[5] Ngiti

1 0 0
                                    

Chapter5

Shairah's POV

Nagising nalang ako sa tunog ng alarm ko, napasarap pala yung tulog ko pagtingin ko sa wallclock 9 o'clock na, 11 o'clock ang klase namin ngayon kaya bumangon nako para maligo.

Pagkatapos ko maligo nag-ayos nako pagbaba ko hindi nako umasa na may kasabay akong mag breakfast sanay nako, lagi namang ganon. Kaya di nako kumain sa bahay umalis nako agad. Sa cafeteria nalang ako kakain ng breakfast 10 palang naman 11 pa ang klase namin.

Pagdating ko sa school madami ng studyante ang aaga magsipasok ng mga studyante dito samin at himala ata wala pa ang bestfriend ko? nasan na kaya yun? hindi naman nagrereply sa mga texts ko siguro tulog parin.

Pumunta nako sa cafeteria wala naman masyadong tao wala masyadong kumakain ilan lang naman ata kaming dito nagaalmusal
pagtapos ko bumili ng kakainin ko umupo nako at sinimulan kumain.

Naglalakad nako ngayon papunta sa classroom ng may tumawag sakin paglingin ko si ashley

"uy hi" sagot ko paglingon ko sakanyan ngumiti ako sakanya, para siyang mataray pero pag ngumiti mahahawa ka ng ngiti sakanya.

"classmate kayo ni kuya azrael diba ate? pwede po bang pakisabi sakanya na hinahanap kopo siya? malalate na kasi ako ate" sabi niya na nagnamadali talaga natawa ako kasi tuloy tuloy yung salita niya siguro kung tanga ako di kopa maiintindihan yung mga sinabi niya hahaha.

"oh sige sasabihin ko nalang sakanya ash, sige na pumasok kana at baka malate ka nga" sagot ko sakanya habang nakangiti sakanya, ngumiti siya at tumango niyakap pa niya ko bago siya tumakbo papunta sa building nila.

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa nasa tapat nako ng classroom namin, iilan palang ang classmate kong andito sa room luminga linga ako para hanapin si azrael pero wala pa siya dito, pero andito yung dalawang kaibigan niya pero nagdadalawang isip ako hanapin si azrael sakanila baka sabihin nila feeling close ako, tumuloy nalang ako sa upuan ko at tumingun sa paligid.

Napatingin ako sa pinto ng may pumasok at nakita kong si azrael ang pumasok kasama yung mga kaibigan niya nakatingin lang ako sakanya pero napaiwas ako ng tingin nung tumingin din siya sakin, ano bayan pano ko ba siya kakausapin para sabihin na hinahanap siya kanina ng kapatid niya?

"hmm azrael?" tawag ko kay azrael narinig naman niya ko kasi tumingin siya sakin na para bang di makapaniwala kasi tinawag ko siya.

"uy may kailngan ka?" tanong niya sakin habang nakatingin sakin at nakangiti magkapatid nga sila ni ashley ang ganda ng ngiti nilang pareho di ko namalayan na nakatitig lang pala ko sakanyan nagising lang ako nung may umupo sa tabi ko at si lexa pala

"ah ano hinahanap ka kanina ni ashley, malalate na daw kasi siya kaya di na siya nakapunta dito" sagot ko sakanya at ngumiti ng maliit nakatingin naman sakin si lexa na nang-aasar na kunwari kinikilig talaga tong babae nato malisyosa.

"ah oo, pupuntahan ko nalang siya mamaya, salamat shairah ha." sabi niya at ngumiti sakin ngumiti nalang din ako at tumango napatingin ako ky lexa nung kinalabit niya ko at bumulong

"uy ano yun ha? ikaw ha" sabi niya with matching kurot pa

"ano ba yun? hinanap lang naman talaga siya ni ashley" sabi ko sakanya para matigil yung pangaasar niya haynako talaga tong si lexa

"sus if i know crush mo yan" crush agad? oa neto ni lexa, hindi kona siya pinansin hinayaan kona mangaasar lang yan ng mangaasar pag pinansin kopa kaya hinayaan kona. Pumasok naman na yung prof namin kaya natahimik na siya agad.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not A Love Story Where stories live. Discover now