pi-nark ko na ang motor ko sa lugar ko, walang sinoman ang nagtatangkang mag-park sa lugar ko. Dahil alam na nilang lahat ang mangyayari pag pumalag sila. Baguhan palang ako, pero marami na ang nakakakilala sa'kin. Famous ba? Ganyan talaga. Bumaba na ako ng motor ko at dire-diretsong pumasok sa warehouse habang naka-stuck ang earphones ko sa loob ng tainga ko, alangan sa loob ng ilong ko. Tanga.
Bumaba na ako sa hagdan at sinuot ang glasses ko, not just ordinary glasses. Pag tumapat ang glasses ko sa isang tao, malalaman ko ang pagkatao nito. More on technology talaga ako dahil na rin sa gangmates ko. May mga gangster na napatingin rin sa'kin pero hindi ko sila pinansin. Pero may nakakuha ng atensyon ko. Maigi kong tinapat ang sunglasses ko sa mga taong 'yon, and I was shocked.
Kris, Luhan, Chanyeol, and Kai.
Why are they here? Gangsters rin ba sila? Aish... maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang sagot sa lahat ng mga katanungan na tumatakbo sa isip ko. Hindi kami puwedeng magkita ngayon.
But you're already here, Angel.
Oo nga naman, papatunayan ko nalang sa kanilang apat na ang dating api-apihan ang magaling makipaglaban. Papatunayan kong hindi ako tulad sa mga story na pagkatapos masira at mabasag, hahayaan nalang. Hindi ako basong tinatapon pagkatapos basagin. Dahil babalik at babalik ako sa kanila. Yes, I'll have my revenge. Total at para naman sa mga magulang ko ang pagiging gangster, papanindigan ko na rin 'to.
Tinanggal ko na ang glasses ko at nilagay ito sa pocket ko. Maya-maya, nakarinig na ako ng ingay mula sa pintuan, and there they are. "Ang bilis mo talaga," Sabi ni Taeyeon habang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Tinitigan ko lang siya, meaning, alam niyang wala akong balak magsalita kaya tumahimik nalang siya. "Omo! Sino yung mga 'yon? Gangster rookies rin ba sila?" Tanong ni Sooyoung na halatang humahanga sa apat na gagong nagtatawanan.
Gangster rookies? Eh? Bakit hindi ko sila kilala kung isa sila sa gangster rookies? Dapat nagkita-kita na kami noon pa. Tss... ano bang pakialam mo, Angel? "Doon tayo umupo!" Pagya-yaya naman ni Seohyun, ang maknae ng gang at kung sinu-swerte ka nga naman, doon pa talaga kami uupo sa tabi ng apat na ugok. Worst, katabi ko si Kris. Aish. Hindi ko na nga lang sila papansinin. Naglakad na kami papunta doon sa puwesto namin habang ako, parang walang mundo at plain lang na nakatitig sa uupuan ko.
"Annyeong haseyo!" Shibal. Bakit kailangan pa nilang batiin yung apat? May mga sayad na ba sila sa utak? Ako naman, hindi natinag kaya napatingin silang apat sa'kin. Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat habang ako, naka-poker face lang habang nakatitig sa mga nakakasawa nilang mukha. "A-Angela?" I smirked. "Former Kim Angela, Kim Angel here," Pagpapakilala ko habang nakangisi pa rin.
I think this will be an interesting game.
***
Hello readers! Sorry kung short update lang, 'di tulad dati na umaabot pa ng five to six pages. Pasensya na talaga, gabi na kasi kaya hassle. Anyways, sorry sa words ah? Keep supporting Angel's Revenge!
- Min Ae
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
ActionAfter that horrible thing happened to my life, I promised to have my revenge for the death of my parents. I will make sure that they will suffer, just like what they did to my family. I will have my revenge, soon. * * *