Jairren pov's
Isang linggo na ang nakalipas mula ng umalis ako dun sa condo ni Rilley dahil okay na naman ang kapatid niya.. At isang linggo ko ring hindi nakikita si Rilley na pumasok . ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking yun? Tsk.. Wag mong sabihin na miss mo na siya? Singit ng kabilang tinig ko. Iniling-iling ko ang ulo ko at nagpatuloy sa ginagawa ko. Andito ako ngayon sa library hinahanap yung books na kailangan ko.. Malapit na ang Final Exam sa 1st Semester.. Kaya ito mag-aaral nanaman ako.. Habang palakad-lakad at nagbubuklat minsan ng mga libro napa-igtad ako sa gulat ng may pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko..
"Bakit nandito ka pa?" Anang boses ni rilley na pamilyar na pamilyar. Humarap ako na nakakunot ang noo. Sino ba naman kasi ang taong bigla-bigla nalang susulpot na parang kabute? At bigla ka nalang magulat na sa likuran mo na siya?
"Bakit ba nanggugulat ka?"sikmat ko sa kanya.
" Sorry, hindi ko alam na magulatin ka pala" painosenteng sabi pa nito..
"Tsk.. Pano kung may sakit ako Sa puso at bigla nalang mawalan ng malay? Ipinag lihi kaba sa kabute kasi susulpot ka nalang bigla ehh.."
"Wala ka namang sakit sa puso aahh.. Tsaka hindi ako pinaglihi sa kabuti noh! Sa gwapo ko ba namang ito?" Nakangising pa ang loko.
"Pwede bang pakihinaan ng air-conditioning? Kasi ang lakas ng hangin eh.. Sobrang lakas.. " i rolled my eyes at bumalik na sa ginagawa ko... Nakasunod lang siya sa likuran ko.. At ilang minuto narin ang namayaning katahimikan sa pagitan namin kaya. Ako na ang bumasag sa katahimikan..
"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya..
"Umalis ako ng bansa para ihatid ang kapatid ko, at natagalan ang pagbalik ko kaya hindi ako nakapasok ng isang linggo.." Sagot niya at tumango lang ako.
"Ahh... Okay na ba ang kapatid mo?'
" Yeah, she's always fine.. pero nong babalik kami papuntang Greece,. Natanong niya kung saan ka daw?"
"Ohh? So ano ang sinabi mo sa kanya!”
“I said your busy with your school work”
“okay!” yun nalang nasabi ko at tamang-tama naman na nakita ko narin ang books sa History...
“are you going home? After this” tanong niya sakin
“ Yeah!”
“okay! Then sabay na tayo!” tumigil muna ako sandali sa ginagawa ko para harapin siya
“ No! You can go home, and wag muna kung hintayin matagal pa ako dito eh.. and I can go home with myself.. so no need!”
“ Na-ah.. total nandito ka narin lang at ako din.. edi sabay na tayong mag-aral.. ”
“Seriously? Nag-aaral kapa pala? I thought your not that kind of person na walang pakialam sa pag-aaral.” Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko...
“is that what you think of me? Kahit ganito ako, mahalaga parin sakin ang nag-aaral no?”
“okay! Kasi wala sa hitsura mo eh..” tumawa siya ng malakas.. bakit? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Mabulunan ka sana ng sarili mong laway na kwago ka..
“bakit ano bang itsura ko?” tumatawa parin ang
Bwesit na kwago.. lintikk... Nakkkkk.....Batukan ko to ehh... Tskkk..... Aishhh......
“Wala! Iwan ko sayong bwesit na kwago ka” bigla nalang siyang tumigil sa pagtawa .. dahil dun siguro sa tinawag ko siyang kwago ayaw pa naman niya yun haha.... Nakakatawa... Buti nga sayo.. tumigil karin na bwesit ka.....
BINABASA MO ANG
The Secret Arrange Marriage
FanfictionSi Jairren Leonale Park ay isang sikat na secret agent sa Bansang Greece sa murang edad na 18(dise otso). And ofcourse she's a Princess too, Pero ang hindi niya matanggap ay ang pagpapakasal niya sa lalaking ni minsan ay hindi niya nakilala at nakit...