Chapter 2: Birthday Girl

1.9K 118 32
                                    

Chapter 2: Birthday Girl


"Oh, my God. It's so beautiful," I wheezed as soon as I saw the enchanting lake inside the mouth of the Mt. Pinatubo.

I was an idiot. The four-hour trek was all worth it. The body pain, the grime on my skin, the sunburn... they were all worth it.

Seeing this enchanting view... Being in it is so surreal.

Too bad bawal mag-swim sa lake.

"May mas maganda pa diyan," narinig kong sabi ni Pyth sa tabi ko.

I looked at him, skeptic. "Really?" Sa ganda nitong view namin? "Where would that be?"

He winked at me. "I'll tell you kapag bumalik ka dito."

Bago ko pa siya mapilit na sumagot ay bumalik na siya sa mga vendors na naka-pwesto sa isang kubo. Dahan-dahan akong sumunod sa kanya at ipinagkibit-balikat na lang ang sinabi niya.

Sa totoo lang, wala na akong balak bumalik pa rito. Okay na 'tong pagpunta ko ngayon. Una at huli ko na ito. Hindi ko na hahayaan pa ang sarili kong mapagod nang ganito. I know kasalanan ko rin naman lahat kaya ako naghihirap ngayon. At kahit alam ko na ngayon 'yung mga dapat kong gawing mga precautions sa pag-akyat ng bundok, hindi ko naman na 'to uulitin pa. First and last trekking ko na talaga 'to.

Promise.

"Cup noodles lang meron sila dito," Pyth said when I reached him. "But I have my own packed lunch, if hindi ka kumakain ng instant noodles."

I shook my head, laughing. "Oh, no. Okay lang sakin cup noodles! Takbuhan ko 'yan kapag petsa-de-peligro!" Truly, walang kaso sa akin 'yun lalo na't gutom na gutom na ako. Bukod sa wala akong baon na pagkain, nakakahiyang mag-impose kay Pyth. Wala akong karapatang mamili ng pagkain.

Tinitigan niya muna ako, para bang may malalim na iniisip.

I just smiled to show him na walang kaso talaga sa akin. Hindi naman ako mapili sa pagkain.

He shook his head and reached for his backpack. "You know what? Sa'yo na lang 'yung packed lunch ko, birthday gift ko na sa'yo."

Inabot niya sa akin ang isang medium-sized Tupperware na puno ng kanin at ulam. I shook my head at him. "No! I don't need a gift! Sa'yo 'yan!"

Kinuha niya ang kamay ko at pinagpilitan na hawakan ko ang ibinibigay niyang baunan. "C'mon, take it. Hindi rin ako mabubusog sa pagkain, sa guilt ako mabubusog."

I stared at him and looked for any signs na he's just being nice at gusto niya talagang humindi ako ng malala bago niya makain ng maluwag sa damdamin ang baon niya. But no, even if I only met earlier, I know he's being sincere.

I took one step forward and scrunched my nose. Gosh. What if this makes me look I'm being too forward? Ugh. Kebs. "What if hati na lang tayo? That is kung hindi ka naman mapili sa kahati sa food."

"I'm not."

"That's great, then! More food for the both of us. Packed lunch mo and instant noodles."

I flashed him a grateful smile. Yes, natapos na rin ang packed lunch dilemma.

Pyth chuckled as he setteled down on the nearest picnic table. "C'mon, birthday girl. Let's eat."

Sumunod ako sa kanya at umupo na rin sa tabi niya. Tahimik lang ako sa panonod sa kanya habang inaayos niya ang kakainin namin. Mabuti na lang at mababait ang kanyang ma tauhan–wait. Ano nga ulit ang trabaho niya dito?

"So you never told me kung ano talagang work mo dito," I said after thanking Kuya Eugene for serving us the cup noodles Pyth ordered for us.

"Sumagot kaya ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Two Halves of A WholeWhere stories live. Discover now