still asha's POV.
natapos ang lahat lahat. andito ako ngayon sa bahay NAMIN. yes, bago pa daw kami ipinanganak may nakahanda na, na bahay actually di siya bahay mansion. ang laki nga e mad malaki pa sa bahay namin.
andito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. akin lang kasi kahit magasawa na kami mag kaiba pa rin kami ng kwarto.
ang ginagawa ko lang ngayon eto nagbabasa. gumagawa ng story sa wattpad.
tok....tok....tok....tok....
"ma'm Asha may tao po sa baba gusto daw po kayong kausapin" sabi nung maid namin.
"ok. sige bababa na " sabi ko naman.
naka pajama lng ako at naka longsleeve ang lamig kasi dito aircon.
ayaw ko naman ipapatay kasi mainit.
ang lalaki naman kasi nung aircon.
"sino daw yun?" tanong ko sa mga maids habang bumababa ng hagdan. nagulat ako ng biglang....
"HAPPY BIRTHDAY!!!!!" masaya nilang bati. ayyy oo nga pala birthday ko ngayon nakalimutan ko na.
"Happy birthday babe" sabi ni dave psh! napaka plastik. kapag kami lang dito puro bangayan ang maririnig.
nag smile lang ako at sinabing "thank you po" .....
88888888888888888888
nagsisivideoke lang sila at kumakain.
"Asha halika may gustong makita ka" sabi ni dave.
lumapit ako at lumabas na kami andito kami sa may pool area
"ATE SHANE!!!!!" sigaw ni maya.
"hello! kamusta ka na?" sabi ko
"eto ok lang po. i'm so happy because your with kuya dren na!" sabi niya wait ang tagal ko nang naririnig yung pangalan na yon sino ba yon?!
"sino si dren?" tanong ko
"Ako, ang tagal mo na akong nakikita di mo pa alam nickname ko" singit ni dave
di nalang ako umimik.
"ate shane...for you nga pala. kuya said that you like that...happy birthdayyy!" sabi ni maya
binuksan ko yon at may nakita akong teddy bear yung gustong gusto kong teddy bear. tumingin ako kay dave at nag smile siya saakin.
parang ang bait ata namin ngayon.haha!