Tanda mo pa ba yung litrato kung saan may tsokolate ako sa bibig? Habang masayang-masaya ka sa aking nakatitig?Ako..
Sobrang saya ko dahil naulit pa iyon nang kumain tayo sa canteen ng dati nating eskwelahan.
Ang saya ko na naibalik natin yung nangyari nang nakaraan.
Sinadya kong lagyan ng tsokolate ang aking ngipin para pangitiin ka.
“Dahil gusto ko, masaya ka.”
Eh 'yong litratong nasa photoshop tayo? Tanda mo pa ba? Hahaha.Ang taba ko pa dun sa picture na yon, lalo na ngayon.
Pero mas napansin ko yong mga ngiti mo, ngiting nakakapag-pagaan nang loob ko.
“Gusto ko ulit makita yon.”
Kaya dinala ulit kita sa photoshop, ayaw mo pa ngang pumayag ng una.
Pero nang ipakita ko sa'yo yung dati nating litrato kung saan pisil-pisil mo pa ang mataba kong pisngi ay agad kang natawa at ikaw pa ang nanghila.
'Yang mga ngiti mo, sana ako ang palaging dahilan niyan.
Isa, dalawa, tatlo! Pinisil mo na ang pisngi ko tulad ng nasa dating litrato.
Isa, dalawa, tatlo! Nag-wacky ako at isinandal mo ang ulo at kamay mo sa balikat ko.
Isa, dalawa, tatlo! Magkalikuran tayo.
Habang ikaw ay nakayakap sa bear na panda habang ako naman ay iniisip na baka ito na ang huling beses na magagawa natin ito.Eh 'yong nag-first communion tayo?
An'saya ko nun dahil kasama kita, lalo na nung kumuha na nang litrato 'yong photograper at sinabing lumapit pa tayo sa isa't isa.
Noong una ay iba yong nakuha kong ibig niyang sabihin, kaya nagulat ako at tsaka ko lang napagtantong lumapit tayo sa isa't isa para magandang tignan sa camera.
Ngayong nasa simbahan ulit tayo marami akong gustong ipanalangin sa diyos.
Dahil sa simbahang ito, dito tayo nag-first communion, nag-kumpisal, at . .
sana. . .
“Dito rin tayo ikasal”
Habang nagdadasal ka ay kinuhanan kita ng litrato gamit itong polaroid ko. Dahil baka ito na ang huling simbang tayong dalawa lang ang magkasama.
At ngayong gabi, mayroong kaganapang hinihintay ng lahat.
Kaya kanina pa lang ay naghanda na ako. Bumili na nang mga gamit na kinakailangan. Nag-pagupit, bumili ng polo sa ukay-ukay at inihanda ang sarili.
Inihanda ang aking emosyon sa mangyayari.
Ang ganda ng paligid. Mga kandilang nasa loob ng jar at nakabitay. Mga dahong nakalaylay na nagdadagdag ganda sa paligid at ikaw..
Ikaw na naglalakad sa gitna papunta sa aming direksyon.
Ikaw, na lalong nagpapaganda sa gabing ito, napakaganda mo sa suot mong itim na bestida at sa ayos ng iyong buhok, sobrang napakaganda.
Ngunit mas maganda sana ang mga mangyayari kung ako sana ang sinagot mo ng salitang “I do”, habang nagtatanong kung papakasalan mo ba ako.
Siguro sobrang ganda nun.
“Pero ayos lang, handa akong magparaya basta ikasasaya mo.”
Wala eh, wala na akong magagawa.
Kaya pumalakpak na lang ako at ngumiti. At nang niyakap mo na ako, niyakap na rin kita dahil alam kong ito na rin ang huli beses na mayayakap kita nang mahigpit.
Hindi lubos maisip na ang barkada ko pa pala ang magigi mong asawa, akala ko nagbibiro lang siya nong sabihin niyang gusto ka niya dahil babaero 'yon.
Pero nang umamin ka sa'kin dati na may gusto ka rin sakanya, ay alam ko na ang mangyayari.
Kaya nagparaya na lang ako.
Pero 'di ko yon pagsisisihan dahil atleast naging tulay ako sa childhood bestfriend ko at sa barkada ko.
Kahit masakit.
At ang huling litratong aking babalikan.
Ang litrato kung saan may kasama na tayong iba.
Yung pose natin dati, yung ikaw ang nakaakbay sa akin at ako naman parang 'di alam kung saan titingin.
Iba na ngayon, dahil hindi na ako ang inaakbayan mo, kundi ang taong mahal mo.
Ang taong mapapangasawa mo.
Kaya nagpapasalamat ako dahil kahit litrato na lang ang natitirang meron ako, maalala ko pa rin ang pinagsamahan nating dalawa.
Ngunit hayaan mong bigkasin ko ang mga salitang hindi ko nasabi sa iyo noon.
Na labis kong pinagsisihang di ko nasabi sa iyo ngayon.
"Mahal kita higit pa sa kaibigan."
YOU ARE READING
Kung 'Di Rin Lang Ikaw
Short StoryA oneshot story. This is my own story of the song, "Kung 'Di Rin Lang Ikaw", by December Avenue Ft. Moira Dela Torre. I wrote this because i want to. That's all, thanks. :>