Nakakabinging tilian na naman ang naririnig ko mula sa back stage.Eto na naman tayo, kakanta at mag papacute na naman ako sa harap ng mga tao.Mahigit dalawang taon na laging ganito ang pamumuhay ko, nakakasawa.Nakakainis dahil, makakaamoy na naman ako ng ibat ibang klase ng tao…”KADIRI !!”, pero kailangan ko tong gawin bilang isang sikat na artista.Binansagan ako ng madla na Mr.Hearthrob, Di naman talaga mapagkakaila na talagang Gwapo ako,Talented at Habulin ng mga babae.
Natapos ang mall show,nakakapagod! May mga galos na naman ako sa mga kamay dahil sa pakikipag kamay sa mga fans.Pag dating ko sa Condo dali dali akong naligo at naglinis ng katawan, kumapit na kasi ang amoy ng mga tao na humalik sa pisngi ko at yumakap sa akin.Bukas siguradong ganun na naman ang mangyayari sa akin.Nakakasawa na ang magkunwari sa harap ng tao, kunwari mabait ka pero sa totoo lang nakakairita..
Ako si RR ang mapagkunwaring artista,nakakapagod na magkunwari at mag bait baitan.Ngunit ginusto ko rin naman,kaya nga ba minsan nagtatanong ako sa sarili ko, sino ba talaga ako?
Hanggang isang araw di ko na napigilan ang di ilabas ang totoo kong ugali, nag away kami ng manager ko, sinigawan ko sya at sinuntok, ka badtrip eh!! Pinipilit nya ako sa isang project kung saan ay di ko gusto.Alam naman nya na ayaw kung may dumidikit sa akin na ka Love team lalo na’t di ko gusto ang kapareha ko.Naiirita ako sa mga kapwa artista ko na feeling close sa akin, pag nakatalikod nman ako, kung ano ano ang sinasabi.Ang industriya na ito ay isang mundo kung saan maraming may suot na mascara.Lahat kami dito ay pare pareho lang, mga nag kukunwari at itinatago ang totoong sya.
Naglalakad ako sa lobby ng TV station, nakita ko ang manager ko na naka upo sa couch at may kausap na lalaki.Lumapit ako at paismid na binati ako ng manager ko.Alam ko na kung bakit.Dahil yon sa ginawa ko kumakailan lang.Inabot ng lalaki ang kamay nya at nag pakilala sya si Moncy ang isa sa mga presidente ng fan club ko.Ngunit di ko inabot ang kamay ko at bigla na lang tumalikod at nag lakad palayo.Mukhang sa ginawa ko, napahiya si Moncy.
Lumipas ang ilang linggo ay lagi ko napapansin na si Moncy ay laging nakabuntot sa manager ko,yon pala ay magiging extra sya sa lahat ng mga projects na gagawin ko.Binaliwala ko lang ang lahat, ano ba naman pakialam ko sa kanya, isang hamak na extra lang sya at isang malaking bituin ako.Kung tutuusin wala syang panama sa kagwapuhan at talento ko.
Isang araw sa mall tour ng pelikula ko,may mga ilang tao na sumisigaw ng pangalan ni Moncy.”Aba!! may fans club na si Moncy”,sa loob loob ko.
Ngayon ang unang meeting para sa full cast ng action movie na gagawin ko,lahat ng cast na gaganap ay nagkita kita sa isang room.Habang tinatawag isa isa ang mga artista para sa kani kanilang role, nagulat ako ng sabihin ng producer na hindi ako ang lead character kundi si Moncy ang nakakuha nito,sa sobrang badtrip ko dahil nasaktan ang ego ko,at badtrip na malaman na ang dakilang extrang si Moncy ang makakakuha ng lead role ay sinipa ko ang upuan sa tapat ko at natamaan nito ang producer, dahil sa nangyari mabilis na kumalat sa internet at pahayagan ang eksena sa conference room.Hindi natigil ang alingaw ngaw ng isyu.Dito ko naramdaman ang pag- iisa, walang nagtanggol sa akin.At unti unting pagbagsak ng aking karera.Sa tinagal tagal ng panahon ko sa industriya di ako nag karoon ng mga kaibigan,dahil narin siguro sa ugali ko.Dito ko napatunayan na masama akong tao.Kahit anong sisi ang gawin ko, di na nito mababalik ang pagkakamali na nagawa na.Sinisikap ko harapin ang mga mapangmatang mga tao.Tinanggap ko ang consequences ng mga ginawa ko.Habang tumatagal natututo ako sa bawat pag kakamali na nagagawa ko.
BINABASA MO ANG
Nasa Huli ang Pag sisisi
Non-FictionI helped my classmate to finished this one, he said to me that he cannot do writing story ,so i helped him. He gave me an idea about what he want to do with this story. then i just do the rest.. actually i dont know how to ended it... i just write...