Just A Dream

4 0 0
                                    

Nasa isang exhibit ako sa tapat ng isang mall kung saan parati akong nagpupunta dito. Maraming ala ala ang pumapasok sa isipan ko na hindi ko malimutan.

Habang natingin ako sa bawat booth diko napapansin ang mga hawak ko ay sobrang dami na pala kaya naman pinatong ko muna ito sa isang lamesa para ipagsama sama.

Sa pag aayos ko ay tinignan ko pa ang mga booth na hindi ko pa napupuntahan, kaya naman pumunta muna ako sa mall para bumili ng ecobag para doon ilagay sa paghahanap ko may isang tao na hindi lo inaasahang makita. Ang taong nagpapasaya sakin, ang taong hindi ako iniiwan noon, ang taong minahal ko at mahal ko.

Hindi ako mapakali dahil ayokong makita ako nito kaya naghahanap ako ng mapag tataguan, sa paghahanap ko diko napansin na nalaglag ang iba kong dala kaya binalikan ko ng tingin ang mga dinaanan ko kaso sa pagbalik ng tingin ko, nakita niya ako.

"Hi" saad ko

"Kamusta kana?"  sabi niya habang nakangiti

"Ito okay lang" gusto kitang yakapin ....

"Mag isa ka lang? "

"Hindi kasama ko si mama at lola ko" gusto karin makita ni mama

"Saan ka pupunta tulungan nakita"

Sa pag lahad ng kamay niya, ay hindi ko na ito tinaggihan dahil sa pag ka miss ko sa kanya wala na akong inisip kundi siya lamang, wala sa isip ko kung may nobya siya o asawa.

Habang sa paglalakad namin sa mall ay marami siyang kinukuwento tungkol sa buhay niya, pati narin ako ay nagkwento narin. Napapansin ko na parehas kaming nasisiyahan sa bawat topic na naiisip namin ikwento. Ang pagiging-komportable namin sa isat isa ay kagaya noon na kami ay magkasama pa.

Hindi namin napapansin na may mga sumasayaw na sales lady at mga staff ng mall ang nasa paligid namin na namimigay ng paintings na nasa canvas at may mga nakasulat, kaya naman nanghingi ako na nghingi, dahil sa sobrang saya ko marami na pala akong hawak kaya hinanap ko si mama para ibigay ang mga hawak ko. Nagpaalam muna ako sa kanya na babalikan ko siya.

Sa pag punta ko kay mama na nasa counter marami rin itong hawak na katulad sa akin kaya naman natawa ang aking lola dahil siya rin ay meron, sinabihan ko sila na may kasama ako kaya iniwan ko muna sila at binalikan ang nakasama ko.

Nang makita ko siya muli,nakatayo siya na naghihintay sa akin. Papalapit ako ng papalapit sa kanya hindi ko na maiwasang hawakan ang kamay niya at sabihing "Tara".

Ang bawat tugtog sa mall ay tinatamaan ako dahil sa kilig, naalala ko kanina may nakita akong lalaki nagpropose sa babae at tinanggap naman ng babae iyon. Siguro masarap sa pakiramdam iyon.

Di ko napansin na tinatawag niya ako kaya naman pag lingon ko diko napansin na may nadali kaya napahiga ako sa lapag. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko "will you marry me in 100+ years" . Nagulat ako dahil naalala ko may nagpropose kanina kaya naman dali dali ko siyang hinila para malaman kung saan may magpropose.

Sa pag tatakbo ko hila hila siya diko napansin na bumitaw pala siya.

"......." tinawag ako

"tara baka hindi natin maabutan" sabi ko

Bigla bigla nagpatugtog ang mall, paborito ko itong kanta, gusto ko na talaga masaksihan ang hinahanap ko.

Lumingon ako ulit sa kanya at siya ay nakaluhod, hindi ko napansin na nasa gitna na pala kami ng mall kung kaya't napatingin ako sa itaas. Ang nakasulat kanina sa taas ay nakatutok sa akin.

"Anong ginagawa mo?"

Tumayo siya at lapitan ako, hinawak ang kamay ko at nilagay niya kaliwang kamay sa bewang ko. Sinimulan niya ang paglakad para malaman ko na sinasayaw niya ako.

"Ginagawa ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noon"

Napapiyak nako dahil ginagawa niya.
Tumigil ang tugtog, kung kaya't tumigil rin siya sa pagsayaw at lumayo ng isang hakbang.

Lumuhod sa harapan ko ang isang lalaki na minahal ko at naglabas ng isang maliit na kahon. Binuksan niya ang maliit na box sabay sabing.....

"..... Will you marry me?"

Parang huminto ang mundo para sa akin dahil sa ginawa ng lalaking ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lumabas na ang luha sa mga mata ko.

Ako ay napatungo, sinundan niya ito ng pagsuot ng singsing sa akin habang tumutulo rin ang luha sa mga mata niya. Kasabay ng pagbagsak ng confetti galing sa iitaas hindi ako makapaniwala sa ngyayari.

Mabilis ko siyang niyakap.

"Mahal na mahal kita" bulong ko

"Mahal na mahal din kita, lahat ng mga bagay ba hindi ko nagawa noon ay sabay natin gagawin simula ngayon...."

Biglang pumasok sa isip ko ang mga bagay na hindi natuloy at hindi natapos. Lalo akong napaiyak dahil sa halo halong naramdaman.

".....at mamahalin kita ng sobra hindi ko kaya wala ka sa tabi ko"

.....

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon