Mary's POV
Nagising ako ng maaga at tumingin ako sa wall clock na nakasabit 6:43 kaya naisipan kung maghanda dahil mamaya mag aalmusal kami at pupunta ng Enchanted Academy daw.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda ng may kumatok sa pintuan ko
Pinagbuksan ko naman ito at nakita ko si Jessica na nakangisi mahahalata kong si jessica ba o hindi dahil si jessica ay aquatic blue ang hair at mga mata niya
"Bakit Jessica?" Tanong ko
"Ah eto pala daw yung susuotin mo" ay oo nga pala wala akong damit oo nag impake ako nun pero hindi dapmit importanteng gamit lang
"Sige, salamat huh" tumango lang siya at umalis
Tiningnan ko yung damit parang pang ordinaryo pa rin naman yung outfit dito eh pero binigay sakin floral dress na kulay violet
Naisipan kong maligo muna bago bumaba at mag almusal. Excited na talaga ako mag aral dun at tumira
Pagkatapos kong maligo sinuot ko tong binigay na floral dress sakin at saka sinuklay ang hair ko na hanggang bewang ko yeah mahaba to
Bumaba ako at pumunta sa kusina halos nandun na silang lahat parang ako nalang ang kulang
"Oh Mary, halika at maupo ka dito sa tabi ko para makakain!" Sweet na paanyaya sakin ni dwayne
Kasalukuyang kumakain kami ng magsalita si Mrs.Marian
"Umm...potioner??naisipan kong isama nalang kayong lahat sa Enchanted Academy kasi parang lungkot niyo kahapon ng sinabi kong si jessica at dwayne lang ang isasama eh!kaya sige kasama kayo!!" Agad namang ikinagulat nilang lahat
"Totoo po ba Mrs. Marian???" Tuwang tuwa na tanong ni Jessi
"Yeppp!!!" Tipid na sagot ni Mrs. Marian
"Yeheyyyyy!!!!!" Sigawan nilang lahat kaya napangisi nila ako
Matapos kaming makakain ay nag handa na ang anim na mga dalaga pati na rin si Mrs. Marian at ang anak niya
Linibot ko muna tong bahay ni Mrs. Marian sabi niya kasi eh para daw hindi ako mainip sa pag antay sa kanila. Nag aayos pa kasi sila
Manghang mangha ako dito ang ganda ng garden nila ang bango bango ng mga bulaklak tapos may mga fairies na nagbabantay matapos kong libutin ang buong bahay ay bumalik ako sa salas para maghintay ulit
"Tara na Mary! Mukhang naghintay ka ng matagal ah!!!" Alalang tanong sakin ni Shen para tuloy siyang ate ang sweet
"Ah hindi naman nilibot ko kasi tong buong bahay. Sobrang ganda!" Ngumisi nalang siya at sinenyasan akong lumabas na
Pagkalabas ko ay may nakita akong naghihintay na kabayo at karwahe
"Umm...Mary ikaw na maunang sumakay!!" Tugon sakin ni Mrs. Marian
"Sige po" pagpasok ko ay may apat na upuan dun
"Dwayne,Jessica at Shen diyan kayong tatlo kasama si Ms.Mary" agad namang tumango silang tatlo
"Pwede na po ba tayon makaalis? " Tanong ng matandang lalaki na nasa harap
"Tara na po" Sabi ni Jessica
Biglang umandar ang karwahe at biglang may lumalabas na pakpak sa mga kabayo at unti unti kaming lumilipad. Woahhh!!! Astig nito ah
•
•
•
"Nandito na tayo" sabi nung matandang nasa harapan"Tara na Mary!!" Paanyaya sakin ni Dwayne agad naman naming nakita sila Mrs. Marian at yung ibang potioner pati yung anak niya na nag aantay na samin sa isang napakalakin gate. Ang ganda!
"Alohomara" sambit ni Mrs. Marian at biglang nagbukas ang napakalaking gate tumingin siya samin at sinenyasang pumasok na
Wow!parang hotel dito sa loob?napakaganda!!!
"Mga potioner? Sasama ba kayo sa H. M office?
"Yes master!!' sabay nilang anim
Habang naglalakad kaming siyam dito ay nakakarinig ako ng mga bulungan ng mga estudyante nag ring na kasi yung bell nila kaya siguradong naglabasan na sila
"Hala!nandito yung mga potioner at may isang babae?" Girl 1
"Ang ganda pa rin nila no bakit may kasama sila?bagong potioner bayan? Girl 2
"Hala bro,tingnan mo hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Mrs. Smith kahit na may anak na siya!!!" Boy 1
"Oo nga no. Ang ganda rin ng mga potioner pati yung kasama nilang naka floral dress. Eh bakit walang kulay yung eyes and hair niya?" Boy 2
"Baka bago" boy 1
"Nandito na tayo Mary" hindi ko namalayan nandito na pala kami. Panay kinig ko kasi sa bulung bulongan nila eh!
Ngumitu nalang ako. Binuksan ni Mrs. Marian ang napakalaking double door at may nakaukit na Head Master Office
"Mrs. Smith!!!!Napadalaw ka yata?" Bungad sa amin ng lalaki I think nasa Mid 50's na siya
"Oh!Head Master Willy!!!long time no see. May nais lang sana akong ipa enroll!!" Alam ko na ako yun pinaupo ako ni H.M willy sa isang visitor seat at doon sila ni Mrs. Marian nag usap sa lamesa ni H.M willy
Habang iginagala ko ang mga tingin ko bigla akong tinawag ni H.M willy
"Ms.Mary Arven Rañola, Now you enrolled in this academy!!" Sabay ngiti sakin kaya nginitian ko rin siya
"Salamat po!!" Pagbigay salamat ko sa kanya
"WELCOME TO ENCHANTED ACADEMY,MARY!!!"
Comment. Vote. Share