Unang Bahagi

4 0 0
                                    

Tahimik na nakadungaw si Becka sa bintana ng kaniyang silid habang nakasiksik sa kaniyang tenga ang earphones niyang kulay asul.

Bumubuka ang kaniyang bibig, tila sinasabayan ang musika na kaniyang pinakikinggan habang nakangiti. Ito ang kaniyang madalas gawin sa t'wing siya'y nag-iisip ng kung ano-anong bagay. At hindi inaalala ang mga nangyayari sa kaniyang paligid.

"Ano ba naman 'yan! Bakit lasing ka na naman?!"

"Wala kang pakialam! Gagawin ko kung ano gusto ko!"

"Ah ganon? Oh sige. Kung 'yan lang din naman pala ang gusto mo. Gawin mo lahat ng gusto mo!"

Sa kabilang dako naman, nakatingin ang binatang si Arnold sa dalaga. Umaasang titingin ito sa baba upang siya' y makita. Gumawa siya ng ingay para lang mapansin nito. Kumuha siya ng isang maliit na bato at sinadyang ipatama malapit sa dalaga. Nagulat si Becka at agad siyang napatingin sa ibaba.

"Becka. Tara sama ka sa'kin."

Tinanggal ng dalaga ang earphones at tinanong ang binata at bumaba.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong nito pagkababa pa lamang.

"Basta. Matagal na rin simula nang gumala tayo ng tayong dalawa lang."

Tumango at ngumiti si Becka at nagpatianod sa paghila sa kaniya ni Arnold.

Maraming lugar ang napuntahan nila. Ang unang destinasyon nila ay ang parke kung saan madalas nilang puntahan noong sila'y bata pa lamang.

"Grabe, namiss ko pumunta dito. Naalala mo pa ba dati.. Umiyak ka 'non that time 'e. Kasi biglang may nantisod sa'yo tapos hindi ka kaagad nakatayo 'non. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Tutulungan ba kita o tatawanan. Ang laughtrip din kasi ng pagkadapa mo 'non" kwento ni Becka sabay tawa sa mukha mismo ni Arnold.

Hindi naman magawang makaganti ni Arnold dahil nga babae ito at saka totoo naman ang sinabi nito. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip niya ang mga nangyari. Natawa na lang din siya at nakangiting tumingin sa mukha ni Becka.

Natapos ang isang araw at masayang hinatid ni Arnold ang dalaga sa kaniyang bahay.
----
"Wala ka ng ibang ginawa kundi uminom nang uminom! Ano ka ba!"

"Eh ano bang pakialam mo?! Tandaan mo ako ang nagpapalamon sa inyo kaya 'wag mo 'kong dakdakan nang dakdakan."
----
Lahat ng sumbatan na ginagawa ng kaniyang magulang ay tila wala lang kay Becka dahil suot na naman nito ang earphones niya sa magkabilang tenga. Sa ibang direksyon siya pumasok sa kanilang bahay at don tumuloy sa kaniyang kwarto.

Gaya ng nakasanayan, tumambay na naman siya sa may bintana at sinasabayan ang awiting kaniyang pinakikinggan. Hanggang sa nakaramdam na siya ng antok at pumunta sa kama at natulog.
----
"Anak lumaban ka please. H'wag mo kaming iwan."

"B-becka. Lakasan mo loob mo."
----
Napuno ng iyakan ang pasilyo ng ospital. Nagmamadali ang mga nars at doktor patungo sa silid ng isang pasyente. Agad kumilos ang doktor at ang ilang nars ay pilit na pinapalabas ang magulang ng dalaga.

Lumipas ang isa't kalahating oras. Lumabas na ang doktor. Agad na nagsipatayuan ang magulang ng Becka na siyang nakaratay sa ospital.

Puno ng pag-asa nang sabay na tumayo ang mag-asawa ngunit isang iling lamang ng doktor ay agad natumba ang babaeng asawa na sinalo naman ng kaniyang mister.

Wala na si Becka. Wala na ang kanilang anak. Anim na buwan din ang nakalipas sa wakas ay makakapagpahinga na rin ang kanilang anak... ng pangmatagalan. Hindi na niya mararanasan ang sakit at 'di na rin niya maririnig araw-araw ang pag-aaway at sumbatan ng kaniyang magulang. Sa wakas ay makakarinig na rin siya ng totoong musika. Iyong hindi masakit sa tenga. Iyong totoong nagpapagaan sa kaniyang loob.

Mararanasan niya na ring mamasyal ng hindi dumadaan sa bintana. Na hindi lamang sa imahinasyon. Dahil simula ngayon mapupuntahan niya na rin ang gusto niyang lugar kasama ang Diyos sa kaharian nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon