kadiliman

4 0 0
                                    


Kaibigan na saan kana?
Ako'y nag iisa sa dilim
Umiiyak at nagpapakabasa sa ulan
Singlakas ng ulan ang pag agos ng luha ko

Ako'y nagtago sa dilim
At ika'y hinahanap ko
O kailan ba ako uunahin
O kaibigan kailan nga ba?

Ako'y naghihintay sa pagdating mo
Kahit saang sulok ng kadiliman
Ika'y hinahanap-hanap ko
at hinihintay ang tulong mo

Huminahon ang luha't ulan
Hindi parin kita nakikita
Ako ba ay importante sayo?
Ba't hindi mo ako hinanap?

Ngayo'y tumila ang ulan
Kadiliman ang nananaig
Hanggat kailan ba ako aasa
Sa taong walang pagasa

PoetryWhere stories live. Discover now