BATA PA TAYO (One-shot) 2

39 1 0
                                    

Nakalipas na ng madaming taon ay natanggap ko na rin lahat.

Lahat nun ay naging leksyon na buhay ko.

Ngayon ay masaya na ako sa buhay ko at wala na akong hinihiling pa.

Handa na akong bumalik sa aking pinangalingan na wala nang nararamdaman sayo.

Patutunayan ko ito.

Hanggang ngayon ay tinatadhana parin tayo, Mukang masaya ka na rin dahil wala na ako sayo buhay mo.

Bigla mo akong linapitan at ginamit mo pa ang tawagan natin noon.

Nang-iba ang tingin ko sayo at may nararamdaman parin ako sayong kakaiba.

Habang nakakasama kita, naalala ko ang mga alaala natin nung bata pa tayo.

Nasa tamang edad na tayo at marami na tayong narating sa buhay.

Matagumpay ka na sa buhay mo at kinayanan mo yun kahit wala ako.

Bigla mo akong yinakap, hindi mo pa yun ginawa noon pa.

Nararamdaman ko nanaman ang hindi dapat.

Pinipilit ko itong pigilan sapagkat andyan parin.

Nanghingi ka ng tawad saakin, at dahil marami nang nakalipas na taon ay natutunan rin kitang patawarin.

Sinabi mong magiging mabuti kang kaibigan saakin at mag-uusap parin tayo dahil magiibang bansa ka na.

Parang dumilim ang paligid ko at gusto kong umiyak.

Ito na nga ang pagkakataon para ayusin natin lahat ng pagkakamali.

Ang masaklap pa ay pinakilala mo saakin ang iyong mapapangasawa. Walang akong magawa kundi maging masaya para sainyo.

Pinakita kong malakas ako at ayoko iparamdam sainyo ang saloobin ko.

Umalis na lang ako dahil gusto ko ilabas lahat ng galit.

Pumunta ako isang lugar na walang tao. Kung saan, mailalabas ko lahat ng nararamdaman ko.

Kahit isigaw ko pa sa buong mundo na bumalik ka saakin ay hindi ka naman babalik.

Nakaraan na nga natin yun, at hindi na dapat balikan.

Kailangan ko nang tanggapin ng buong buo na hindi talaga tayo para sa isa't isa.

Hindi para sayo ang pagmamahal ko.

Bata pa tayo nun, at nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. Marami akong natutunan sa buhay. Natuto akong tumayo sa sarili kong paa. Sana ay huwag mong kalimutan lahat ng alaala natin. Ikaw ang una kong minahal, at hinding hindi mo mapapalitan ang ginampanan mo sa buhay ko.

WAKAS.

Bata pa tayo (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon