Marka

9.8K 34 21
                                    

Ang pelikulang ito ay nagsimula sa pagpapakita sa pangunahing tauhan,na si Billy Boy Santiago ang batang laging binubully, na kung saan ang tagpuan ay ginanap sa silid-aralan.Dahil lamang sa simpleng pagkakamali nito ay hinila ng guro ang kanyang patilya na alam nating ipinagbabawal dahil ito'y nakasaad sa (Child protection policy).

Nagbalik tanaw din ang pangunahing tauhan sa kanyang pagkabata kung saan una siyang binully ng kanyang mga kamag-aral. Habang nag-rerecite sila ng boyscout law ay dahan dahang inilagay sa kanyang batok ang mga nahuling hantik (malalaking langgam) na naging mitsa upang siya'y maparusahan ng platoon leader. Matapos ang nito'y hinagisan na naman siya ng palakang karag ng mga kamag-aral niya. Nang sila'y tumuntong na sa hayskul ay di pa rin natapos ang pambubully sa kanya. May kalokohang ginawa ang isa niyang kaklase, dinikitan nya ng katagang "ANG BAHO KO!!!" ang pwetan ng kanilang guro na sya namang pinagtawanan ng lahat. At sa huli, si Billy na naman ang nadiin sa pangyayari. Siya tuloy ang napagalitan. Kinausap ng guro ang kanyang ina tungkol dito. Umuwi ng malungkot ang binata. Kinabukasan, habang sila'y nag-aalmusal kapansin-pansin ang kawalang gana sa pagkain ng binata, kinausap sya ng kanyang ina sinabi nito na kumain ng mabuti, ipaghahanda sya ng pagkain. Tumutol naman si Billy sapagkat hindi naman daw sya ang umuubos ng pagkain kaya't huwag na syang pinagbabaon. Nagkaroon tuloy ng hinuha ang kanyang ina na ipinagpapamigayan lamang nito ang ihinahandang pagkain.

Pumasok na naman sila sa paaralan, kahit ayaw niya'y napilitan na naman siya. Sa tingin ko'y biology class nila, ang batang ito nama'y mahusay talaga sa klase, palagi lamang nabubully kaya't laging nasasakdal sa kaguluhan kahit hindi siya ang may kasalanan. Pinagdala sila ng kanilang guro ng pinakamalaking palaka. May dala-dala siyang palakang karag na nakalagay sa lalagyan ng stick-o. Habang siya'y nakikinig sa guro ay pinakawalan ito ng isa sa kanyang mga kaklase na madalas na mam-bully sa kanya.Nang humarap sa kanya ang kanilang titser ay ipinagmalaki pa nya ang hawak-hawak na garapon na naglalaman umano ng malaking palaka. Masama ang tingin sa kanya ng kanyang guro sapagkat walang palaka dito. Itinuro ng kanyang kaklase ang palaka na malapit sa guro na naging sanhi ng pagkagalit nito. Doon na nga tinawagan ang ina ni Billy. Marami pa ang mga sumunod na nangyari. Gumraduate na sila ng hayskul, akala niya'y doon na nagtatapos ang pambu-bully. Hindi pa pala. Nag-college na sila, mas umigting pa ang nangyaring pambu-bully sa kanya. Palagi na lamang siyang nadiin sa mga kalokohan na hindi naman sya ang may gawa. Hanggang sa isang araw ay makakilala sya ng babae na tumulong sa kanya upang mabawasan ang sakit na nararamdaman tuwing nabu-bully. Palagi silang magkasama, hanggang sa dumating ang isang araw na sabihan siya ng "LOSER" ng babae dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. Dahil dito'y napaupo na lamang sya sa labis na kalungkutan, ang pagkakataon nga naman ay nakikisabay. Nakita sya ng dalawang nambu-bully sa kanya, at doo'y nanghingi ng pabor na dalhin sa kanya ang isang lalaki na matagal na nilang kaagaw sa lahat ng bagay. Pumayag naman si Billy. Kinagabihan, nakakita sya ng Anti Bullying page sa facebook. Doon sya humingi ng pabor upang siya'y tulungan. Kinabukasan, tulad ng usapan nila ng kanyang mga kaklase, dinala nga nya ang lalaking pinahahanap sa kanya. Doo'y nais nilang saktan ang lalaki,at nang malapit na silang magpambuno ay dumating naman ang pinaghingian nya ng tulong noong nakaraang gabi. Jojo ata ang ngalan nito. Sa kaguluhang iyo'y nagwakas ang matagal ng kalbaryo sa pambu-bully kay Billy. Nagpasalamat din sa kanya ang lalaki. Kung hindi daw dahil sa kanya ay baka kung ano na ang nangyari dito. Natapos ang pelikula na magkasama sila ng babaeng kanya sigurong iniibig. Nag-usap sandali, nanghingi pa ng kiss ang loko, pilya naman ang babae kaya't kinuha ang stamp at iyon ang inilagay sa pisngi ni Billy, naghabulan sila, sa wakas naramdaman rin nyang sumaya at lumaya sa mga taong nambu-bully sa kanya





Reflection
Nang Bully-hin si Billy

Ang pelikulang ito ay tumutukoy sa mga kaganapang nangyayari talaga sa kasalukuyang panahon. Ito'y ang pambu-bully. Nais lamang ipabatid sa atin ng pelikulang ito ang tipikal na nangyayari sa kabataan hindi lamang sa loob kundi pati na rin sa labas ng paaralan. Gusto nilang maging edukado tayo at mailipaalam  sa bawat isa ang ating karapatan tuwing tayo mabu-bully. Maganda ang naging tema ngayong taon,nagiging mulat ang isipan ng bawat isang kabataan sa nangyayari sa ating lipunan. Mas nabibigyan rin tayo ng pagkakataon na malaman ang maaaring gawin kung sakali mang ako/tayo ang malagay sa ganoong klase ng sitwasyon. Mahirap ang ma-bully kaya't dapat ay alam natin ang mga batas na maaring ilaban sa mga gagawa nito sa atin. Ibayong pag-iingat, tamang pakikisalamuha sa tao ang kailangan upang tayo ay makaiwas sa ganitong klase ng sitwasyon. Ang pelikulang ito sa kabuuan ay nakapagdulot ng kasiyahan, kaalaman at aral sa bawat mag-aaral na nakapanood nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MarkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon