"GOOD afternoon miss isabelle Lee I am Casper Delmundo please have a seat" masuyong sabi sa akin ng lalaking kaharap ko ngayon. Wala naman akong magawa kundi ang umupo na lang sa kaharap na upuan at ipagpatuloy ang meeting.
"Ahm so mr. Delmundo I am here behalf of our company and propose to you our agenda.." Sinimulan ko na ang pakay ko sa meeting dahil gustong gusto ko ng umalis sa lugar na iyon. Mataman naman siyang nakikinig sa kung ano ang aking sinasabi.
Habang nasa loob kami ng VIP lounge ng restaurant ay hindi ko maiwasang hindi maisip kung ano ang nangyari kinabukasan matapos ng pagniniig na iyon.
Pagkagising kinabukasan ay napaka sakit ng ulo ni Isabelle. Kinapa niya ang cellphone sa kaniyang tabi ngunit parang may matigas na bagay na nakaharang at nakadantay sa kaniyang katawan, iminulat niya ang kaniyang ma mata at ganon na lamang ang gulat niya ng makitang may lalaking katabi at hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na iyon. "Oh mercy heavens" nasabi na lamang niya habang inaalala ang mga kaganapan kagabi.
Dahan dahan namang bumangon si Isabelle para maiwasan na magising ang estrangherong katabi niya. Hindi na rin niya ininda ang hapdi at sakit ng nasa gitnang bahagi ng katawan.
Tagumpay naman siyang maka alis sa kama ng hindi nagigising ang lalaki at mabilis na nagbigis at walang lingon likod na umalis sa condo ng lalaking nakaniig niya kinagabihan.
"Miss Lee?" Untag sa akin ni mr. Delmundo "ha? Ah what is it?" Tanong ko dito matapos makabawi sa pagkakatulala ko sa ka iya.
"As I said I'll just call you for the other information and thank you for the lunch anyway" seryosong saad nito sa akin. Hindi ko naman maiwasang hindi mapasinghap dahil sa kakisigan ng lalaking nasa harapan ko.
Mabilis naman na natapos ang meeting at makakahinga na rin ako ng maayos dahil parang sa buong kaganapan ng meeting ay hindi na ako humihinga.
Pagkauwi ko pa lamang sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto at hindi mapakali. "Hindj ba niya ako nakilala?" Tanong ko kaagad sa sarili ko.