Ngayong araw ililibing ang namayapa kong asawa, hinde ko tanggap ang nangyare sakanya, Namatay siya dahil sa atake sa puso. Nakatayo lang ako sa lupa kung saan siya ililibing, nakatingala sa langit, kahit na, napaka abusado ko sakanya at palagi ko siyang sinasaktan hinde ko alam kung bket niya ako hindi magawang iwan nag papasalamat na nga lang ako na siya ang aking naging asawa, Hinde ko maiwasang umiyak habang tinitignan ang lupang paglalagyan niya.
Nangako na kase ako sakanya na mag babago na ko para mag simula ulet pero, wala na.
Masasabe ko na parang ako ang pumatay sakanya, pero hinde, na trigger ang Heart Attack niya dahil daw sa Shock o pagka gulat. Nakita ng mga pulis ang katawan niya sa isang damuhan,
Merong signs ng panglalaban Meaning, merong nanakit sakanya.
Sinimulan ng ilabas ang kabaong nito, kahit tanghaling tapat, napaka dilim ng paligid. Animo'y pati ang langit ay nagdadalamhati sa nangyare, ganun nga talaga kase napaka loyal niya.
Ang aking mga bumisita sa burol ay nag simula ng maglagay ng bulaklak sa kabaong, Nag dala ako ng isang bouquet mamaya ko na ito ilalagay gusto ko mahuli.
ayon sa imbestigasyon, Hinde malayo sa katawan ng aking asawa ay may nakita pa silang katawan ng isang lalake, sinabi ng mga nag iimbestiga na ito daw ang nanakit sa asawa ko. Ang ikinamatay neto ay labis na pagkawala ng dugo, pero naka hinga ako ng maluwag nung oras na yun tinanong ko kung ano ang itsura ng katawan nung pumatay sakanya. paliwanag ng mga nag imbestiga ito ay may malaking butas sa puso, at para daw bang dinukot ang laman loob nito dahil, wala na siyang laman.
Natapos na sila sa pag hagis ng ibat ibang bulaklak, ako nalang ang hinde pa, sinenyasan ko ang mga tao na nandun na buksan ang kabaong para sa huling sandali, makita ko siya.
Huling Sandali, Tama.
Hinde ko pinalagyan ng ibat ibang chemical ang katawan ng asawa ko, sabi ko na ayusan nalang ito at iburol, Hinde ako tumanggap ng bisita at kahit anong donasyon nung burol niya at sinabi sa kanila na sa libing nalang pumunta para makita ang Asawa ko.
Pinuntahan ko ang katawan nito, Nilagay ang mga paborito nitong bulaklak sa kanyang kamay. Binulong ko sa katawan nito, "Nandito na ang mga alay, please, wag ka na mag tampo."
Nilabas ko ang kutsilyo at hiniwa ang palad ko, tinapat ko sakanya ang aking kamay Mula sa aking palad, tumutulo ang aking dugo patungo sa kanyang bibig.
Gumalaw ang katawan nito at bumangon,
Ngumiti lang ito sa akin.
Niyakap ako nito at nag pa buhat,
binuhat ko siya at Inalalayan ko siya tumayo.
Tumingin ito sa paligid at tumingin saken pabalik,
Nagulat ang mga bisita,
Nag simula silang tumakbo.
May mga Hinde maka galaw,
Meron ding mga nanghihina at nag susuka.
Umepekto aking lason,
Hiniram ko ang pang hukay ng lupa.
Pinaghahampas ko ang mga naging bayolente tungo sa asawa ko,
My Wife now is filled with Excitement,
Hinabol niya ang mga nag si takbo at pinag papapatay ito.
Na aalala ko bigla yung lalake na malapit sa kanya doon sa damuhan,
Ako nga pala ang pumatay doon.
Bumalik ang aking asawa sa aking harapan, tinanong niya ko kung nasan ang kapamilya at Kaibigan naming dalawa, Sinabi ko nalang na hinde sila nag punta Masyado silang busy para mag punta sa ganitong kaliit na bagay.
Mga pakitang tao na Bisita
Ngumiti nalang ito sa aken,
Nag simulang tumulo ang luha sa aking mata, luha ng pagiging masaya, Dahil nakabalik na siya.
She started satisfying herself by eating the corpses of the visitors,
Isa itong libing at Isa ring Selebrasyon.
Hinde ko pala nabanggit na isa siyang Undead