Feelings - 1

17 1 0
                                    

Ang tanga-tanga lang
written by mstinkervelz

-

Sakit.

Iyan lang ang tanging nag iisang bagay na alam ko ngayon. Iyan ang salitang namumuno sa buong katawan ko. Iyan din ang salitang unti-unting pumapatay sa puso ko.

Minahal kita.
At ngayon, mahal na mahal ko pa rin kita.

June 23. April 23. May 23.
Bakit ba palaging sa araw na 23 talaga tayo palaging naghihiwalay? Nakatakda ba talaga tayong mag hiwalay sa araw na ito?

Ginawa ko na lahat ng bagay na pwede kong gawin mapigilan ka lang umalis sa buhay ko. Pero wala akong nagawa, umalis ka pa rin.

Ang tanga-tanga ko kasi.

Pinakawalan ko yung tao palagi akong pinapasaya sa tuwing malungkot ako.

Yung taong tiniis yung kamaldihatan ko sa buong taon ng relasyon namin.

Yung taong nagbigay sa akin ng sobrang mataas na pasensya.

at higit sa lahat..

Pinakawalan kita.

Pero ako? Ano nga ba ang nagawa ko sa'yo?

Palagi nalang kitang inaaway ng walang dahilan.

Palagi nalang kitang itinutulak papalayo sa akin.

Palagi nalang kitang kinocontrol at hinahawakan ng mahigpit sa leeg.

Palagi ko nalang inaapakan ang pagkatao mo.

Akala ko kasi hindi ka aalis sa tabi ko.

Akala ko hindi ka marunong mapagod.

Akala ko tayong dalawa na talaga ang magkakatuluyan.

Pero akala ko lang pala iyon.

Kasalanan ko naman kasi minahal kita ng sobra pero ni minsan hindi ko man lang inintindi ang mga opinyon mo. Hindi ko man lang naipadama sa'yo kung gaano ko kita ka mahal kasi ang tanging napaipadama ko lang sa'yo ay kung gaano ka imperpektong tao.

Kahit ibinigay mo na lahat, di man lang ako nakuntento sa'yo.

Ang tanga kasi. Ang tanga-tanga lang..

23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon