Memories

68 1 1
                                    

Malakas ang patak ng ulan sa bintana ng silid-aralan,kasabay ng mga ingay at kwentuhan ng mga ka eskuwela ko.Nag iintay ang bawat isa na huminto ang ulan para maka uwi na sa kani kanilang tahanan. Naglalakad ako sa corridor palabas ng  paaralan hanggang sa makarinig ako ng isang iyak ng babae, hinanap ko ito dahil na rin sa kyuryusidad. Sumilip ako sa kanang parte ng daan papunta sa second floor, pero wala akong nakita,nanindig ang balahibo ko at nakaramdam ng takot, naisip ko tuloy ang pinagkukwentuhan ng mga kaklase ko na may multo daw sa biology room, lagi raw may umiiyak na babae roon lalo at ganitong panahon. Lumapit ako sa room ng grade 2-B malapit sa biology room at may lumantad sa harap ko na Isang batang babae, umiiyak na nakaupo sa sahig, parang nabunutan ako ng tinik dahil alam ko na hindi multo ang umiiyak kundi  ang batang babae na bagong lipat  malapit sa apartment na tinitirahan namin. Nilapitan ko sya at tinanong kung bakit sya umiiyak. Kaya naman pala! Binuli na naman sya ng mga kaklase nyang lalaki. Inabot ko ang kamay ko habang patuloy pa rin sya sa pag hikbi, “simula ngayon ako na ang magtatanggol sayo” yan ang mga katagang binitawan ko habang iniabot nya rin ang mga kamay nya sa akin. At dito na nag simula ang kwento ng una kung pag ibig.

                Simula ng abutin ko ang mga kamay nya at magsabi na ako ang magtatanggol sa kanya hindi na lumayo sa akin si Patty. Lagi kaming mag kasama kahit saan man pumunta, sya ang naging kalaro at nag silbing kapatid ko, Naging close sya sa pamilya ko at ganun din naman ako sa pamilya nya. Sabay kami nagtapos ng Elementarya sa mababang paaralan ng Banilad.Ngunit dumating din ang araw na nagkahiwalay kami. Nadestino si Papa sa malayong lugar dahil sa trabaho nya, sanay na ako sa ganitong set up, lagi naman ganito ang nangyayari, kaya wala nang bago.Nangako kami sa isa’t isa na magsusulatan at kung may pagkakataon ay dadalawin ko sya.

                Bagong buhay sa bagong lugar, minsan naisip ko na sana nagpa iwan na lang ako, para makasama ko si Patty at matuto na rin sa buhay, kaya lang ayaw ko iwanan si Mama, ako na lang ang nag iisa nilang anak dahil namatay si Kuya Eric sa aksidente. Bagong mga kaibigan na naman at bagong pakikisama. Pauwi ako sa bahay, pero naisip ko na dumaan muna sa pampang ng dagat malapit sa aming lugar. Nakasakay ako sa scooter ko,ng mayamaya nagulat ako na may sumusunod sa likod ko, isa pang humaharurot na scooter, pamilyar ang babaeng nakasakay dito. Ipinark ko ang scooter sa tabi ng daan at bumaba, naglakad ako palapit sa pampang. Tinawag ng pamilyar na babae ang pangalan ko.Tumigil ako at lumapit sya, na alala ko na, sya si Riza kung tama ang pag kakatanda ko, sya ang babae na nagtapat ng pag- ibig nya sa akin sa mismong unang araw ng klase. Ngunit dahil may nag mamay ari na ng puso ko ay tinanggihan ko sya. Tama! may mahal na kung iba at yon ay si Patty ang babaeng naiwan ko sa Banilad. Limang buwan na ang nakalipas simula ng lumipat kami, bawat linggo ay nag papadala ako ng sulat kay Patty, at bawat sulat ko may sagot naman agad mula sa kanya.

Ngunit kahapon ang sulat na natanggap ko ay naglalaman ng pamamaalam dahil lilipat na sina Patty ng bahay, mas lalong malayo at mukhang imposible na magkita ulit kami.

                Malakas ang pagpatak ng ulan na tumatama sa bintana ng Tren na sinasakyan ko, mukhang mag kakaroon pa ng problema bago ako makabisita sa lugar na dati kong tinirahan. Ito na lang ang paraan para magkita ulit kami sa huling pagkakataon bago sila umalis.

Tumirik ang tren at mukhang 5 Kilometro pa bago ang lugar ng Banilad. Sabi ng mga tao matatagalan daw ang pag hinto nito dahil napakalakas ng bagyong parating. Di ako mapakali sa aking kinauupuan  dahil alam ko na nag iintay sa akin si Patty sa may istayon. Lumipas ang trenta minutes at tumayo ako sa kina uupuan ko, bumaba ako ng tren dahil ayaw kung mag intay si Patty ng ganun katagal, kailangan makarating ako doon bago mag alas dyis ng gabi kahit anong mangyari. Sinuong ko ang malakas na ulan at hangin, at kahit na nanginginig na ang aking  tuhod sa ginaw ay wala akong inaksayang oras. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa  tumakbo, sa wakas natanaw ko na ang istasyon ng Banilad,ngunit ng tingnan ko ang orasan ko ay alas onse na ng gabi, pitong oras ako naglakad. Hingal, Pagod at panginginig ang nadarama ko sa mga sandaling iyon. Naisip ko na baka umalis na si Patty at hindi nya na ko inintay, naupo ako sa may bench ng istasyon, itinaas ko ang paa ko at nilakap ang sarili para mainitan kahit sandali. Tumigil na ang malakas na ulan habang nakaupo pa rin ako sa bench, mga kinse minutos na siguro ako nakaupo ng may humawak sa ulo ko at pinunasan ito. Hinawakan ko ang kamay nya at nag angat ako ng mukha, tama nga! Si Patty ang nakita ko na nakatayo sa harap ko. Nakangiti at nanliligid ang luha sa mga mata. Mabilis nya akong hiyakap,”Akala ko di ka na darating, pero nag intay pa rin ako kahit lagpas na sa oras ng usapan natin” yan ang mga salitang sinabi nya sa akin. Umiyak ako at niyakap sya ng maligpit, akala ko umalis na sya at hindi nakapag intay. Umalis kami ng istasyon ng tren at naglakad patungo sa lugar ng dati naming tambayan, walang pagbabago ang bakante at sira sirang bahay malapit sa parke. Katulad ng dati naming ginagawa, naglatag kami ng isang Karton at naupo magkatabi. Mamayang madaling araw na ang lipat nila. Mag aalas dose na ng umaga, at hanggang ganong oras lang ang paalam ni Patty sa mga magulang nya. Ganun lang din kaikli ang oras ng pagkikita namin, kung hindi lang nag kabagyo eh di sana maaga ako nakarating at matagal ang oras ng pagsasama namin. Nag paalam na kami sa isa’t isa, ang una’t huling regalo na natanggap ko kay Patty ang tanging malinaw sa aking ala ala. Ang unang halik na mag sisilbing tanda ng pag iibigan at pag papaalam namin sa isa’t isa.

Mahabang panahon na ang nakalipas, wala na akong balita kay Patty at hindi ko na rin alam ang nangyari sa kanya. Nang mga unang linggo matapos ang pag lipat nila ay nagkaka sulatan pa kami, ngunit lumipas ang mga buwan ay wala na akong natanggap na sulat galing sa kanya. Nag iintay pa rin ako sa araw nang muli naming pagkikita. Na sana ay makasalubong ko, o makabangga ko sya pag papasok ako ng trabaho. Hanggang ngayon naniniwala pa rin ako na muli kaming magkikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon