Little Things

31 4 6
                                    

"Nang makatapos ako sa Grade IV ay huminto ako sa pag-aaral dahil sa aking kapansanan.
Dati akong nag-aaral mula Grade I hanggang Grade IV sa mababang paaralan na walang programa para sa mga katulad ko dahil hindi pa noon gaano malabo ang mata ko.
Yes! Naranasan ko pa makakita hanggang 10 years old dahil sa operasyon na isinagawa sa akin noong sanggol pa lamang ako.
Subalit unti-unti iyong nawawala habang ako'y lumalaki hanggang sa lumabo na nga nang tuluyan ang aking paningin.
Makalipas ang isang taon ay nakahanap din ang mga magulang ko ng paaralang may programa para sa mga katulad kong may kapansanan.
Doon ako nag-aral ng Grade V at VI.
Nakasama ako sa mga regular na mag-aaral o yung mga mag-aaral na walang kapansanan.
Dahil doon, isa sa mga nakilala ko si Maria.
Nasa Grade VI na ako nang maging kaklase ko siya.
Dahil nga transferee lang ako sa school na iyon ay ang mga naging kaklase ko lang noong Grade V ang kilala ko.
Buti na lang ay may mga naging kaklase ako muli sa kanila nang tumungtong ako sa Grade VI.
Dahil openning pa lang ng klase noon, wala pang mga seating arrangement at malaya pang magtabi ang mga magkakaibigan lalo na kung magkalayo sila sa alphabetical arrangement.
Nagkataong si Maria ang aking nakatabi at dahil nga hindi ko siya kaklase noong Grade V ay hindi ko pa siya kilala.
Sa aming harapan ay nakaupo ang kilala ko nang si Ellyza at isa pa naming kaklase.
Siya ang nagpakilala sa akin kay Maria.
"Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this in mind, it was meant to be"
"Shake hands naman diyan!" Sabi ni Ellyza.
Dahil nahihiya ay hindi ako gumalaw pero inabot ni Maria ang kamay ko at siya ang nag-initiate ng shake hands.
Kinalaunan ay naging magkaibigan na nga kami ni Maria at naging katabi ko na rin siya sa subjects namin sa aming adviser.
Nagdaan pa ang mga buwan at napansin ko na lang ang sarili kong nagugustuhan ko na si siya.
"And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me...

I know you've never loved the crinkles by your eyes when you smile
You've never loved your stomach or your thighs, the dimples in your back at the bottom of your spine
But I'll love them endlessly"
Minsan pag wala kaming ginagawa sa klase ay nag-uusap lang kami ng mga kaibigan ko na malapit sa upuan ko kasama na sina Ellyza at Maria.
"Uy alam mo ba, maganda kaya si Maria."
Panunukso nila sa akin dahil alam na nilang may gusto ako sa kanya.
"Hala, hindi naman eh." Laging tanggi ni Maria.
"Kung nakikita mo lang talaga, sasabihin mo ring maganda siya.
Maganda na, mabait pa, matangkad pa."
Dugtong pa nila sa panunukso.
"Tingnan mo kaya sa salamin!"
Sasabihin nila kay Maria.
"Ayaw ko.
Hindi nga ako gaanong nagsasalamin eh.
Hindi kaya ako maganda.
Kayo, kung anu-ano sinasabi n'yo riyan eh!
Mamaya maniwala 'tong katabi ko kahit hindi naman totoo."
Ang isasagot niya sa kanila.
"I won't let these little things
Slip out of my mouth
But if I do
It's you
Oh it's you
They add up to
I'm in love with you
And all these little things"
Dahil nga may gusto ako kay Maria, naniniwala ako sa sinasabi nila kahit hindi ko naman siya nakikita.
Sabihin man nila yun o hindi ay yun pa rin ang paniniwalaan ko dahil ang pinagbabatayan ko ay kalooban at hindi pisikal na kaanyuan.
Kaya kong sabihin na maganda siya dahil sa kanyang ugali.
"You can't go to bed without a cup of tea
And maybe that's the reason that you talk in your sleep
And all those conversations are the secrets that I keep
Though it makes no sense to me
I know you've never loved the sound of your voice on tape
You never want to know how much you weigh, you still have to squeeze into your jeans
But you're perfect to me"
Isang araw, ay napagtripan si Maria ng mga kaibigan namin.
Nirecord nila ang boses niya habang nagsasalita.
"Uy, may bibigay kami sa'yo."
Sabi nila sa akin.
"Ano yun?"
"Record lang 'to ng boses ni Maria para marinig mo lagi siya. Play natin ngayon gusto mo?"
Tugon nila.
Hindi ko sila sinagot dahil alam kong ayaw ni Maria nang naririnig ang sarili niyang tinig.
Para sa kanya, hindi maganda ang boses niya kahit sa tuwing nagsasalita lang.
They played the record but I'm not listening dahil yun ang sabi ni Maria.
Maging siya ay hindi nakikinig bagkus ay sinasabihan lang ang mga kaibigan naming ihinto na yung record dahil nga hindi talaga siya nagagandahan sa boses niya.
Nang matapos ang recording ay sinabi niya na lang sa akin,
"Huwag mo silang pakinggan, di naman totoo mga sinabi nila eh.
Nantitrip lang sila eh."
Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya.
"I won't let these little things
Slip out of my mouth
But if it's true
It's you
It's you
They add up to
I'm in love with you
And all these little things"
Makailang ulit pa yung nangyari at gaya ng nauna, hindi pa rin nagustuhan ni Maria ang kanyang boses kapag narririnig ito.
Maging ang mga complement nila ay pinasisinungalingan pa rin niya.
"You'll never love yourself half as much as I love you
And you'll never treat yourself right darlin' but I want you to
If I let you know I'm here for you
Maybe you'll love yourself like I love you, oh"
"Bakit mo nagustuhan si Maria?"
Tanong sa akin ng isang kaibigan.
"kKahit di mo siya nakikita, naniniwala ka bang maganda talaga siya?"
Dugtong pa niya.
"Hindi naman kasi nakabase ang pagkagusto ko sa isang babae sa kanyang panlabas na anyo eh.
Higit sa lahat ng katangian niya, ugali muna ang aking pinagbabatayan.
Aanuhin mo naman ang kagandahan o kakisigan ng tao kung hindi naman maganda ang pag-uugali niya diba!"
Sagot ko sa kanya.
"I've just let these little things
Slip out of my mouth
'Cause it's you
Oh it's you
It's you they add up to
And I'm in love with you
And all these little things
I won't let these little things
Slip out of my mouth
But if it's true
It's you
It's you
They add up to
I'm in love with you
And all your little things"
Sa kabila ng aking pagkagusto sa kanya, hindi ako gumawa ng paraan na ligawan siya dahil siya na mismo ang nagsabi sa akin na tatanggap siya ng manliligaw kapag tumungtong na siya nang 15 years old.
Sa huli ay hanggang pagkagusto lang ang kinahinatnan ng naramdaman ko sa kanya at tinanggap ko na lang na pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin.
"Without the past, you will never be who you are today." - Zelzel1407

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Songs of my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon