Lunes na naman at isa ako sa mga estudyanteng tamad na pumasok sa eskwela. Paano ba naman iyong Sabado at Linggo parang isang tulugan ko lang. Napabangon ako sa kama. Wala naman akong choice kung hindi simulan ang araw ko. Simulan iyong araw na parang replika lang nung mga nakaraang araw dahil halos wala namang pinagbago.
“Adrian.” Napatayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan para makita ang grades ko. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang grades ko na pwede na makatulong sa pagbubukid ng lolo ko. Puro palakol na naman kasi ang mga grades ako. Panigurado ay lagot na naman ako kina Mama at Papa.
“Ma’am, pwede po bang ako nalang kumuha sa card ko bukas?” tanong ko sa adviser ko. Umiling lang siya sa akin. “Hindi pwede, Adrian. May mga line of 7 ka kasi na grades kaya kailangan parent or guardian mo ang kumuha ng card mo.”
Hindi ako masipag mag-aral. Alam ko naman sa sarili ko at aminado naman ako doon. Sa totoo lang ay minsan napaisip na rin ako kung anong gusto ko talagang mangyari sa buhay ko. Akala nila wala akong pangarap pero sa dami ng pangarap ko ay hindi ko alam kung anong uunahin ko. Gusto kong maging architect, engineer, basketball player at marami pang iba. Napaka rami ng pangarap ko pero hindi ko alam kung paano ko maabot ang mga iyon. Matutulungan ba talaga ako ng mga numerong ito?
Martes. Hindi si Mama ang kumuha ng card ko. Busy kasi ito sa school. Teacher kasi si Mama sa isang pampublikong eskwelahan dito sa Pampanga. Isa pa,nakakahiya rin na masabihan ng, “anak ng teacher tapos ganiyan ang grades?” Nakakababa. Ilang beses na rin akong nasabihan ni Mama na nakakahiya dahil parang sa performance ko sa eskwela ay parang hindi ako anak ng isang guro. Hindi raw niya ba ako natuturuan ng maayos?
“Ano ka bang bata ka? Kailan ka ba titino? Palagi ka nalang naglalaro ng Mobile Legends! Nakakapag-legendary ka riyan pero kamusta grades mo?” sigaw ni Mama. “Babawi na lang ako sa susunod na grading, Ma.”
“Puro ka nalang pangako. Noong grade 9 ka ang sabi mo, babawi ka ngayung taon pero bakit may line of 7 parin?” Napayuko ako. Totoo naman kasi na sinabi ko talaga iyon. “Nak, hindi naman habambuhay ay nandito kami ng Papa mo. Iyan lang ang maipapamana namin sa inyong makakapatid. ‘Nak, kailangan mong mag-aral para makakuha ka ng magandang trabaho kapag nakapagtapos ka na.”
“Ma, hindi kita mabibigyan ng magagandang grades at medalya sa ngayun. Ma, sorry kung hindi ako matalino. Ma, hindi ako matalino pero may mga pangarap ako. Ma, I swear, I’m gonna make you so proud soon.”
Wala akong bisyo. Hindi ako nagda-drugs, nagyo-yosi o umiinom; sadyang Mobile Legends at pakikipaglaro ng basketball lang ang pinagkakaabalahan ko. Hindi ko alam kung paano ako magkakaroon ng interes sa pag-aaral.“Uy, Adrian! Rank game tayo,” aya ni Ate pagkapasok ko sa kwarto. “Ate, dinelete ko na yung Mobile Legends sa cellphone ko.” Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit?”
“Mag-aaral ako.” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon. Tinawanan ako ni Ate. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin. Inismiran ko siya, “hindi ako umiiyak.”
"Patingin nga ng card mo, hindi ko pa kasi nakita." Iniabot ko sa kaniya iyong card."Oh! May tatlo ka naman palang line of 8. Okay na iyon.""Alam mo, kung anong kaya mong ibigay na grades, iyon na muna sa ngayun. Alam ko naman one day aayusin mo iyang pag-aaral mo at matutupad mo yung pangarap mo," sabi ni Ate sa akin. "Payakap nga, taba!"
Makalipas ang ilang buwan ay ganoon parin. Hindi ko in-uninstall ang Mobile Legends sa cellphone ko. Nakikipaglaro parin ako sa labas ng basketball kasama ang mga tropa ko. Wala naman masyadong nagbago; pati mga grades ko nga walang pinagbago.
“Ate, patulong nga dito sa essay. Ang hirap kasi,” sabi ko. Tinignan niya lang ako. “Aba, kaya mo na iyan. Tagalog naman yata.”
Napasabunot ako sa aking sarili. Simpleng essay lang ay hindi ko magawa. "Ate, ang bobo ko, sana kasing talino mo nalang ako," sabi ko. Nakatanggap tuloy ako ng malakas na batok galing sa kaniya. "Sira ka ba? Hindi ako matalino at hindi ka rin bobo! Kita mo ngang sinusubukan mong mag-aral oh. Improvement na iyan!"
"Nakikinig naman din ako sa mga teacher pero yung utak ko parang may shield," sabi ko kaya natawa siya. "Edi tanggalin natin yung shield. Kung willing ka naman, matututo ka e. Kaya mo iyan.”
Tinulungan ako ni Ate sa essay ko. Tulong in a way na, oy ta mo e, English iyon, soy! Ayon nga, tinulungan niya ako kasi ine-explain niya sa akin iyong mga tanong tapos pinipiga niya iyong utak ko. “Bukas ko nalang isusulat ‘tong mga sagot sa papel, ‘Te.” Hindi pa ako nakakatayo ay hawak na naman niya ang buhok ko. “Isulat mo na iyan, huwag mong ipagpapabukas kung hindi ay sasabunutan talaga kita. Tapusin mo na ngayun para di na hassle bukas ng umaga tapos sasabihin mo sa akin nale-late ka.”
“Idol mo lang ako niyan, ‘Te. Gumagawa ng mga essay, assignment at project sa araw ng pasahan. This is what you call, true student!” sabi ko bago kami sabay na tumawa ng malakas kaya naman nagising si Mama at pinagbawalan kami, “magsitulog na nga kayo. Gabi na, masigla pa kayo.”
Lunes na naman.Nag-unat muna ako bago tuluyang pumasok sa banyo para maligo. Sa buhay kong ito, na-realize ko na hindi ako tumitigil sa pag-aaral. Hindi man ako ganoon katalino tulad ng iba ay alam ko maraming naituro ang buhay sa akin. Napagdesisyunan kong maging guro nalang ng mga high school students. Nakapagtapos na rin ako ng Bachelor of Secondary Education Major in Mapeh. LET passer pa.
Maraming beses akong bumagsak. Ilang beses akong napagalitan dahil sa mga failing grades ko pero anong narealize ko? Narealize ko na hindi ako magaling sa mga ganoong subjects. Saan ako magaling? Sa MAPEH, doon lang yata ako hindi nagkaroon ng mababang grades sa school.
Siguro tama nga yung speaker sa retreat namin noong senior high school pa ako. Find your personal calling. Alamin mo kung anong passion mo. Alamin mo kung ano yung mga bagay na nagpapasaya sayo. Iyong mga bagay kung saan ka magaling. Iyon ang alamin mo at kapag nalaman mo na kung ano ang personal calling mo ay kailangan pagyamanin mo ito.
Iyon kasi yung parang naging daan para hindi ako maligaw. Iyon iyong parang naging goal ko sa buhay. Nung nalaman ko rin iyong personal calling ko ay parang mas nakilala ko iyong sarili ko na kahit ano mang pagsubok ang dumaan sa akin sa nakalipas na mahabang panahon ay hindi ako natinag kasi alam kong pagkatapos ng paghihirap na iyon ay magiging mas worth it iyong buhay ko..
Naalala ko pa nung graduation ko sa college. Sobrang sulit. Ang saya-saya ko because that time I know I already made my Mama and Papa so proud of me, na iyong dating tamad mag-aral at pabaya ay nakapagtapos na at handa nang maging isang guro sunod sa yapak nila.
That was the day when I heard the nine words that melted my heart. “I am so proud of you. I love you, anak.”
Pagkatapos kong magbihis ay sabay-sabay kaming nag-almusal ng pamilya ko. Successful na kami ni Ate. Nakakapagtrabaho na at nakakatulong na kami kina Mama at Papa. In-enjoy na namin iyong pamanang edukasyon nang kasama pa namin iyong mga magulang namin.
Napatigil ako bigla sa hallway at pinagmasdan ang mga estudyanteng may kaniya-kaniyang mundo. Ang iba’y tutok sa kani-kanilang cellphone, nagbabasa ng libro, nakikipag-usap sa mga kabarkada nila at may mga nasa sulok lang at nag-iisa. Alam ko na minsan din akong naging estudyante at alam ko ang pakiramdam kung paano maging estudyante. Maraming pangarap pero bumabagsak, naliligaw, tamad pero grade conscious, puro love life inatupag, matataas ang grades pero walang pakialam ang magulang, matataas na expectations sa sarili kaya doble disappointment at higit sa lahat darating ka sa punto na pakiramdam mo sobrang bobo mo. Alam ko na ang mga iyan at napagdaanan ko ang mga iyan pero hindi ako sumuko kasi alam ko maganda ang future na nakaabang sa akin. May kalalagyan ako sa mundo. May purpose ako sa mundo.
I did not allow my failing grades to define who I am and what I can be because I know that I am more than that. Kailangan lang ng tiwala sa sarili at pagsusumikap para maabot ang mga pangarap.
Set your dreams. Dream big…
START TO DREAM ON...