Nakatulala na naman ako sa aming Secretary, habang nagsusulat siya sa blackboard. Malapit na siyang matapos sa pagsusulat pero heto pa rin ako sa unang linya, naubos ang oras ko sa kakatitig sa kaniya.
"Brielle?!" Natauhan ako ng tinawag ako ni Xuxelle, nasa harapan ko na siya at isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin.
Palagi niyang ginagawa iyon at wala namang malisya sa iba, kasi... Bakla naman raw ako."Be talian mo ako, ayusin mo ha, 'yung paikot."
Umupo siya sa aking harap, nagpapa-tali na naman. Tuwang-tuwa naman ako dahil mahahawakan ko na naman ang buhok niya, 'di ko na inisip ang sasabihin ng iba, ang mahalaga sa'kin kahit papaano'y nakakasama ko si Xuxelle."Xelle? Ba't hindi ka lumalapit kina Geo, Bryan o Joe? "
"Hindi ako lumalapit sa lalake, Brielle."
"Eh ba't sa'kin lumalapit ka?"
"Nah, hindi ka naman lalake Brielle. Hahaha sisteret tayo ano ka ba."Nasasaktan ako, bilang isang lalake ay hindi ko gustong sinasabihan ako ng bakla. Pero ng sabihin iyon ni Xuxelle ay mas lalo kong pinanagutan ang pagiging bakla kahit hindi, dahil ayaw kong lumayo siya sa'kin.
"Bulagaaa!" Napa-hinto ako ng biglang lumabas sa gate ng bahay namin si Xelle, sabado noon.
"Ano ginagawa mo dito? Ang init, tanghaling tapat lumalabas ka tapos naka-short ka pa, ting-"
Tinakpan niya ang bibig ko kaya huminto akong mag-salita.
"Oh, tapos kana ba mag-sermon Sir? Este Ma'am?" Biro nito.
"Brielle, pwede ka ba ngayong gabi?" Pag-aaya nito, oo lamang ang sinagot ko. Birthday ng papa niya at inimbitahan niya ako, tutal kilala naman ako ng magulang niya. Bilang bakla nga lang."Wews, si Brielle ba 'yun?"
"Pesteng bakla 'to, ang gwapo mooo!"
"Hoy akala ko ba magde-dress ka ha?
"Shet nakaka-inlove ka Mader! Maging lalake ka nalang!"
Hiyawaan ng mga kaklase kong babae pagpasok ko sa bahay nila Xelle, sakto namang pababa ng hagdan si Xelle noon.
Naka-pajama, sando tapos gulo-gulo ang buhok na halatang bagong gising, pero ang ganda pa rin.
Napa-hinto siya sa kalagitnaan ng hagdan, tumitig sa akin sabay kuskos ng mata."Brielle?! Wow, just wow. Sobrang cute mo."
Hindi ako nakapag-salita sa sinabi niya.
Ano bang meron? Nag-suot lang naman ako ng sleeves na gray, fitted ito at binago lamang ang hairstyle na medyo kulot."Guys wait lang, ligo lang ako." Paalam ni Xelle.
"Luh siya Brielle, ang cute mo talaga." Pinag-tumpukan ako nila Elly at Kim. Pinagti-tripan nila ang mukha ko at buhok.
Lahat sila ay lumabas, nagvi-videoke. Ako lamang ang naiwan sa loob ng sala, hanggang sa lumabas galing sa banyo si Xelle, naka-tapis lamang ito ng tuwalya. Mabilis akong tumagilid ng upo para hindi ko siya matingnan."Brielle, paki-abot ng damit ko naka-sampay sa labas, paki-hatid na rin sa taas."
Kinabahan ako noon,
Hindi ako sanay sa ganung sitwasyon lalo na't hindi naman talaga ako bakla."Xelle, buksan mo ang pinto andito na damit mo."
"Pumasok ka."
Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, naka-pikit pa ang kanan kong mata dahil ayaw kong makita ang katawan niya kung sakali man.
"Anong bagay sa'kin? Itong pula o 'yung asul?"
Pinapapili niya ako ng susuotin.
"Lahat naman bagay sa'yo." Nag-iba ang tono ng pananalita ko.
"Uy be, baka lalake kana nyan? Hahaha." Pagbibiro niya, mabilis akong naglambot-lambutan ng pananalita para hindi niya ako mahalata.
Nauna akong lumabas para makapag-bihis siya, maya-maya lang ay sumunod siya.
Na-upo lamang ako, sa isang tabi at pinagmasdan siyang tumawa.
Lumabas siya ng gate dahil inutusan siya ni Tita. Ilang saglit pa'y nag-alala agad ako, lumabas ako para sundan siya.
Medyo malayo ang binilhan ni Xelle sa kanilang bahay.
Pa-takbo akong lumakad papunta sa madilim na bahagi ng lugar, hindi matao at nakita ko ang mga lalaking nakapalibot kay Xelle, agad uminit ang dugo ko.
"Hoy lumayo kayo sa kaniya!" Sigaw ko sa kanila, pinag-tinginan ako nito ng masama.
"Matapang ka?" Isa sa kanila ay lumapit sa akin dala-dala ang tubo, wari ko'y ito ang leader nila.
Hindi ko na inisip ang kahihinatnan ko, ang mahalaga'y mai-uwi ko si Xelle ng ligtas. Hawak ito ng dalawang lalake, na-hampas ako ng dalawang beses sa braso at ulo. Nakita ko ang pag-iyak ni Xelle habang nagpupumiglas sa mga naka-hawak sa kaniya, mas lalo akong tumapang ng mga oras na 'yun. Mas malakas pa ang loob kong labanan sila kesa ang aminin ang lahat kay Xelle na hindi ako bakla.
Tumayo ako kahit masakit at kumikirot ang dumudugo kong ulo at braso, mabilis kong nasuntok sa kaliwa't kanan ang may hawak ng tubo, sa sobrang galit ko'y nabuhat ko ito, ng bumagsak siya'y agad kong dinampot ang bakal na tubo at tumingin sa dalawang lalake na naka-hawak kay Xelle.
Hindi na naka-bangon pa ang leader nila sa lakas ng pagkaka-bagsak ko dito, sa takot ay tumakbo ang dalawa at binitawan si Xelle. Tumakbo siya papunta sa'kin, ngumiti ako ngunit hindi siya umabot na maka-lapit habang ako ay naka-tayo, dumilim ang lahat at bumagsak ako.
.
.
.
Puti ang paligid, napaka-liwanag ng ilaw. Umiyak ako, ng bigla akong yakapin ng isang babae. Natauhan ako ng makilala ko ito, si Xelle. Nasa ospital pala ako, akala ko sumalangit na.
"Anong nararamdaman mo?!" Umiiyak siya, halos namaga ang mata.
"Ba't namamaga mata mo ha?! Nagpuyat ka ba?!" Katulad ng palagi kong ginagawa, ako ang nag-sermon sa kaniya.
Tumitig siya sa akin, habang umiiyak ay nagsalita.
"Alam mo ba kagabi, sobra 'yung iyak ko. Hindi na ako naka-hinga nun." Nagku-kwento na naman siya, ang cute niya mag-kwento para bang bata.
"Oh tapos?"
"Tapos... Sigaw ako ng sigaw ng tulong."
"Ano pa?"
"Medyo matagal sila dumating, 'yung tumulong sa'tin."
"Akala mo mamamatay na ako?"
"Tumahimik ka muna, ako muna magku-kwento!" Tumahimik ako at hinayaan siyang mag-salita, narinig ko ang pinaka-nakakakilig na kwento mula sa kaniya."Hindi ko alam kung narinig mo 'yung sinabi ko pero wala akong pakialam kung naririnig mo o hindi, ang mahalaga nasabi ko lahat. Nag-pray ako, sabi ko gagawin ko lahat mabuhay ka lang. Tapos... Hinalikan kita sa labi. Sorry."
Napa-lunok ako sa sinabi niya, sana pala may malay pa ako kagabi ng gawin niya 'yun."H-ha? Ba't mo 'ko hinalikan?! Bakla ako 'diba?"
"Alam kong hindi ka bakla, alam kong gusto mo 'ko, alam kong nagpapanggap ka lang pero hinayaan kita para malaya akong nakaka-dikit sa'yo."
"P-paano? Xelle..."
"Nakakausap ko ang mama mo, Brielle. Kung hindi mo alam eh, alam niyang gusto kita. Alam ko rin na may pictures ako sa kwarto mo. Tss, magnanakaw!"
Huminga ako ng malalim, pero wala na ang kaba sa dibdib ko.
"Siguro naman wala na akong dapat aminin sa'yo."
"Ako meron."
"Ano? Na gusto mo rin ako? Mutual feelings tayo?"
"Hindi 'yan. Ku'ndi..."
"Ano nga?" Naiinis na ang tono ng boses ko, dahil ayaw ko ng pabagal-bagal ang sagot. Pero ang sinabi niya ang nagpabago sa kung anong meron kaming dalawa ngayon."Sobrang duguan ka kagabi, napuruhan ang ulo mo kaya pumasok sa isip ko na baka ikamatay mo 'yun, pero humingi ako ng sign kay Lord. Sabi ko, kapag nabuhay ka magiging boyfriend kita, magiging asawa, makaka-sama habang nabubuhay. Nabuhayan ako ng loob nung gumising ka."