"...."
Copyright to Elle Guniorez August 2014
All right reserved.
"...."
A/N
I dedicate this chappy sayo!!! tadadan!!!!!! @HisCookies mwaaa
(*****'******)
PROLOGUE
Pangatlong beses na siyang tumitingin sa suot suot nyang relo halos mag aalas nuebe na ng gabi at wala pa rin ang hinihintay niya. Excited pa naman siya ng makatanggap ng text mula rito kaninang hapon.
Message Received from: Kaloyloy
Nina, kita tayo sa park 8pm
May surprise ako sa pinakamagandangbabae sa buhay ko! =)
"Mahilig talaga sa surpresa ang lokong yun." Napapangiting sabi niya sa sarili nya.
Binabalak niya rin na ngayon na sagutin ang binata, halos mag dadalawang taong na kasi itong nanliligaw sa kanya at oo bilib na siya sa tyaga nito manligaw at manuyo sa kanya. Hindi naman siya pakipot dahil hindi naman niya dine-deny sa sarili na gusto rin niya ang binata pero di naman siya ngmamadali na magkaboyfriend at mas priority talaga niya ang pag aaral niya lalo pa hindi naman mailalayo ang pamilya nila sa mahirap na pamilya nairaraos lang kasi ng tatay niya ang kanilang pag aaral at pang araw araw na pangangailangan sa pagtitinda sa sarili nitong bakery. Habang pareho silang magkapatid na scholar at paminsan minsan ay nagtututor siya sa elementary students. Pero ngayon graduating na siya sa highschool siguro naman pwede na niyang pagbigyan ang sarili na ma-experience ang sinasabi nilang love.
Muli siyang kinilig nang isipin ang surprise na sinasabi ni Kaloy. At kung ano ang magiging reaksyon nito dahil sa wakas ibibigay na niya ang pinakakaasam nitong oo.
Lumipas pa ang halos thirty minutes at wala pa rin ni anino ng binata medyo naiinip at kinakabahan na ang dalaga dahil lumalalim na ang gabi at pailan-ilan na lang ang mag taong nandoon sa park at nasa medyo madilim pa siyang bahagi ng park.
Ilang minuto pa ang lumipas may mainit na kamay na humawak sa magkabilang balikat ng dalaga mula sa likod, bumilis ang tibok ng dalaga dala na rin ng gulat at pagka-excite.
"Akala ko di ka na dada---" naputol ang sasabihin ng dalaga ng paglingon niya ay imbes na si Kaloy ang makita e ibang lalaki ang nakita niya. May kaitiman ito at balbas sarado.
"Hello miss, mukhang di ka sinipot ng date mo ah." Wika nito sabay ngiti ng nakakaloko ng lalaki, na tantya niya ay nasa edad kwarenta na. "Mukhang magiging mahaba ang gabi natin mga tol." Dagdag pa nito at mula sa likod ng lalaki ay naglabasan ang lima pang mga lalaki. Lalong kinabahan ang dalaga kabang may kasama ng takot.
BINABASA MO ANG
Love & Desire (on-going & slow update) *to be editted*
General FictionPlease note that this story contains mature content of sexual nature, sensitive scenes and vulgar words. It is not suitable for anyone under the age of eighteen years. Copyright to Elle Guniorez, August 2014 All right reserved.