ISA SYANG MANUNULAT
Mainit ang paligid. Ramdam na ramdam ko ang init sa bawat patak ng pawis nagmumula sa aking noo. Inip na inip kong tinitigan ang pisara na punong-puno ng mga isinulat na aralin. Kahapon pa ang mga sulat dyan at tila wala silang balak na burahin ang mga iyon. Inayos ko nang maigi ang aking pakakaupo at agad na inilabas ang aking mga libro at kuwaderno dahil maya-maya pa ay magsisimula na ang klase.
Marahan kong pinagmasdan ang bawat pintig ng segundo sa aking relo. Tatlong minuto na ang lumipas ngunit hindi parin dumadating ang aming guro. Mas lalo akong nairita dahil sa ingay na nagmumula sa mga bunganga ng aking mga kaklase. Inayos-ayos ko ang buhok ko at bigla akong napatingina kanya. Ganun parin sya, hindi nagbabago. Maingay parin. Kausap nya ang ilan kong mga kaklase ngunit titig na titig sya sa aking mga mata at nagwika.
"Nagkikita mo ba ang babaeng yan. Yun oh, yung nag-aayos ng buhok nya."
Agad namang napabaling ang tingin ng mga kausap nya sakin. Nakatingin parin sya sakin at dun ko napagtanto na ako pala yun, yung ibig nyang sabihin.
"Yung babaeng yan, isa syang manunulat. Nagsusulat sya ng maraming tula. Pinabasa nya sakin yung isa nyang tula kaya nga lang, malungkot yung ending eh. Di ko alam kung bakit." Patuloy nyang pagku-kwento na hindi man lang pinuputol ang pagkakatitig nya sakin.
Palihim akong napangiti at sa konting panahon ay napunan ng saya yung malungkot kong puso. Hindi mo nga talaga nakalimutan yung lahat ng yun. Biglang napawi yung ngiting yun nung sumagi sa isip ko na kaibigan mo LANG pala.
Kung baka sakaling alam mo na, sana wag kang lalayo. Sana wag mong baguhin yung mundo ko. Mumdong minsan mo nang binuo sa puso't isipan ko.
Hayaan mo sanang mahalin kita dahil sabi mo isa akong manunulat.
Isa nga akong mamumulat at alam ko kung hanggang saan lang ako tutungo.

YOU ARE READING
Isangdaang Tula at Prosa Para Kay Syrus
PoetryIsangdaang tula at prosa para kay Syrus. Syrus is one of my oldest best friend. I never had the courage to make him read any of my works, so, I decided to give it to the world. Please support my fist ever book. Read, vote, comment anything; your rea...