"Sino kaya 'yung nag-confess sa page ng school?" "Hala, hahanapin daw ni Vin 'yung nag-confess sa kaniya" "Dapat pala nag-confess na rin ako, tapos aaminin ko agad na ako 'yun."
Pag-pasok ko pa lamang ay rinig ko agad ang usapan ng mga kaklase kong babae. "Uy be ano topic niyo?" Pagpasok ko sa usapan nila, "haist! Dapat inagahan mo ang pasok, Ella. May nag-confess kasi sa page ng school natin, sa confessions about sa feelings niya kay Vin. Hindi naman na bago pero, 'yun lang ang pinansin ni Vin sa lahat ng nag-confess sa kaniya, at ngayon pinapahanap niya 'yung babae." Hindi ako napakali ng mga oras na sambitin iyon ni Meg, dali-dali akong umupo at binuksan ang facebook ko.
"Na-approve pala 'yung confession." Ngiti kong sambit, parang naglalaro ng fruit ninja kung i-scroll ko ang pahina ng paaralan, ng makita ko ang confession ko about kay Vin, dinumog ito ng mga mag-aaral ng school dahil sa comment niya. Si Vin ang heartthrob sa campus, kaklase ko siya at aminado akong matagal ko na siyang gusto at ngayon ko lang naisipan sabihin sa pamamagitan ng pag-confess sa page ng school. Malay ko bang papansinin iyon ni Vin, sa dami ba naman ng nagco-confess sa kaniya, sino ba naman ako 'diba? Pero di-bale na, atleast napansin niya ako.
Halos mapa-nganga ako sa comment ni Vin, 'Hi, kung sino ka man. Pwede ka bang maka-date this saturday? Don't worry, libre ko. *wink emoticon*' Monday palang pero kinakabahan na ako, wala akong balak sumipot at umamin na ako 'yung nag-confess. Ah basta bahala na.Napa-hinto ako sa pagfa-facebook ng may naamoy akong pabango, pamilyar ang amoy. Si Vin andito na, mabilis kong ipinasok sa bag ang aking cellphone.
Tumingin siya sa akin ng bahagya na naging dahilan ng kaba sa aking dibdib. 'Alam niya kayang ako 'yun?' 'Siguro naman hindi.' Mga pumapasok sa isip ko, sa buong maghapon ay naging aligaga ako kakaisip kung alam kaya niya iyon.
"Ella?" Pagtawag sa akin ni Vin, hindi ako lumingon, hindi maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Kaya sinagot ko na lamang siya ng patalikod.
"Ano 'yun, Vin?"
"Pahiram ako ng notes mo sa Math, hindi ko na-kopya lahat 'ng nasa board kanina eh."
Napawi ang aking kaba, notebook lang pala ang kailangan niya. Akala ko'y itatanong niya kung payag ba ako sa date na sinasabi niya.
Martes na, hindi siguro talaga alam ni Vin na ako 'yun. Walang pahiwatig na may alam siya, kaya hindi na ako naging maiwas sa kaniya.
Hanggang sa dumating ang araw ng Biyernes, habang nakaupo ako sa gilid ng silid ay naisipan kong tingnan muli ang confession ko. 'Hi Ms. Sender, Saturday na bukas. Paano ba 'yan? Hahaha. Date tayo ha, usap tayo mamayang uwian.' Napabalikwas ako sa upuan ng mabasa ko ang comment ni Vin, ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Hindi na ako mapakali lalo na at malapit na mag-uwian, sigurado namang hindi niya alam na ako 'yun, dahil kung alam niya edi sana mula nung Lunes ay inaasar na niya ako.
Uwian na, mabilis kong hinila si Meg para makasabay ko sa paglabas sa exit, ewan ko ba at may kakaiba akong nase-sense.
Habang naglalakad palabas, isang malaking tarpaulin ang humarang sa akin. Halos mapaatras ako sa gulat ng lumabas iyon sa harapan ko.
Sigawan dito, sigawan doon, ang kaibigan kong si Meg ay pumunta sa may gilid ng daan at tila ba'y naging bida ako sa daan. Ako lang ang nasa gitna, mga lalaking nakaluhod na may hawak na tarpaulin ang nakikita ko. "Taena, ano nangyayari dito? May magpo-propose ba sa'kin?!" Tanong ko sa isip ko, kahit kabado ay hindi ko nagawang umalis sa kinatatayuan ko lalo na ng lumabas siya, hawak ang pulang bulaklak... "Vin?!" Tumatalon ang puso ko, hayop 'to. "A-ano, alam mo!?" Mautal kong sambit, "Wag kana mag-kunwari, Ella. Alam ko na simula pa noong nag-send ka ng confession mo sa page. Hindi ko lang sinabi agad kasi, ayaw kong masira 'tong matagal ko ng plano. May gusto ka rin pala sa'kin." Nagsigawan ang lahat ng sabihin iyon sa akin ni Vin.
"T-teka, paano? May nagsabi ba sa'yo?!" Nanginginig kong sagot dahil sa hiya. Lumapit siya sa akin, hinawakan ang dalawa kong kamay at sinabing, "Ah, eh. Ako 'yung isang admin dun. Date tayo bukas ha."