"Sabi nila kahit gano karaming tala sa langit ang nasusulyapan natin meron at merong isang pupukaw ng atensyon mo at siyang lagi mong aantayin sa pagsalubong ng gabi" pero parang nakita ko na yung Tala na pumukaw ng atensyon ko, yung taong nais kong makita sa lahat ng pagkakataon at masaya akong nahanap ko ang taong yun.
Ah eh Mark ano bang sinasabi mo? Alam mo ang korni mo galing ka ba sa sinaunang panahon at ganyan kang magsalita? Tsaka sino bang tinutukoy mong nahanap mo na?
Wag mo munang tanungin kilala mo siya papapakilala ko siya sayo kapag sinagot na niya na ko promise yan panget, konti nalang nararamdaman ko nang sasagutin na niya na ko. Sa kislap palang ng mata niya makikita mo talagang masaya siya pero bakit ganun parang may nararamdaman akong di maganda parang hindi ko kakayanin na ang bestfriend ko...
Hoy Tala ! tala ! kanina ka pa tinatawag ni Mam! Tala!
Miss. Villaflor! How many time do I have to call you miss. Villaflor!? Recite the law of attraction now!
Ah hehe maam Law of Attraction is the ahmm the belief that ahmm that hehe maam i-I don't
Maam ako na lang po! Sabay kindat sakin na animo'y nakagawa nanaman ng maganda para tulungan ako. Siya si stacey bukod kasi kay Mark isa din siya sa pinakaimportanteng tao para sakin kapag wala si at si Stacey lang ang nanjan binubuo niya ang araw ko yung tipong kahit isang galaw niya may malaking kontribusyon na sakin para pasayahin ako. Kapag malungkot ako o kaya naman nahihirapan ako sa lahat ng bagay nasa tabi ko lang siya para suportahan ako mukhang di ko kakayanin pag nawala siya, silang dalawa ang pinaka importanteng tao para sakin.
Oh hoy Kristal Villaflor! tulala ka nanaman jan masyado ba kong maganda para titigan mo lang? tsaka ano bang nangyayari sayo kanina ka pang tulala jan di ka naman ganyan dati ah. Ano bang nasaisip mo huh? Siguro may nanliligaw na sayo no? sagot,sagot! Sunod sunod niyang tanong
Kahit kelan talaga napakadaldal mo! Pano ba naman si Mark may sinabi siya sakin kaso ang labo eh . ang natatandaan ko lang may nililigawan na siya pero di niya sinabi sakin kung sino.
Pero pagkasabi ko nun kay Stacey parang nagiba agad yung mood niya ang kaninang ngiti lang ngayon parang kinakabahan siya parang may gusto siya saking sabihin pero hindi niya mabanggit, kinakabahan ako hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako parang hindi ko kakayanin ang mga susunod na mangyayari.
Stacey! Panget! Sigaw ni mark sa kabilang dulo ng hallway habang tumatakbo. Nang lumingon ako para makita ang reaction ni Stacey mas lalo kong nagduda sa mga ikinikilos niya. Nawala ang lahat ng kaba nang makita niya Mark na tumatakbo patungo a direksyon naming dalawa. Sa pagdating ni Mark lahat ng katanungan ko nasagot lahat sa paghalik niya sa nuo ni Stacey, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang nakita ang kaganapan nangyayari sa harapan ko.
Panget di ba sabi ko sayo pagsinagot na niya na ko ikaw ang unang makakalam non? Diba sabi ko kakilala mo siya? Panget, si Stacey yon sinagot na niya ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong ireact sa mga oras na to ang alam ko lang nasasaktan ako. Bawat ngiting binibigay nila sa isa't isa parang nadudurog ako.
Panget? Tala? sabay tawag nilang dalawa sakin? Bakas sa mga mukha nila ang pag alala.
Ok lang naman diba panget? Susuportahan mo naman kaming dalawa diba? Tanong sakin ni Stacey.
O-oo n-naman m-maganda yan a-ano p-pa at n-naging kaibigan nyo kong dalawa diba? Pigil hininga kong sambit pinipigilan ang mga luhang nagtatangkang tumulo sa mga mata ko. Alis na ko may gagawin pako eh.
Sa huling sandali tinitigan ko silang dalawa. Masaya silang naguusap at mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa ayokong isipin pero nawawasak na ang puso ko nasasaktan akong masaya siya sapiling ni Mark, alam kong mali to pero matagal ko nang gusto ni Stacey. Si Stacey lang taong nagpapasaya sakin at bumuo ng mundo ko siya ang kumompleto nito pero mukang di ako ang bubuo ng mundo niya babae ako malaking mali na mahalin ko siya dahil implosible namang mahalin niya ko at tanging pagkakaibigan lang ang mabibigay niya sakin dapat iniisip ko na yon nung umpisa palang ang tanga ko.
Unti unti akong naglakad palayo sakanilang dalawa habang patuloy na tumutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan na makita nila .
Siguro nga hindi siya ang taong bubuo sakin ng tuluyan, siguro nga may isang TALA na nakatadhana sakin, isang tala na makakapagbigay sakin ng buong atensyon niya at handang isigaw na sakanya lang ako.
end-
BINABASA MO ANG
Kristal (one shot)
Teen Fiction"Sabi nila kahit gano karaming tala sa langit ang nasusulyapan natin meron at merong isang pupukaw ng atensyon mo at siyang lagi mong aantayin sa pagsalubong ng gabi" pero parang nakita ko na yung Tala na pumukaw ng atensyon ko, yung taong nais kong...