First One Shot Story ko po ito...... hope youll like it!!!
"Hey! Please let me go!!! I don't have anything to give you. Please let me go."
"Hoy! Huwag ka ngang maingay diyan, nakakabingi ka na. Pakiusap lang ha."
"Who are you? Please! I'm begging you. Let me go. Please! Please!"
"Huwag ka ngang iingles ingles diyan kasi kahit anong sabihin mo hindi ka namin maiintindihan."
"What do you want? Money? What? Tell me, just please don't hurt me. I'll give you anything but please don't hurt me."
"Pre, hayaan na lang natin siyang magsasalita diyan. Ang mahalaga hawak na natin siya ngayon."
"Hey! What do you want? Please don't hurt me." Pagmamakaawa ko sa kanila.
"Wag kang mag-alala ako bahala sayo, hindi ko hahayaang masaktan ka pero pakiusap 'wag ka na lang maingay." Bulong sakin ng isa sa mga lalaking dumukot sakin.
Hindi ko sila kilala at higit sa lahat hindi ko sila nakikita dahil nakapiring ako, pero malakas ang pakiramdam kong nandito kami sa isang masukal na lugar. Hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito pero dasal kong wag nila akong sasaktan o gagawan man lang nang masama.
Bigla kaming huminto at bigla nila akong itinulak, sa palagay ko'y nasa isang madumi at mabahong lugar ako na ubod ng sukal. Hindi ko talaga alam ang saktong kinaroroonan ko dahil tanging ang pandama at pang-amoy ko lang ang pinagbabatayan ko. Hindi ko alam kung ilan sila, at hindi ko alam ang pakay nila pero may isa sa kanila ang tila mo ay may mabuting puso. Ramdam kong mabait siya at iba sa kanilang lahat pero bakit ko ba naiisip ito, isa pa din siya sa dumukot sakin kaya't dapat akong magalit at dapat ko pa din siyang kamuhian.
Ilang oras na ako sa sitwasyong ito, nakaupo sa isang sulok, nakatali ang mga kamay at paa, nakapiring ang mata at may busal na tela ang aking bibig. Hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak at patuloy din ako sa pag-iisip kung ano ba ang motibo nila sa pagdukot sakin.
Maya-maya lang ay may narinig akong langitngit at naniniwala akong may nagbukas ng pintuan.
"Oh! Heto kumain ka muna, kailangan mong kumain para lumakas ka." Sabi ng isang lalaki habang tinatanggal ang busal ko sa bibig.
"Do you think I can eat if this is my situation? I don't know why you do this to me, but please let me go. I'm sure that my dad is looking for me now. Please! Please! let me go." Pagmamakaawa ko sa kanya, na sa tingin ko ay siya yung lalaking bumulong sakin.
"Pasensya ka na ha! Alam mo hindi ko gusto tong ginagawa namin. Hindi ko gustong saktan ka pero kailangan ko tong gawin para sa pamilya ko."
"What do you mean?"
"Ah basta..... kumain ka na lang diyan. Hindi kita sasaktan."
Hindi ko siya maintindihan, hindi din niya ipinaliwanag sakin ang kanyang ibig sabihin sa sinabi niyang hindi niya ako gustong saktan, pero bakit? Bakit ako? Bakit niya ginawa sakin toh?
"Hoy! Hoy! Gumising ka diyan" sabi ng isang lalaki habang sinisipa ako.
"U—hhhmm..."
"Sabihin mo nga sakin ang pangalan mo...."
"Why do you want to know? Do you think I will tell you? Let me go first and I will tell you."
"Uy! Sabihin mo na. Sige na kung ayaw mong saktan ka nila." Boses yun ng lalaking bumulong sakin at naghatid sakin ng pagkain.
Napaisip ako saglit, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit tila mo ang bait niya sakin. At para bang gusto ko siyang pagkatiwalaan kaya't sinabi ko ang pangalan ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with My Kidnaper (One shot story)
RomanceBe caught on a story you've never read before.