Bata pa tayo nun, Inosente pa ang puso natin at Walang bahid ng hinanakit sa puso. Sa buhay natin dumadating talaga ang pag-ibig na wala sa tamang oras. Normal naman to eh, kasi parte na ito sa buhay natin.
Nung una kitang nakilala hindi ko akalaing magugustuhan kita, nag-simula lang naman to sa asaran eh.
Nang isang araw, bigla nalang nag-iba ang tingin natin sa isa't isa at hindi rin naman natin yon inaasahan.
Patuloy parin umuusbong ang pagkakaibigan natin, hindi parin natin maintindihan ang tunay nating nararamdaman dahil ngayon lang ito nangyari sa buong buhay natin.
Kada nakikita kita mabilis ang tibok ng puso ko at nag-uutal ako kada kausap kita.
Kapag nakatingin ako sayo parang may kumikinang at parang bumabagal ang oras dahil naka-titig lang ako sayo.
Nagising nalang ako at napagtanto ko nalang ang tunay kong nararamdaman sayo.
Natatakot akong umamin dahil hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sapagkat bata pa tayo. Wala pa tayong ka-alam alam sa pag-ibig.
Ilang taon kong tiniis na itago tong nararamdaman ko sayo hanggang nag-sawa na ako dahil mukang hindi mo rin naman ako gusto.
Umamin na rin ako sa tamang panahon dahil handa na akong kalimutan ang pagmamahal ko sayo ngunit nalaman kong parehas lang pala ang nararamdaman natin sa isa't isa.
Syempre nadala ako sa emosyon mo at pinatunayan ko sayo kung gaano ka kaimportante sakin.
Araw-araw na tayong nag-uusap at hindi maiiwasan ang mga matatamis na salita. Lalong lumala ang pag-mamahal ko sayo at ibinigay ko na lahat ng pagmamahal ko.
Isang araw, lumamig na ang pakikitungo mo saakin, parang walang nangyari. Nangako ka pa at ako'y naniwala naman na kaya mong patunayan iyon.
Naputol na ang koneksyon natin sa isa't isa at para kang nawala na parang bula. Parang sumikip ang dibdib ko at hindi ko alam ang aking gagawin sapagkat ano ba ang karapatan ko sayo?
Nakita kita na may kasamang iba, kitang kita ko sa dalawang mata ko kung gaano kayo nagmamahalan.
Ang masakit pa ay ung mga ginagawa mo saakin noon at ginagawa mo naman sakanya. Hindi ko naman masisi ang taong mahal mo na ngayon..
Ano ba ang pagkakamali ko?
Binigay ko naman ang lahat-lahat pero bakit hindi mo yun pinahalagahan?
Gusto ko nang makalimutan ko nang todo,
Gusto ko nang mawala ka sa buhay ko.
Nakakapagod na ang mata ko kakaiyak.
Hindi ko talaga mapigil dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Napagdisisyunan kong umalis na ng bansa upang makalimutan ka ng tuluyan.
Gusto ko pumunta sa lugar na walang bakas ng alaala mo.
BINABASA MO ANG
Bata pa tayo (One-Shot Story)
Short StoryBata pa tayo nun, Inosente pa ang puso natin at Walang bahid ng hinanakit sa puso. Sa buhay natin dumadating talaga ang pag-ibig na wala sa tamang oras. Normal naman to eh, kasi parte na ito sa buhay natin.