~5

29 3 4
                                    

YOONGI'S P.O.V
Putangina ni Ella.Umalis kasi sya ng maaga kaya wala akong kasama pauwi.Pero may project daw sya eh.

Ang lamig naman dito tapos ang dilim pa ako na lang ata maputi dito eh.
Nung narating ko na yung may playground may nakita akong babae na nakaupo sa swing. Shit nanatakot ako.Tapos umiiyak pa sya.Huhu lord jusko alam kong kasalanan ang maging gwapo pero patawarin nyo na po ako please.
Pero napansin ko na parang pamilyar sya.
Lumapit lapit ako ng kunti kasi hindi naman kalayuan yung space namin.Teka pamilyar nga sya sakin!Wait Ella?

"Ella?"
Napatingin sakin yung babae at mga pare si Ella nga.
"Y-yoongi?A-anong ginagawa mo dito?"
"Diba dapat ikaw tinatanong ko nan?Bakit ka andito?Diba may project ka?Akala ko nakauwi ka na?"Sunod sunod kong tanong.
Pero wait lang diba umiiyak sya?
"Bakit ka umiiyak??"
"Ah h-hindi ako umiiyak."
"Pulang mata,sinisipon,tapos medyo....pula yung ilong mo."Gusto ko talaga sabihin na ang kyut nya eh pero baka bigyan nya ng malisya.
"Wala to maarte lang talaga ako."

ELLA'S P.O.V
"Hindi ka pa ba uuwi?"Tanong ni Yoongi sakin.
"A-ayoko pa eh."
"Bakit naman?"
KASE GUSTO MUNA KITANG KALIMUTAN DAHIL ANG SAKIT NA YOONGI SOBRA NA.
Yun talaga ang gusto kong isagot pero duwag ako eh.
"May problema kasi ako eh,gusto kong kalimutan."
"Ah..kaya pala kanina tulala ka.Alam ko na gala na lang tayo." Shet ano daw?
"H-ha?"
"Gala tayo."
tangina hart cum down.
"Baliw ka ba eh gabi na oh."
"Sus parang di sya naggagala ng ganitong oras eh."
"Di naman talaga."
"Halika na kasi. Kwek kwek tayo libre ko."
uy libre daw.
"Ok tara naa"
"Yan tayo eh basta libre."

Hingit ko sya sa may kwek-kwekan at bumili. Paborito ko po talaga ang kwek kwek kaya nawawala swag ko pagdating sa kwek kwek at saka na rin kay Baby Gums ko.Ala bat bigla akong nabuhayan?
"Takaw mo."Yoongi
"Waw ako lang daw."Ella

Pagkatapos namin kumain ng kwek kwek,Pumunta kami sa may park at naglatag.Kilala nyo naman si Yoongi na palaging tulog kaya wag na kayong magulat kung may ganito sya sa bag nya.

Humiga kami at tumingin sa mga stars.Ang daming mga shapes tapos amg ganda pa.Sa gwapa kong to sigurado akong maabot ko yan.
"Ella?"Jusko ano naman ba kailangan ng gums na to.
"Hmm?"
"Pano mo nagagawang tiisin ako?"
Paktay na Ella.
"A-ano?"
"Pano mo nagagawang mahalin pa rin akopagkatapos ng lahat ng pagdededma,pagmamasama,pagtaboy ko sayo?"
"Siguro dahil sobrang mahal kita.Na kaya kong maghintay kahit kailan pa yan.Sa panahon kasi ngayon madami ng bumibitaw,pero ako gusto ko patunayan na kaya kong maghintay kasi mahal ko eh.Kahit masakit na yung ginagawa mo sakin ok lang kasi naniniwala ako na dadating rin ang araw na mamahalin mo rin ako pabalik."Putaena san nanggaling yun?

"Pano kung hindi mangyari yung inaasahan mo?Pano kung hindi kita mahalin pabalik?"

"Hindi ko alam.Si lord na bahala sakin.Basta sa ngayon importante mahal kita kahit hindi naman ganun yung nararamdaman mo sakin."

"Ella..stop loving me."
Tangina ito na naman yung sakit.
"Ayoko."
"Ella para san pa eh masasaktan ka lang din naman sa huli."
Napaupo ako at ganun rin sya.
"Yoongi kasalanan ba ang magmahal?"
"Ella hindi naman sa ganun.Ayaw lang talaga kitang masaktan."
"Eh Yoongi parte naman ng pagmamahal ang masaktan."

Baby Gums ♡(on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon