Ako Na Lang Ulit(One Shot)

208 5 0
                                    

Yul Jerome's POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Halos mga isang oras na din akong naghihintay dito sa harap ng simbahan. Magsisimba kasi kami ni Anna lalo na ngayon at 2nd anniversary na namin. 

"Anna" ang pangalang kay sarap pakinggan. Para itong isang awitin sa aking mga pandinig.  Sobrang mahal ko siya at minsan nga naisip ko na ito na siguro ang babaeng ihahatid ko sa altar balang araw. Kahit lagi kaming magkasama, hindi ako nagsasawa sa kagandahan niya, tingin ko nga.. mas lalo pa siyang gumaganda. Sa tuwing nakikita ko siya, laging bumibilis ang tibok ng puso ko, parang yung dati lang nung una ko siyang nakita dito din sa harap ng simbahang ito.

"Hon kanina ka pa bah?" Isang boses na nagpaputol sa pag gugunita ko. 

Agad akong lumingon sabay ngiti. Isang napakatamis na ngiti.

"Oo hon.. Pero okey lang. Bakit ang tagal mo?"

"Aah kasi traffic hon!" 

Pumasok na kami sa simbahan pero sa buong misa, napansin kong hindi siya mapakali nun.. Panay ang tingin niya sa cellphone niya. 

"Hon may problema bah?" tanong ko sa kanya nung nanood na kame ng sine..

"Ahh wala.. wala..." sabi niya kasabay ng isang pilit na ngiti..

"Kung may problema ka wag kang mag-alinlangang sabihin sakin ahh? Handa akong makinig."

Sincere ako don. Ako ang isang taong malaki ang pang-unawa at pasensiya lalo na pag sa taong mahal na mahal ko.

Pagkatapos ng araw na yon, minsan ko na lang nakakasama si Anna. Sa tuwing pinupuntahan ko siya, lage siyang wala o di kaya ay busy. Isang araw ay naghintay ako sa labas ng classroom nila. Gusto ko ng linawin ang lahat kasi sobrang miss ko na talaga siya. Bakit kung kelan 2 years na kami tsaka nagkaganito? 

"Hai Anna, kumusta na?"

"Oh anjan ka pala.." mukhang nagulat pa siya sa presensiya ko.

"Miss na kita hon. Lagi ka na kasing busy.. :-( "

"Bakit? Ano ba gusto moh?" 

Ano ba yan, minsan na nga lang kaming magkasama ang sungit pa niya sakin. Hindi niya ba ako namiss?TT__TT

"Gusto ko sana may time ka din sakin.." malungkot kung sabi..

"ANO KA BA YUL? DI KA BA NAGSASAWA NA LAGI TAYONG MAGKASAMA?" 

Nabigla ako sa sigaw niya. First time ko lang narinig na ganito siya magreact...

"Sobra ka naman hon, wag ka namang manigaw!" mahinahon ko paring sabi..."May mas gwapo ka na bang nakita sakin hon? hehe"  Kunwaring joke ko pero seryoso ako, ayaw ko kasing mas lalong magalit siya ehh..

"WALA KA BANG TIWALA SAKIN? DIYAN KA NA NGA. NASAYANG LANG ANG ORAS KO SAYO!" padabog siyang tumayo at umalis na...

Hindi ko alam kung ano problema niya. Pumunta ako dito para makipag-usap pero walang nangyari..Ang sakit ng mga naririnig ko sa kanya. Gayunpaman, pinilit ko siyang unawain. 

Pagkatapos ng pag-uusap naming yon, pumunta ako sa bahay nila para makipagbati. Bumili ako ng chocolate at tatlong roses, pang peace offering ko sa kanya.. 

"Good morning po tita! si Anna po?"  >__<

"Naku anak wala dito.. may group project daw sila..." Sabay kamot sa ulo ni tita.. 

"Ahh ganun po bah..Sige po pakibigay na lang po ito sa kanya.." Inabot ko na yung hawak hawak ko at umalis na...

Ang bigat ng puso ko ang hirap ikimkim kaya humingi ako ng payo sa bestfriend ko...  

Ako Na Lang Ulit(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon