Kwentong Bayan

454 4 0
                                    

Ang iyong pagmamahal ay parang kwentong bayan,
Kwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino.
Hindi sigurado kung totoo o kasinungalingan,
Isa na dito ang Alamat at Epiko.

Ang pag-ibig mo'y parang alamat,
Kathang-isip lamang ng mga manunulat.
Ngunit pag-ibig ko sayo'y parang epiko,
Ako ang bayani at ikaw ang ipinaglalaban ko.

Ang ating relasyon ay parang banghay ng kwentong bayan.
Kung saan may simula, gitna, at wakas
Na pag-iibigigan.
Pag-iibigan na akala ko'y wagas.

SIMULA

Dito matatagpuan ang mga tauhan.
Ang papel nating gagampanan
Ay dalawang taong nagmamahalan,
Dalawang taong nagsumpaan...

Dito rin matatamo ang tagpuan.
Kung saan lagi tayong nagkikita,
Kung saan lagi tayong masaya,
Kung saan tayo nagmamahalan.

GITNA

Makikita dito ang diyalogo.
Lahat ng mga sinabi mo,
Lahat ng mga isinumpa mo
Ay pinaniwalaan ko.

Matatagpuan din dito ang saglit na kasiglahan.
Kung saan walang problema,
Kung saan masaya,
Ngunit ito'y pansamantala...

Matatagpuan ang tunggalian dito.
Dito tayo nagka-problema,
Lumamig ang iyong pag-irog na parang yelo.
Ang iyong pakikitungo ay nag-iba...

Kasama na dito ang kasukdulan.
Kung saan iikot ang kahinatnan ng mga tauhan,
Kung ito'y tagumpay o kasawian.

At eto na...

Eto na ang kinakatakot ko
Sinabi mo na ang mga katagang "pagod na ako..."

KAKALASAN

Dito unti-unting bumababa ang takbo ng kwento,
Dito unti-unting bumubuwag ang aking mundo.
Ako'y nasaktan dahil sa iyong pagkawala,
At mas lalong sumakit nang makitang may kasama kang iba.

May pinapasaya ka
At pinapasaya ka nya.
Kayo'y maligalig at maligaya,
Dinaig pa nung tayo pa ang magkasama...

WAKAS

Dito na nagtatapos
ang pag-sinta na akala ko'y hindi titigil sa pag-agos.
Pero kahit nasaktan sa huli
Bumangon parin mula sa pag-iyak at hikbi.

Ang kwento natin ay parang kwentong bayan.

May wakas na pagkasawi,
Ngunit may natutunan.

Natutunan kong magmahal ng totoo
Kahit alam kong masasaktan ako.
Natutunan kong tumayo sa aking mga paa,
Kahit pagod at hirap na.

Hindi man sya ang huli ko,
Hindi ito dahilan para tuluyang malumbay ako.

Dahil nagwakas lamang ang aming istorya,
Hindi ang istorya ko.

-Eonniiii

Kwentong BayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon