d i t o

7 2 0
                                    

Dito tayo bumuo ng mga ala-ala.
Ala-alang malulungkot at masasaya
Mga ala-alang binabalik-balikan,
Ang ating naging nakaraan.

Dito sa puno ng mangga
Dito mo ina-alay sakin ang iyong mga kanta
Kantang di malimutan.
Lahat patungkol sa pag-ibig na walang hanggan.

Dito sa puno ng mangga
Tayo'y sumilong at nagpahinga.
Nagpahinga sa meron tayong dalawa
Nagpahinga na naglayo sa'ting dalawa.

Dito sa mundo mahirap mag isa
Ngunit dapat masanay ka.
Dito sa magulo nating mundo
Kung mahina ka, talunan ka.

Dito sa'ting mga ala-ala
Iniiwasan kong ma-balikan ka,
Iniiwasan kong bumalik tayo sa puno ng mangga
At muling punoin ito ng mga ala-ala.

Dito na lang siguro ako.
Siguro gagawa nalang ako ng mga bagong ala-ala sa iba.
Dito na lang siguro ako.
Mag-isa at pilit na nagiging masaya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Say SomethingWhere stories live. Discover now