Una

1K 64 27
                                    



Jessica's POV

Alas sais na ng umaga at excited na kaming magkakaibigan sa fieldtrip namin. Nandito na kami ngayon sa meeting place at chinicheck na ng mga leader namin ang kani kanilang mga members para malaman kung kumpleto na ba kaming magkakaklase.

"Nasaan na si Dallah? Bakit wala pa siya?" Tanong ni Yuichi. Kaibigan namin. Half Japanese at half Filipino.

"Ewan. Baka late." Simpleng sagot ko.

"Jessica?" Tanong ni Amber. Nagchecheck siya ng mga members. Kaibigan din namin. Isa siya sa mga leader namin sa klase at kaming magkakaibigan ang members niya. Matalino si Amber at pa minsan minsan ay tahimik lang din siya.

"Present Ber." Sagot ko sakaniya.

"Kazuaki?"

"Here." Si Kazuaki, pinsan naman siya ni Yuichi. And yes, half Japanese din sya.

"Blu?"

"Nako Amber! Kanina pa akong alas tres dito ng umaga kaya oo, present!" Si Blu. Minsan iniisip ko bakla siya dahil sa sobrang ingay at daldal niya. Daig niya pa ang babae.

"Raige?"

"Present baby." Si Raige. Ang pinaka playboy sa balat ng lupa. I hate him so much. But kaibigan niya sina Yuichi, Kazuaki and Blu. So I don't have any choice noong napasama siya sa group namin. Hindi ko nalang siya kinakausap. Dahil kapag kinausap niya ako at pinansin ko siya there'll be a war. Hindi kami magkasundo. Umiinit ang dugo ko sakaniya.

"How about Dallah?"

"I'm here!! Sorry I'm late. Hindi ako ginising ni mama." Sagot naman ni Dallah habang hinihingal. She's my bestfriend. So kami ang pinaka close sa circle of friends namin.

"Did you run?" I asked her. She looks really tired. Hinihingal pa siya.

"Yes! Baka malate ako e. Alam mo naman kung gaano ako ka excited."

"Hindi ka man lang nagsuklay?" Yuichi asked her. Lumapit si Yuichi sakaniya and yes sinuklayan niya si Dallah. Napakamot nalang ako sa ulo ko. It's pretty obvious that Yuichi likes Dallah. It's just that Dallah likes someone else. And the sad truth is, it's not Yuichi but his cousin, Kazuaki. Love sucks.

"So I think we're all complete? Tara na sa bus?"

Pumasok na kami sa bus. We're going to one of the historical place sa next town. Iyon ang unang destination namin. Excited si Dallah dahil favorite niya ang History. Boring para sa akin ang History but Dallah loves it. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sakanya. Though we have the opposite favorites and we don't have the same in common, still we're bestfriends and we respect each other likes and dislikes.

"Yuichi tatabi ako kay Jessica. Kaya humanap ka ng katabi." Narinig kong sabi ni Dallah kay Yuichi. Mygosh. Yuichi and his pamatay na the moves.

"Hindi. Tabi tayo. Please?"

"Sit with him Dallah. Wala ka na din namang seat. Dito na ako. "

"What are you doing?!" Inis kong sabi kay Raige. Dito pa talaga siya umupo sa tabi ko! He knows how much I hate him at talagang iniinis niya ako.

"Sitting beside you. Huwag ka ngang maingay. I'll sleep." And he closed his eyes. Damn it.

"Ang kulit mo Yuichi. Sasampalin kita e. Tara na nga! Doon tayo sa likod." Dinig kong sabi ni Dallah. I look back and they sat at the back. What's funny is doon din umupo si Kazuaki. Ano ka ngayon Yuichi? Love triangle kayo diyan.

Two WorldsWhere stories live. Discover now