Panibagong gabi na naman,at heto nga katulad nung kahapon naghahanda na si mama para magsimba,habang ako ako naka upo lang dito sa sofa,si mama at ako lang ang nasa bahay dalawa lang kaming maglasama kasi si papa kailangang magtrabaho sa ibang bansa kay masasabi kong nasa mabuti kami istados ng buhay dahil kay papa,ng matapos na si mama ay naglakad na kami papuntang simbahan,hindi ko alam kong ano tong nasa puso na na parang tinutulak ako papunta sa simbahan,parang naeexcite akong pumunta ng simbahan hindi naman ako gani dati,kasi pag sumama ako kay mama palagi akong naka simangot dahil napipilitan lang na sumama sa simbahan,pero ngayon hindi ko alam kong anong klaseng enerhiya ang tumulak sakin para pumunta ng simbahan,alam ko sa sarili ko na mayroon akong gusto makitang tao pag andoon na ako,kaya naman medyo inayos ko ang pananamit at nag perfume pa ako,malay mo malay ko makatabi ko sya haha,ano bato hindi ko talaga alam kung bakit naging ganito ako ng biglaan,hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng may crush,pero hindi ko maintindihan eh dati ang dami namang gwapong lalaki sa school eh bakit kahit crush ko naman yung iba eh hindi naman ganito ka lakas ang pag kabog ng dibdib ko na parang sasabog sa lakas,hindi naman ako ganito sa ibang crush ko dati,feeling ko talaga hindi lang basta basta isang crush to,anak ng pucha my gosh na fall na ako,at ang hirap pa ng pinasok ko may crush na yung tao,asa na naman si aketch,hay naku ok lang basta ang mahala inspired akong pumunta ng simbahan gabi gabi kahit hindi nya na ako kilalanin basta kmakita ko lang,mabuti nalang talaga at kahit katabi ko lang ngayon si mama habang nag lalakad eh hindi nya napapansin na halos mamatay na ako dito sa kilig at excitement.malapit na kami sa simbahan natatanaw ko na ang mga ilaw na nasa loob nito,naku mas lalo pang lumakas yung pag kabog ng dibdib ko,dinaig ko pa talaga yung may highblood sa feeling na nararamdaman ko ngayon,at heto na nga papasok na kami sa simbahan.Nang makapasok na ako agad kong hinanap sina Ariana at Erika,at mukha atang hindi nag simba ang dalawa,hindi naman pweding sumama ako kay mama na umupo talaga sa unahan.
"Aaahhh,ma pwedi po bang dito nalang ako sa likoran maupo?"
Tanong ko kay mama."Bakit naman eh wala ka ditong kasama,sumama kanalang sakin dun sa unahan"
"Hindi na ma,dito nalang ako,ok na ako dito kahit mag isa lang ako" Sagot ko naman sa kanya.
"Oh sige na sige na,mauna na ako sayo,at teka nga pala tama na yung kaka smile mo ha,kanina kapa sa daan naka smile,hindi ko tuloy alam kung addict kaba o kinikilig"
Sabi naman ni mama sakin"Maaaaaa,hindi no may naalala lang ako,sige na ma pumunta kana dun sa unahan" Agad ko naman paliwanag kay mama.
"Oh sige"ani ni mama
Nung naglakad na si mama papaunahan,pumunta narin ako sa pinaka last na upuan sa simbahan,dito na ako mauupo ok na ako dito,pagkaupo na pagkaupo ko,agad kong hinanap yung taong kanina ko pang gustong makita,at yes nakita ko nga sya,nasa kabilang linya nanaman sya at nasa unahan nya lang si Angel,siguro nag didate na sila or baka silang dalawa na,hhhhaayyyssst...ano ba itong iniisip ko,nang mag start na pagdasal ay yumuko nalang ako at nakinig,medyo bored ang gabing to,kahit andito nga yung taong gusto kong makita wala naman yung dalawang makukulit kong kaibigan,hhhhayyy...
"Hi"
Biglang sabi ng isang tao sa tabi ko,ano to biglang nagkaroon ako ng katabi?eh kani kanina lang mag isa lang akong nakaupo rito,ng nilingon ko ito,nanlaki ang aking mga mata at lumakas ang pag kabog ng aking dibdib ng makita ko si Marcell sa aking tabi.Teka totoo ba to?eh kanilang lang nasa kabilang linya sya tapus ngayon katabi ko na sya grabi parang biglaan naman,at super romantic naman ng dating dalawa lang kaming naka upo sa napakahang upuan na to.
Sa subrang pagkagulat ko ay hindi ko na nagawang sumagot sa kanya,tiningnan ko lang sya at binigyan ng isang pacute na smile.
Ano kaba Elaine wag kang charingggg..mahahalata nyang kinikilig ka.kumal ma ka,kumalma ka."Diba ikaw yung nakabangka ko kahapon?"
Sunod nyang tanong sakin habang naka titig sa mga mata ko.My gosh tingin palang nya hindi ko na kayang sabayan,dagdagan pa ng malamig nyang boses,sarap gawing ringtone sa cellphone.
"Aaaahhhh...ah...aaahh..oo ako yun sorry hindi kasi kita nakita kaya nabanggaan kita,sorry"
Pabebeng sagot ko naman sa kanya."Aahhh hindi auh! ako nga yung may kasalan sayo eh dahil sakin,kaya natumba ka." Sagot nya naman sa akin.
Hindi ko kinayang tingnan sya nang deretsahan kaya ibinaling ko sa iba ang aking paningin,at nakita ko si Angel mula sa upuan nya na nakatingin sa amin ni Marcell,at mukhang pinag uusapan kaming dalawa.
"Uuyy!tingnan mo si Angel,ang swerte mo nan crush ka ng crush mo" Bigla kung nasabi sa kanya,kahit yung gusto ng puso ko ay yung amining crush ko sya.
Nginitian lang nya ako at sinabing "hindi auh",nagulat ako sa sinabi nyang sagot,yung gulat na masarap pakinggan sa tenga," Hindi?diba crush mo sya?" Bigla kong tanong sa kanaya.
"Hindi auh,sya lang yung may crush sakin,sya yung lapit ng lapit sa akin,kahit hindi ko naman sya gusto."paliwanag nya sakin,
" Ano ba Elaine bat ba ng hihimasok ka sa buhay nya,wala ka ng pake dun kung gusto nya yun o hindi,bakit ano ba kayo?ha!ha!"bigla kong bulong sakin sarili.
"Ito na yung pangalawang gabi ng simba,palagi ka bang nag sisimba?"biglang tanong nya sakin na tila'y iniba ang usapan naming dalawa."Aaahhhh,hindi ako masyado nag sisimba,katulad last year,half lang ng 31 nights yung na simbahan ko."
Ikaw?"Aahhh palagi,ako nag sisimba kasi nasa gilid lang ng simbahan yung bahay namin,"
"Aahhh ok," Wala na akong nasagot at wala na akong masabi sa subrang pag kabog ng dibdib ko,hindi sa takot kundi sa kilig na binabalot na ang buo kong katawan,halos hindi ako makagalaw dahil na hihiya ako na gumawa ng kahit na ano,pero nag uuumapaw ang sa sa puso ko dahil kausap ko sya ngayon,tahimik man ang bibig ko sa nararamdaman ko,sumisigaw naman yung puso ko na sya yung gusto ko.
Tumingin ako sa kabilang banda kung saan ay hindi sya naroon at binalik yung tingin ko sa kanya,laking gulat ko ng magkasing tabi na talaga kami,as in super close,bigla nya idinikit ang kanayang mga mukha sakin,ito na naman sya pinapalakas nya naman yung puso ko sa pag kabog,naku po bakit ba sobra mo ko pinapatay sa kilig,at bigla syang may ibinulong sa akin,
"Pwedi bang sayo na ako palagi tumabi?wala din naman kasi akong katabi palagi."bulong nya sakin." Aahhhh,eehhhh,.....ahh oo ba...ikaw,ikaw bahala"halos hindi ako makahinga sa aking mga narinig,ano ba ang ibig sabihin nito?naku po,pero kahit subrang kilig na ako sa loob ko,hindi ko parin ito pinapahalata sa kanya,nananatili parin akong kalmado kahit subrang kinikilig na ako.
"Ganon ba?so ibig sabihin pwedi nga,simula bukas lagi na kitang aabangan dito."sabi nya sakin.
" Aaahh sige,ikaw bahala."wwwoowww grabi ang bilis naman,kahapon crush crush palang ngayon kausap ko na sya,at katabi pa sa upuan,grabi ang bwenas ko naman,pero sigurado kukulitin nanaman ako nito nina Arian at Erika pag nalaman nilang ito yung mga pangyayari ngayon.
Kilala ko ang dalawang yun,siguradong paulit paulit na naman akong tutuksohin ng dalawang yun.Ng natapos na yung simba,sabay kaming tumayo para umalis,at nong gagawin ko na yung unang hakbang ko para umalis bigla nya akong sinabihan ng,"see you tomorrow ha"at big lang lumapit yung dalawa niyang kamay sa aking mga mukha at hinawakan ang aking mga pisngi at pinisil ito,pagkatapos ay umalis na sya,kahit wala na sya sa aking harapan andoon parin ako nakatayo at nakaharap parin sa parehong direksyon,natulala ako sa ginawa nya,halos namula na yung mga pisngi ko pagkatapos nya itong pisilin,ilang minuto pa akong tumgal doon at halos wala akong marinig kahit subrang dami ng tao,bigla nalang akong nabuhayan matapos hawakan ako ni mama at hilahin papalabas sa pintuan ng simbahan,katulad ng sinabi ko kanina,nasa pinakahulihang upuan ako kaya mabilis kami nakalabas ni mama,
"Ano bang ginagawa mo dun,bat hindi ka gumagalaw,natulala kaba?
Tanong ni mama sa akin" Aahh hindi po ma,aahh..eehh...may tinitingnan lang po ako,parang pamilyar kasi yung taong nasa gilid ng simbahan kaya napatingin ako dun"mabilis ko naman na paliwanag kay mama,sabay buntong ng hininga ko,hhhhaayy buti nalang,
"Aahh ganon ba,sige bilisan natin maglakad at nagugutom na ako"wika naman ni mama.
Bukod sa gutom na si mama,madami pa syang sinasabi sa aking ibang mga pangyayari,hindi ko na kaso narinig dahil pabalik pabalik sa aking isipan ang mga nangyari kani kanina lang,naku sobrang saya ng araw ko ngayon,subrang saya ng 2nd night ko.

YOU ARE READING
31 nights of love
Teen FictionAng taong subrang gwapo at maganda ay nababagay lamang na ipares sa taong kasing ganda at gwapo rin nila,ngunit papa ano kung ang tadhana ay itinadhana ka sa isang taong hindi mo inaasahan.