Chapter 7

104 1 0
                                    

Somia/Serene POV

Napapakamot nalang ako ng ulo ko habang nakikita ko na kasunod ko lang ang dalawang mukhang bouncer na yun na nakasuot ng suit at nasa  likuran ko na sumusunod lang sa akin

"Nak ng hindi ba sila titigil na sundan ako ang awkward ha tatakas ba ako hindi naman Siguro heto na nga ako ilang araw na nakakulong sa bahay na yun at ngayon lang ako lumabas...ah baka yun ang pagkakasabi ng Jannie na yun Kay Mama na baka tumakas ako dahil nakita ko yun nung isang araw na pumunta sa bahay

Hmmmp bakit nga ba ako nagkaroon ng ganun ka protective na kapatid baka mamaya niyan pati magiging Jowa ko kilatisin pa nun sabi PA naman ni Jalri sa akin masyadong mahigpit yun lalo na siguro kapag sa akin

Well di ko siya susundin I have my own decision at higit sa lahat  kaya kong tumayo sa sarili ko

" Mam saan pa po ba tayo pupunta?"tanong nung dalawang bodyguard ko na naiinipnna yata kakasunod sa akin

Nandito kasi kami sa may Regal Mall at dahil wala naman akong mapili na damit at maisip na bilhin ay mas minabuti ko na lang na umuwi na muna...

Nag balak pa.naman ako na magpakita dun sa hayop na Villafuerte na yun at pagbayarin siya ng kasalanan niya kaso nalaman ko na hindi naman pala niya pag kamay ari ito dahil sa Kuya niya pala ang Mall

"Tsk...sayang lang ang pinunta ko dito" bulong ko

Naglakad lakad ako ng kaunti

"Aisssh Ayoko na dito uuwi na tayo punta na tayo sa may parking lot" sabi ko sa kanilang dalawa

Sumunod lang sila sa akin at naglalakad na kami sa may parking lot medyo nakakatakot dito dahil bukod sa medyo madilim ay pinapalibutan pa ng CCTV kaya naman pala walang ni isang security

Sa gitna ng paglalakad ko ay may nakapansin ng paningin ko

Isang kulay blue na kotse at kilalang kilala ko ang design ng kotse na yun never akong nagkamali

Mula likuran at harapan ay kilala ko iyon

Hmmm...iyon ang kotse nung lalaking hiningian ko ng tulong na mas pinahamak pa ako

"Hmmm" sabi ko sabay ngisi

"Mam may problema po ba?" Tanong nung dalawang bodyguards ko

Ngumisi ako

"Pwede ba na bumalik tayo dun may bibilhin lang ako..."

***********

"Mam puro nontoxic ang pintura namin dito ano po bang bibilhin niyo" sabi nung saleslady sa may paint shop na pinuntahan ko

"Ah Ms. Pabili ako ng apat niyan yung ganyan kalaki at tatlong paint spray kulay violet" sabi ko

....

"Here Mam thank you ...please come again" ngiting sabi niya"ipapahatid ko pa po ba kayo hanggang parking lot"saad pa niya

Ngumiti ako"Huwag na meron nang magdadala dito"sabi ko

"Psssst...kayo pakidala nito" utos ko

Nagtataka sila na kinuha yun at binuhat

Hindi man lang sila nagtatanong sa akin

*****
Huminto ako sa pwesto ng kotse na yun

"Ibaba niyo iyan dito"sabi ko sa kanila

" Mam hindi po dito yung kotse natin dun pa po sa dulo"sabi nung isa

"Hindi nga sinabi ko bang dito may gagawin lang ako ...just wait and see"

Kinuha ko yung isang timba  ng paint at ibinuhos yun sa kotse

Hanggang sa maubos ko lahat ng pinamili namin at mabalot na ng pintura ang kotse na yun

Sabay nag spray ako at nilagyan ko ng heart design ang palibot nun

At may nakasulat pa na "surprise!!!"

Kinuha ko rin yung ballpen ko na may maliit na kutsilyo na nakatago sa loob at binutas yung bulong ng kotse na yun

"Mam naku ano pong ginawa niyo?!" Sabi nung bodyguard na kasama ko

I crossed my arms

"Well gumanti lang ako..." Sagot ko

"Mam baka may magalit po at higit sa lahat -"

"Huwag na huwag niyong sasabihin na ginawa ko ito...lalo na Kay Mama at Daddy dahil kung sakali malalagot din kayo ...naiintindihan niyo ba ako?" Sabi ko

"Yes Mam" sagot nila

Tinapik ko sila at humarap sa may CCTV sabay lagay ng glasses at hoodie ko

Nag peace sign pa ako sa harapan nun

"Let's go guys"

....

"Hi Manong Rick" bati ko sa driver namin

Ngumiti din siya pabalik

"Mam parang good mood kayo ngayon may nangyari bang maganda" tanong niya

Sumandal ako sa may backseat

"Well may pinagkaabalahan lang kami Manong...ang saya nga eh at atsaka may isusurprise kasi ako kaya heto ...ang sarap sa feeling sure ako na masusurprise siya ng to do" sabi ko sabay ngisi

"Ah kaya naman pala Mam ang bait niyo pala yltalaga Mam Serene" sagot niya sa akin

"Siyempre naman Manong Ako pa...

#Claimedtobemine
...
Plagiarism is a crime so don't try

Love Me Maybe?(Montes series #8)Where stories live. Discover now