Chapter 1

3 1 0
                                    

Maraming tao sa hideout kasi simula palang ng pasukan, ang daming pasaway ngayon kahit sa intrance palang nitong lumang budega ang dami ng tambay na nagbabantay.

"Hi, Lore kumusta ang bakasyon?" napakaganda ng bakasyon ko kaya nga ayaw kong sirain lang nito ng unang araw ng pasukan ang bakasyon ko kung pwede lang hindi pumasok ginawa kuna. Pero nakakainis lang, patay naman ako sa papa ko paghindi ako pumasok.

"Ok lang naman" si Harold yung nagtanong naging kabatch ko siya nong high school kaya close kami, nandito siya sa labas kasi siya yung inutasang nagmamasid sa paligid, minsan kasi pumupunta rito yung mga officers para magmonitor kung merong hindi pumapasok na studyante.

Nasa likod ito ng school at may pagkamalayo kaya walang pumupunta. Ito ang tinatawag naming hideout, dito kami umiinom ng alak, nagsisigarilyo, naglalandian lahat ng bawal gawin sa school dito namin ginagawa.

Dito rin nila ginagawa ang pangbubully pag mayroon silang gustong saktan na tao depende sa sitwasyon.

"Lorre, wala ka yatang kasama nasaan na yung hilaw mong boyfriend bakit hindi mo kasama?" tinatawag nilang hilaw kasi naiinggit sila sa puting kutis ng taong yun at saka ayaw na ayaw kasi ng isang ito ng maputing lalaki naalala daw niya yun umagaw sa babaeng mahal niya. Isa siya sa matalik kong kaibigan at saka babaero yan kabikabila ang babae palibhasa gwapo.

"Namatay na hindi mo alam" palaging yan ang sinasabi ko pagnakikipagbreak ako ng hindi nila alam. Umiling iling nalang ito sa sinabi ko.

Anim lang kami rito sa loob, yung nasa ligid si Lawrence yan palaging tahimik minsan lang siya magsalita, tahimik lang siyang nagbabasa ng libro, ewan ko ba sa taong yan ipinanganak yatang may hawak na libro palagi kasing libro ang kaharap ayaw ng naiistorbo.

Si Matheo naman ang pinakabolero sa lahat wag na wag kang maniniwala dyan marami ng umiyak, I mean nagluksa dyan hindi ko alam kung ano bang ginagawa niya sa mga nagiging ex niya kasi palaging nakaitim ang mga babaeng naiiwan ano yun namatayan. "Lore naman, alam kong gwapo ako pero hindi talaga ako pumapatol sa pinsan, kaya wag ka ng tumingin baka matemp ako" sabi niya sabay kindat. Eww.

"Mandiri ka nga, grabe yang kalandian mo, nakakakilabot." pinagtawanan lang ako ng lahat.

Si Knoxx naman ay kabaliktaran ni Matheo, ewan ko ba kung bakit malandi non, siguro may ampon sa kanila magkaiba kasi ang ugali ng dalawa, good boy kasi si Knoxx palaging seryoso.

"Wala kabang gagawin mamaya magbabar kaming lahat?" ako bang kinakausap ng babaeng toh. Hindi ako makapaniwala, tiningnan ko siya mula ulo hanggan paa ibang klase siyang babae. Nagtawanan silang lahat dahil don hindi kasi sila makapaniwala na may kumausap na sakin. Walang nagtatangkang kumausap sakin dahil sabi nga nila masama akong tao, pero iba ang isang toh nagsasalita.

"Alam mo ba kung anong nangyari sa huling taong kumausap sakin?" tanong ko sakanya. Hindi ko alam kong bakit agad siyang namutla dahil sa sinabi ko.

"I-I'm s-sorry hindi kuna uulitin" nanginginig na siya dahil lang don? Ano ba yan wala pa nga akong sinasabi natatakot na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon